Nandito kami ngayon sa condo ni kuya, ang buong myembro ng D6 kasama si City.
Dumiretso kami dito pagkatapos ng pasok dahil gustong malaman ni City ang mga nangyari.
She keeps on saying sorry simula kanina, sabi ko naman ay okay lang pero sorry pa rin sya ng sorry.
"So....." panimula ni Freya. Bumuntong hininga naman ako.
Tinignan ko silang lahat bago nagpasyang magsalita.
"So.... Dylan is my half-brother, alam nyo naman yun except kay City" sabay tingin ko sa kanila, tumango naman ang nga ito.
"I dont know kung sino at kung paano nakuha yung mga picture na yun, nagulat na lang ako galit na silang lahat sakin. I tried to explain pero hindi sila naniwala. Hanggang sa nag-away kami ni Kim, she collapse i dont know why. Pinatawag ako ng principal which is yung may-ari ng school at tatay ni Kim. Dumating ako dun nandun na si Daddy." namuo ang luha ko.
"Tapos hindi ko na alam yung nangyari masyadong mabilis. Bigla na lang binaril si Daddy. I dont know what to do. Im so hopeless knowing na dahil sakin kaya sya nabaril." I cried.
This is the first time na nag-open ako about sa nangyari kay Daddy.
They comforted me hanggang sa tumahan ako. Si City naman ay tahimik na lumuluha sa tabi ko.
"Im sorry Elaila. Sana pinakinggan kita, Im sorry" iyak nito.
"Shh.. it's okay City"
Bigla naman may nag buzz sa doorbell ng room ni Kuya. Pinagbuksan ito ni Austin. Laking gulat ko nang tumambad sa harapan namin ang grupo ng L6 including their leader.
I don't know what to react. I mean nakakapagtaka ang alam ko ay galit sila sakin pero bakit sila nandito.
Tinignan ko ang sila Kuya ngunit mukhang alam nila na darating ang mga ito.
"W-wait... anong meron?" nagtatakang tanong ko.
Nahihiyang yumuko naman ang mga ito.
"Were sorry Elaila kung hindi ka namin pinakinggan" saad ni Alysa kasabay ng pagtulo ng luha nito.
Agad naman nagsilapitan ang mga ito sakin at niyakap ako. They keep on saying sorry pero hindi ko alam kung anong isasagot ko.
Okay lang naman na sakin pero hindi ko pa rin matanggal sa utak ko na nagalit sila sakin pero naiintindihan ko naman sila dahil hindi ko agad sinabi sa kanila na kapatid ko si Dylan.
Dumako ang mga mata ko sa lalaking nakatayo lamang sa gilid ng sofa. Ang lalaking nakapag-patibok ng puso ko. Ang taong mahal na mahal ko.
Napansin naman nya na nakatingin ako sa kanya. We are staring at each other like no one's around us. I missed him so much.
I missed his eyes. I missed his lips. I missed his smile. I missed all of him. Pero ngayon eto sya sa harapan ko. Hindi ko alam kung anong irereact ko.
"Uhm guys..."
Naputol ang tinginan namin nang magsalita si Siena. Nag-iwas ako ng tingin at agad pinamulahan ng pisngi. Gosh! oo nga pala may mga kasama kami dito.
"Gusto sana naming mag-explain" saad ni Chester.
Tumunog naman bigla ang tyan ko. Kanina pa kase ako nagugutom.
Nagkatinginan silang lahat bago sabay sabay na napatawa.
"Siguro mamaya na lang, gutom na ang prinsesa natin hahaha" saad ni Kuya. Sinamaan ko naman ito ng tingin ngunit tinawanan lamang ako nito.
Um-order sila ng pizza dahil ayun ang gusto kong kainin. Habang kumakaen ay nanunood kami ng movie.
Sabi nila ay makakapag-antay naman daw yung ie-explain nila kaya manuod muna kami habang kumakain. Ang mahalaga daw ay nakapag-sorry na sila sakin kahit hindi ko pa sila pinapatawad.
I looked at them. They are happily eating and watching. Just like the old times masaya kami ngunit ngayon ay magkasama na ang dalawang grupo. Siguro isa na rin ito sa way upang magbati bati na sila para hindi na ko naiipit sa mga away nila.
Ang dalawang grupo na sikat sa school at mahigpit na magkaaway ngayon ay magkasamang nagtatawanan. Sana lang ay hindi sila magbago. Sana palagi nila akong protektahan. I treated them not only my friends but also my family. Kahit na nawalan ako ng mahal sa buhay, madami naman ang dumagdag na nagmamahal sa akin. I will surely treasure this friendship.
I look at Lennox who is happily watching. They may see him as a cold hearted person pero alam ko sa sarili ko na he has a sweet bone inside him, hindi nya nga lang pinapahalata. Kung sa school ay napaka-seryoso nito pero kapag kasama ang mga kaibigan ay nakikita mo itong tumatawa which is rare for others.
Sana ganito na lang palagi....
BINABASA MO ANG
Inferior University
Mystery / ThrillerThis story is all about a girl who enter a high ranking school but low on student attitude, she meets unexpectable people which happens to be her friends through up and downs. Find the right love to a gangster who is willing to protect her no matter...