Chapter 1

479 18 6
                                    

"ANG TANDA mo na. Maglandi ka na nga!"

Sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, iyan yata ang laging binubungad sakin ng kaibigan kong kinulang na nga sa height, kinulang pa sa ganda at sa turnilyo sa ulo. Charot.

"Pwede ba Sam, kahit maglandi ako, walang papatol sa gaya kong weirdo. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na karamihan sa mga lalaki ngayon, na kung hindi malaking hinaharap at seksing katawan ang hanap, eh mga mayayaman at may class na babae naman. Maganda lang tayo pero hindi tayo seksi at lalong hindi tayo mayaman," sabi ko habang nanonood ng anime sa phone.

Lunch break namin at as usual kinukulit na naman niya ako na pumayag na makipag-blind date o kahit anong form ng kalandian mairaos lang ang tuluyang pagkatigang ng aming pagkababae.

"Lukring ka kasi, Jona! Mayaman ka na sa salapi, sa kuripot mo ba namang yan, weirdo ka lang talaga! Bente tres ka na pero adik adik ka pa rin sa mga anime na yan por Diyos por Santo! Pati hilig mo sa musika nakakalukring din! Kulang na lang magsitalsikan ang mga tutuli ko sa tuwing nakikinig ka ng musikang yan!"

Gaga talaga tong si Sam. Eh malamang rock yung genre kaya ganun. Ako nga di ko pinupuna yung pagkahilig niya sa Kpop kahit na mas mukha pa siyang lalaki sa mga boy group na pinapanood niya.

"Haynako, Sam, bakit hindi yung lovelife mo yung atupagin mo kesa mamroblema ka sakin. Kaya ko yung sarili ko. At hindi ko kailangan ng lalaki para maging masaya, gets mo 'dayyyy?"

"At sinong may sabing wala akong lovelife??? Kukulitin ba kita nang ganito kung wala?"

Hala, nabaliw na talaga. Tirik na tirik ang araw, nagde-daydream.

Di ko na lang siya pinansin at nag-facebook na lang sa phone. Mamaya ko na itutuloy ang panonood ng anime, pagkauwi sa bahay. Yung walang nanggugulo at maingay.

Patuloy lang na dumadada si Sam pero di ko na maintindihan ang mga sinasabi niya kasi na-focus na yung attention ko sa isang kanta na nakita ko sa facebook - cover ng kantang Helena ng My Chemical Romance

Nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa ganda ng boses ng bokalista at swabeng bagsak ng pagkakatugtog ng mga instrumento.

Isa ang MCR sa mga paborito kong banda na para sakin eh walang kahit sino ang makakapagbigay hustisya sa pag-cover ng mga kanta nila, pero iba ang pakiramdam ko sa bandang ito.

They literally took my breath away.

Katharsis - iyon ang pangalan ng banda nila. I browsed further hanggang umabot ako sa page nila. Kokonti pa lang yung likes, another underrated Indie band. Meron pa silang ibang covers ng mga kanta... Mga sikat na kanta na ginawan nila ng rock versions, and boiii... they sounded way better!!

I looked at their profile's Bio... and nandun yung mga miyembro ng banda. At dahil na-hook talaga ako sa mga covers nila, in-add ko lahat ng miyembro. Ang creepy diba.

Di naman talaga ako umaasang ma-accept yung friend request ng kahit sino sakanila - gusto ko lang naman ma-follow sila para sa updates sa banda..

Pero may ibang plano pala ang tadhana... :)

Love, FinallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon