Months have passed and he's still courting me. Nandyan yung susunduin at ihahatid araw-araw, bibigyan ng chocolate at flowers, at ang pinaka-paborito ko sa lahat ay yung pagbibigay niya sa akin ng cake. I know nakakataba ang ganung pagkaen pero who cares? that's my favorite, aayaw pa ba ko? hahaha.
Ilang beses pang nasundan ang mga natatagpuang patay sa school ngunit parang nasanay na kaming mga estudyante kaya hindi na lamang ito pinagtutuunan ng pansin.
Naglalakad ako ngayon patungo sa cr, pumasok ako sa isang cubicle para mag wiwi. Dalawang babae ang pumasok sa cr at naguusap ng tahimik.
"Bakit nya nililigawan si Elaila? may girlfriend sya diba?"
"Tiyak na lagot sya pag nalaman ito ng girlfriend nya"
"Natatakot ako para kay Elaila"
Kilala ko ang mga boses na yun, mga kaibigan ni Lennox. Pero wait ano yung pinaguusapan nila? about girlfriend thingy at nadamay pa ang pangalan ko?.
Don't tell me may girlfriend si Lennox? pero imposible kase wala naman akong nakikita na kasama nyang babae? or baka hindi ako yun.
Hindi ko na lamang pinansin ang mga pinaguusapan nila. Dumiretso ako sa classroom dahil magta-time na.
Aral dito, aral doon. Patapos na ang klase namin ngunit etong katabi ko ay natutulog pa din, tamad talaga.
I poked him few times bago sya gumising.
He smiled at me.
"Hi princess"
"Hi princess ka dyan, di ka nag-aaral nakaka badtrip ka lucifer!" angil ko sa kanya.
"Sorry na, let's have a date" He pouted, omg why so cute. I pinched his cheeks at agad naman itong namula. Nag peace lamang ako dito.
Hindi naman nagtagal ay nagring na ang bell hudyat na uwian na. Nag-ayos lamang ako ng gamit at sabay na kaming pumunta ni Lennox sa sasakyan nya.
Dumiretso kami sa mall. Bumili ng ticket si Lennox, manunuod kasi kami ng sine. Kada magdi-date kami lagi kaming nanunuod ng sine.
Habang hindi pa start ang papanuorin namin naglibot libot muna kami, bumili na din kami ng kakainin namin sa loob ng sinehan.
Dumiretso ako sa isang botique para magtingin tingin, si Lennox naman ay naiwan sa labas dahil ayaw nya daw pumasok.
Hinayaan ko na lamang ito.
Papalabas na ko ng botique ng makita kong may kausap itong babae. She hugged him, I felt a knife stabbed my chest. Ang sakit pa lang magselos.
Inantay kong umalis ang babae bago ako lumapit sa kanya. Nginitian ko lamang si Lennox at di pinahalatang nakita ko sya kasama yung babae.
Kagaya ng tipikal na date namin, nanuod kami ng sine, kumain sa isang restaurant, naglaro sa timezone. Pagod na ko kaya nag-aya na kong umuwi.
Hinatid naman nya ko sa bahay, I bid my goodbye at saka dirediretsong pumasok sa bahay.
Nadatnan ko ang parents kong nakaupo sa sala nanunuod ng t.v.
"Anak may nagpadala sayo ng regalo, tignan mo na lang sa kwarto mo" saad ni mama. Tumango lamang ako.
Pagdating ko sa kwarto nandun ang isang box nakapatong sa kama ko.
Hindi ko naman birthday kaya nagtataka ako kung bakit may nagpadala ng regalo sakin.
I slowly opened the box.
It'a picture of me and Lennox. There's a blood stain on my picture. There's also a letter together with the picture.
"Layuan mo sya -KR" basa ko.
Sinong lalayuan ko? is this a threat? Sino naman ang nagpadala nito? Sino si KR?
Wala sigurong magawa ang nagpadala nito. Baka isa sa mga fangirl ni Lennox. Hindi ko na lamang ito pinansin at agad nagbihis upang makapag-pahinga na.
Nakahiga ako sa kama while browsing my facebook.
Lennox:
I can't sleep.Baliw ba to? anong gagawin ko. tss.
Elaila:
Just close your eyes :)Hindi naman nagtagal ay nagreply ito.
Lennox:
I missed you my princess.Magkasama lang kami kanina pero miss nya na agad ako. Grabe naman para akong mamatay sa kilig. I typed my reply.
Elaila:
Goodnight Lucifer :)Hindi ko na inantay na magreply sya. I logged out my facebook. My phone beep hudyat na may nagtext rito.
From Lucifer:
Goodnight my princess :) dream of me. I love you :*"I love you too lucifer" bulong ko, alam ko naman na hindi nya ko maririnig kaya malakas ang loob kong sumagot sa i love you nya.
Sana palagi na lang ganito.
Sana wala nang gulong mangyari.
Sana......
![](https://img.wattpad.com/cover/148555782-288-k679267.jpg)
BINABASA MO ANG
Inferior University
Mystery / ThrillerThis story is all about a girl who enter a high ranking school but low on student attitude, she meets unexpectable people which happens to be her friends through up and downs. Find the right love to a gangster who is willing to protect her no matter...