Sa buhay ng tao pagdadaanan talaga ang saya, lungkot, sakit. Mabubuhay at mamamatay ang bawat isa. Kaya sabi nila habang nabubuhay ka pa ay i-enjoy mo lamang ito, gawin mo lahat ng nagpapasaya sayo, gawin mo lahat ng gusto mo. Dahil hindi mo alam at basta na lang dadating ang kamatayan mo.
Sabi nila kapag nag-aaral ka ay ang pagiging high school ang pinaka masaya, dahil dito mo nararanasan ang karamihan sa first mo. First cutting, inom, bisyo, at higit sa lahat ang pag-ibig.
Tama nga sila lahat ng first. Ngayong high school ako first time ko makakita ng mga patayan, kabalastugan. Ang eskwelahan ang pangalawang tahanan ika nga nila, pero ang masasabi ko ay nakadepende ito sa eskwelahan na papasukan mo.
"Bunganga mo na kaya ang isunod ko?" tanong ng baliw naming principal.
Mamanhid ang kanang paa ko dahil sa tama ng bala, mabuti na lamabg at malayo ito sa bituka. Akala ko kanina mamatay na ko ng ganun ganun na lang, mabuti na lang at sa paa lamang ako tinamaan.
Impit na iyak lamang ang naging sagot ko dahil mas naja focus ang atensyon ko sa paa kong nagdudugo.
Napatingin ako sa mga kasama ko, lahat sila ay nagaalala sa kalagayan ko. Lennox looks pissed as well as Kuya Dylan. No, mali, lahat pala sila ay mukhang galit.
"Who are you to hurt our princess?" seryosong tanong ni Lennox. Tumayo ito sa pagkakaupo, ganun din ang ginawa ng mga kasama namin. Bakas sa mukha nito ang sobrang galit.
"Who am I? Ako lang naman ang papatay sa inyong lahat" tumawa ito ng pangdemonyo.
"Eh ako? Kilala mo ba kung sinong kinakalaban mo?" malamig na sambit ni Lennox.
"Ofcourse, you are one of the pityful student in my school, am i right?"
Nagulat na lang ako ng biglang nasa harapan na ng principal si Lennox at nakatutok ang patalim sa leeg nito. Umikot sya sa likod nito upang hindi ito makapalag. Ang mga tauhan naman ng principal ay isa isang bumagsak dahil nasaksak na pala ito ng mga lalaking kasama namin.
Akala namin ay doon na matatapos ang karahasan nito ngunit nagkakamali kami.
Isang putok ng baril ang umalingawngaw at napaluhod naman si Lennox. Binaril sya ng principal sa may balikat dahilan para mabitawan nya ang patalim na hawak niya.
Itinutok naman nito ang baril sa mga lalaki dahilan para mapatigil ang mga ito sa pagsugot.
"Don't under estimate me kids"
Pumunta ito sa akin at hinila ako patayo. Tumulo ang luha ko dahil sa kirot ng biglaang paghila nito at dahil na rin sa patuloy na pagdugo ng tuhod ko.Hinila ako nito palabas ng kweba.
"Walang susunod kundi mamatay itong babaeng 'to" wala naman nagawa ang mga kasama ko dahil sa baril na nakatutok sa ulo ko. Tanging iyak lamang ang nagawa ko.
Lahat ng tapang at lakas ng loob ko ay tila ba nawala dahil sa baril na nakatutok sa ulo. Samantalang dati ay wala akong kinakatakutan. Mapa-babae man o lalaki ay pinapalagan ko ngunit ngayon ay isa akong tupang maamo na walang laban sa kanyang amo.
"Tignan mo nga naman, saan na napunta ang lahat ng tapang mo hija, akala ko pa naman ay may laban ka ngunit nagkakamali pala ako. You looks like you're father, coward"
"Kilala mo ang papa ko?"
"Ofcourse hija, hindi ko naman sya papatayin kung hindi ko sya kilala at wala syang kasalanan sakin. You know, I used to love your mother, no i still love her. Pero ng dahil sa tatay mo ay iniwan nya ko. Kung hindi lang sana inagaw ng papa mo ang nanay mo sakin ay hindi ka maghihirap ng ganito dahil hindi ka sana nabuo. Masaya sana kaming nagmamahalan ng nanay mo"
"My mother would not likr nor love you, dahil masama kang tao hindi katulad ng papa ko" sinampal ako nito dahil sa sinabi.
"Hindi ko talaga gusto ang tabas ng dila mo, manang mana ka sa tatay mo"
Nakarating kami sa gitna ng kagubatan, wala akong makita ni isang estudyante dito, wala ding mga tauhan ng gurang na 'to.
Tinulak ako nito dahilan para mapasubsob nanaman ako sa lupa, this time sa ugat ng malaking puno naman tumama ang sugat ko sa tuhod. Napasigaw ako sa sakit na dulot nito.
"I will end your life here, no one will save you, i pity you, you looks like a useless bitch" sambit nito.
Dahan dahan nitong inangat ang baril at itinutok sakin, binalot ako ng takot dahil sa oras na to maaring mamatay na ko, no mamamatay na talaga ko.
*Bang*
BINABASA MO ANG
Inferior University
Mystery / ThrillerThis story is all about a girl who enter a high ranking school but low on student attitude, she meets unexpectable people which happens to be her friends through up and downs. Find the right love to a gangster who is willing to protect her no matter...