"HOY BRUHA! May hindi ka ba sinasabi sa akin, ha?" tanong sa akin ni Sam.
"Pinagsasasabi mo, baliw? Naikwento ko na nga ang hindi ko dapat ikwento, pagbibintangan mo pa ako. Kumain ka na nga."
Narito kami ngayon sa canteen dahil lunch break. Sa totoo lang, kanina pa ako kinukulit nitong si Sam kung may itinatago pa raw ba ako sakanya.
Nagulat ako nang bigla na lang niyang hawakan ang baba ko at itinaas ang mukha ko para salubungin ang mga titig niya.
"Kumusta yung pakain ni Boss Rhyken? Masarap ba?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. How the heck did she know that?!
Mabilis na inalis ko ang hawak niya sa baba ko at tinakpan ang bibig niya.
"Shhh! Huwag ka ngang maingay! At pa'no mo nalaman yun, ha?"
Tinanggal niya yung kamay ko sa bibig niya bago siya umupo.
"Sanggang-dikit kami nung sekretarya niya. So... ano pa ang tinatago mo, hmm? Don't lie to me, Jona. Isusumbong kita kay Ryo," aniyang nakangisi.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.
I knew it. Maling-mali ang ginawa kong pagsabi sakanya ng totoo!
"Don't you dare, Samuella Marie!"
Tumawa lang siya at pagkatapos ay nagsimulang kumain.
"Dali na kasi. Ano bang meron sainyo? Bakit siya nagpakain sa'yo?"
Pakiramdam ko tumigil ang daloy ng dugo sa katawan ko nang bigla na lang mawala ang tunog ng mga kutsara at tinidor.
Malakas na sinipa ko ang paa ni Sam sa ilalim ng mesa.
That sounded so wrong!
"Ouch! What?"
"Lower down your voice! Ang pangit ng konotasyon ng tanong mo!"
"Huh? Alam mo, kakapanood mo ng hentai 'yan. Ang dumi ng isip mo."
God. Bakit... bakit nagkaroon ako ng ganitong kaibigan?
"I swear, Sam, makakaganti rin ako sa'yo."
"Saka na. Pag nagka-boyfriend ka na."
Konting-konti na lang masasakal ko na talaga itong babaeng 'to.
"Sagot na, bru. Promise, ako lang ang makakaalam."
Tiningnan ko siya habang mabagal siyang kumakain. Kanina pa ako tapos kumain habang busy siya sa pag-picture sa ulam niya para ipakita kay Brent.
"Believe it or not, walang meron sa amin ni Rhyken, Sam."
Wala naman talaga. Kahit naman ako ay naguguluhan sa biglang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin. Baka tinubuan na ng budhi sa katawan.
"Utot mo, asul. Bakit ka niya pinakain? Bakit tuwing makakasalubong na natin siya ngayon, tinatanguan ka na niya?"
"Aba malay ko. Baka inusig na ng konsensiya niya."
Sa totoo lang, nakakapanibago talaga ang mga kinikilos ng Emo na 'yon. Tinablan yata siya ng mga salita ko nung nakaraan?
Asal-tao na kasi siya ngayon, eh.
"Hmm... Basta may something. Pero Team Ryo pa rin ako."
Ayy, ako rin.
Speaking of Ryo, ano na kayang nangyari dun?
Simula noong confession niya, kung matatawag mang confession yun, ay hindi pa kami nagkikita kahit na magkalapit lang naman ang mga bahay namin.
BINABASA MO ANG
Love, Finally
Teen FictionJona was a 23-year-old girl who had never been in a relationship. She was an introvert who led a very dull life, but not until she met two guys who were members of the band she recently discovered and followed. She met them in separate, embarrassing...