Dalawang araw na ang lumipas pero di pa din pumapasok si Lennox. Eto ako ngayon nakatanga habang hinihintay ang pagdating ng aming guro.
Sa dalawang araw na absent si Lennox ay hindi pa rin ako pinapansin ng mga kaibigan nito. Nasa tabi ko naman palagi ang D6 lalong lalo na si Kuya para samahan ako.
Si City naman ay nasa Palawan kasama ang pamilya nya kaya bagot na bagot ako sa nakalipas na dalawang araw.
Dumating ang teacher namin na may kasamang isang babae. Matangkad, maputi, singkit ang mata, at higit sa lahat maganda. Kahawig nito yung babaeng nakita ko sa picture dun sa condo ni Kuya.
"Okay class, you will be having a new classmate. Kindly introduce yourself miss Reyes."
Taas noong pumunta sa harapan ang babae at nagpakilala.
"Hi, i'm Kimberly Ramirez." she flashed a sweet smile.
"Welcome back queen bee" sigaw ng isa kong kaklase at tila anghel naman itong tumawa.
Mayroong dalawang upuan na bakante sa tabi ko. Isa ay yung kay Lennox at isa sa tabi ng upuan ni Lennox.
Umupo ito sa bakanteng upuan, napatingin ito sa akin, she sweetly smiled at me or should i say a sarcastic smile. I don't really feel comfortable about her. Siguro ay dahil ngayon ko pa lang sya nakita.
Lumipas ang maghapon at wala akong natutunan sa mga dini-discuss ng mga teacher dahil ang isip ko ay lumilipad, iniisip kung nasaan o ano na ang nangyari kay Lucifer.
Sinundo naman ako ni Dylan nung uwian, sabay kaming uuwi dahil may dinner daw kami nila Daddy somewhere.
-
KINABUKASAN ay magisa akong pumasok dahil may lakad daw si Kuya Dylan. Pagpasok ko pa lang sa paaralan ay masasamang tingin na ang ipinukol sakin ng mga estudyanteng nadadaanan ko. They keep on whispering pero naririnig ko naman.
"Bitch"
"Slut"
"Manggagamit"
"Lagot sya kay Lennox"I ignore all of their shits.
Taas noo akong naglakad patungo sa classroom. Nasalubong ko pa ang myembro ng L6 ngunit iniwas lamang nila ang tingin nila sakin.
"Elailaaaaaaaaa!" napatingin ako sa pinagmulan ng sigaw, si City. Mabilis ang takbo nito patungo sa akin. Hinatak ako nito sa lobby ng school papunta sa freedom board.
And then i saw my pictures with KUYA Dylan. Yung pumunta ako sa condo nya, yung sumakay ako sa kotse na, yung paglabas ko sa condo nya nung umaga, yung pagkain namin ng dinner sa tagaytay with my family, yung kiniss nya ko sa nood nung hinatid nya ko sa bahay. Lahat nakapaskil sa freedom board.
"What the fvcking meaning of this Elaila!" sigaw ni City.
"I-i can explain" kalmado kong saad.
"Explain what?! akala ko ba si Lennox lang? akala ko ba mahal mo na si Lennox? pero what the fuck are you doing? flirting with Dylan? Ha? Anong ginawa mo sa condo nya? Elaila you're my bestfriend pero hindi ko itotolorate yang mga ginagawa mo, yang KALANDIAN mo"
"T-teka mag eexpla—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sinampal ako nito.
Napabaling ang ulo ko dahil sa lakas ng sampal nito. Sunod sunod tumulo ang luha ko.
Madaming estudyante ang nakapalibot sa akin upang makiusyoso. Nandun ang buong L6 including Lennox. Nakalingkis naman sa braso nito si Kimberly na animoy naaalis sa nangyayari.
Anong ginawa ko? Bakit nya kasama yung transferee? Pinagbabato ako ng papel ng mga esdyutande na nakapalibot, animoy natutuwa dahil magagalit sa akin ang sinasamba nilang demonyo, si Lennox.
Masama ang tingin sa akin ni Lennox. Nais kong humingi ng tulong ngunit para bang hindi ako nito kilala kaya minabuti kong wag na lang.
Nag-ring ang bell hudyat na simula na ang klase. Agad namang nagsialisan ang mga nakikichismis na estudyante. Ang L6, si City at Kimberly lamang ang naiwan.
"Lennox— i can explain" nagmamakaawa kong saad.
Tinaasan ako nito ng kilay.
"Explain what bitch? my BOYFRIEND doesn't care at all, right babe?" sabat ni Kimberly. Hindi naman sumagot si Lennox at nanatiling masama ang tingin sakin.
"Kapatid ko si Dylan, wala lang yan please maniwala kayo sakin" pagmamakaawa ko.
"Oh c'mon you're so fake, even China denied that they made you. Wag ka nang mag-explain. Bitch" pagtataray ni Kim.
Napailing naman sakin ang ibang myembro ng L6 habang isa isang naglakad palayo sakin. Naiwan akong mag-isa. Bakit ba ngayon pa nawala si Kuya Dylan? edi sana naniwala sila sakin na kapatid ko lang sya.
Im not that kind of girl. Never in my life i imagined of being that kind of girl.
Ang malas lang kung kailan ko na sya balak sagutin dun pa nagkagulo. At ang galing lang dahil may girlfriend pala ito at nagawa pang manligaw sa akin.
Life sucks....
BINABASA MO ANG
Inferior University
Mystery / ThrillerThis story is all about a girl who enter a high ranking school but low on student attitude, she meets unexpectable people which happens to be her friends through up and downs. Find the right love to a gangster who is willing to protect her no matter...