Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
"Hinga..." natatawang bungad ni Marco sa akin.
Naabutan kasi ako nitong masyadong busy sa harapan ng aking laptop. Inaayos ko ang mga sales at repot ng mga high end bar namin.
May dalawa na kaming nakapasok sa isang casino. Bagong branch malapit sa hotel nila tito Matteo at sa susunod na buwan ay pupunta kami ni daddy sa Cebu at Iloilo para tingnan ang mga site na pwedeng pagtayuan pa nito.
"Oh bakit andito nanaman ang munting hardinero?" Balik na pangaasar ko sa kanya.
Malaki laki na din ang hacienda ni Marco. May malawak na siyang palayan sa Bulacan. May iba pa iting negosyo kagaya ng mga poultry, pigery, at meron na din siyang coprahan.
"Tumingin ako ng sasakyan" sagot niya sa akin.
Bahagya lamang akong tumango pero napa awang ang bibig ko ng itaas niya at ipinakita niya sa akin ang susi ng kanyang bagong sasakyang Hummer.
Malawak akong napangiti dahil dito. Matagal na kasing pangarap ni Marco ang sasakyang iyon, pero kahit nung nagkapera na ay hindi pa din niya nagawang bumili. Sa tinagal tagal ay ngayon lang siya naging desidido.
"Pasakay ako diyan ha!" Pangangatyaw ko sa kanya.
"Syempre naman..." sagot niya sa akin.
Masaya ako para sa kanya, masaya ako dahil naging kaibigan ko si marco. Hindi lang simpleng kaibigan kundi matalik na kaibigan. Pangalawang kuya kung baga.
"Eh kamusta naman yung nililigawan mo?" Pangaasar ko dito.
May naikwento ito sa akin tungkol sa isang probinsyanang babaeng anak ng isa sa kanyang magsasaka. Hindi man aminin nito pero pansin ko sa bawat kwento niyang humahanga siya dito.
"She's my ideal girl...ofcourse next to you" pahabol na biro pa niya kaya naman umakto akong babatuhin siya ng picture frame na nasa ibabaw ng aking lamesa kaya naman napahalakhak siya.
"She's an ideal type of girl...pero ewan ko, may iba akong hinahanap" sagot niya sa akim tsaka siya tipid na ngumiti sa akin.
"Mahahanap mo din yan" pagpapalakas ko ng loob niya pero tinaasan niya lamang ako ng kilay.
"Eh ikaw..."
"Balita ko tumawag na si Zeus, anong balita magpapakita na ba siya?" Tanong niya sa akin kaya naman muli akong napatitig sa screen ng aking laptop, napatulala.
"Hindi ko naman siya nakausap" sagot ko sa kanya.
Natahimik si marco, nakatitig lamang ito sa akin. "Sa tingin mo nasa Pilipinas sila?" Tanong ko dito habang nakatingin sa kawalan.
"Si Zakkie, sigurado kamukhang kamukha na iyon ng Daddy niya" dugtong ko pa sa kanya.
"Tammie..." malambing na pagtawag nito sa akin. Nakaawang lang ang bibig nito may gustong sabihin pero mukhang hindi din niya alam kung paano at saan magsisimula.
"Hindi na din ako makapaghintay na makita mo si Zakkie, you deserve to be happy" sabi niya din kalaunan sa akin.
"Thank you, Marco" tipid na ngiting sabi ko sa kanya dahil ramdam na ramdam ko ang concern nito sa akin.
Umalis din si Marco matapos ako nitong sandaling yayaing mag mirienda sa isang restaurant malapit sa aking opisina. Bumalik din naman ako kaagad dahil marami pa akong kailangang tapusin at kailangan ko pang magreport kay Daddy.
BINABASA MO ANG
My Stolen Innocence ( Game of Love Series #2)
RomanceMy mother once told me to marry a man that loves me more than i love him. And here comes Zeus anthony alonzo, stealing my innocence and breaking my princples.