Chapter 15

185 9 3
                                    

BIYERNES. Year-End Party namin. Narito si Sam sa apartment ko. Ika niya, sisiguraduhin niyang pupunta ako at siya yung mag-aayos sakin.

Pero mukhang sa sarili pa lang niya, mauubusan na siya ng oras. Kasalukuyan niyang pinapatuyo yung buhok niya habang ako eh magbibihis na lang.

Kinuha ko yung P100k-worth na dress. Nakakapanginig talaga ng laman. Kahit gano pa 'to kaganda, hindi ko talaga matanggap na ganito ito kamahal.

Isinuot ko na yon at tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.

Grabe. Iba talagang makaganda yung mga damit pang-mayaman!

"Uy bruha! Ang ganda niyan ha! Mukhang mahal! San mo binili?" Tanong ni Sam habang nagmmake up.

"Sa UK," sagot ko na lang.

"Kelan ka pa nagpunta ng UK?"

I looked at her. Seriously?

"UKay-UKay, Sam."

Tumawa muna siya bago ako binatukan.

"Anong tingin mo sakin, boba? Nunca na galing yan sa ukay-ukay no! Tingnan no naman yung tela sobrang ganda! Saka amoy mahal kaya!"

"Fine fine. Ni-rent ko lang to. 1k for one night. Ok na? Dalian mo nang mag-ayos, bruha ka. Male-late na tayo. Baka di na ko matirhan ng pagkain don!"

Sa totoo lang, pagkain at mga raffle prizes lang naman ang dahilan kaya nagpupunta ako sa mga year-end party ng kompanya. Di kasi ako mahilig makihalubilo. Nakakapagod. I'd rather watch anime series at home!

"Gaga ka. Five-star hotel yon. Di ka mauubusan kahit pa sampung ikaw pa yung kumain don," natatawang sabi ni Sam bago ako hinila at pinaupo at sinimulan niya akong ayusan.

Hindi ako marunong mag-make up. Polbo at lip tint lang lagi ang gamit ko para magkakulay kahit pano yung mukha ko.

Pero si Sam, eksperto sa pag-make up. Kung ako anime at mga banda ang pinapanood ko madalas, siya naman eh mga make-up tutorials.

At lumalabas lahat nang natutunan niya ngayon.

Goodness! Akalain mong may ilalabas pala akong ganda?!

Hindi ako makapaniwala habang nakatingin ako sa salamin.

Ako ba talaga to?

She curled my hair, yung malalaking curls tapos inayos niya din yung bangs ko. Yung make-up ko, hindi siya makapal. Parang halos wala pero grabe nagawa ni Sam paliitin yung mga matatambok na pisngi ko sa pag-contour ba yon. Tapos konting blush on. Yung kilay ko on fleek! Wala yung sabog sabog na brows ko. Yung ilong kong pango, nagawa niyang patangusin. Magician yata itong kaibigan ko. Tapos yung lipstick na ginamit niya eh dark red lipstick para daw bumagay sa suot ko.

I can't believe it. Nagmukha akong ibang tao!

"Bru! Papayag ako na mas maganda ka sakin tonight! Ipupusta ko ang wig ni Boss, magkakaroon ka ng pila ng mga manliligaw ngayong gabi!"

Jusko. Sana nga!

***

NA-LATE kami ng isang oras ni Sam dahil pagkatapos niya akong ayusan, tinapos na niya yung kanya. Sabi niya fashionably late daw ang tawag don. Dami talagang alam!

Grabe talaga. Tiis ganda! Pag talaga natural kang hindi maganda or sobrang plain mo, ang tagal magpaganda.

Pero worth it naman. I have never felt this confident about my looks before. Mabilhan nga ng regalo 'tong bruha kong kaibigan.

Dumiretso kami sa table ng Accounting Department at kitang-kita ko yung paglaglag ng mga panga ng mga kasama namin.

"Samuella, sino itong magandang binibining kasama mo?" tanong ni John, ang katrabaho naming chickboy na walang chicks.

Love, FinallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon