TULALANG nakatingin lang ako kay Rhyken habang nagsasalita siya sa stage. Ni wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Hindi pa rin mag-sink in sa akin ang lahat!
So all this time, apo siya ng big boss ko?! Kaya pala ang dami niyang pera! Kaya pala yung tingin niya akala mo kayang bumili ng kaluluwa!
"Thank you, everyone. I hope we get along well and we learn from each other. Please take care of me from now on," nakangiting sabi niya sa lahat at bahagyang yumukod pa.
Natigil ang tingin niya sa akin sabay ngiti niya nang nakakaloko.
I heard Ryo supressing a laugh beside me.
Binatukan ko nga!
"Bwisit ka! Bakit hindi mo agad sinabi?!" inis na sabi ko sakanya.
"I thought you weren't interested!" sabi lang niya habang inaayos yung buhok niya.
"Anyway, halika muna at sumama sa akin. Practice lang tayo saglit bago ka sumalang mamaya," dagdag na sabi niya at hinila ako. Kaagad na kinuha ko yung plato ko at nagpatianod kung saan man ako balak dalhin nitong si Ryo.
Tumigil kami sa isang kwarto. At pagpasok namin, naroon na sina Luke at Yohan. Si Luke ay nakaupo sa Cajon drum nito habang si Yohan at ay kinakalikot ang bass guitar niya.
"Hey, Jona! Wow. You look amazing!" papuri ni Luke.
"Hello," nakangiting sabi ni Yohan. Sobrang tipid lang talaga lagi ng mga bati nitong si Yohan.
Itong dalawa lang talaga ang maayos kausap sa banda.
"Hi!" nakangiting sabi ko at kumaway pa ako nang bahagya. Medyo nahihiya ako kasi hindi naman ako sanay makihalubilo talaga sa mga lalaki.
Nagulat na lang ako nang bigla na lang guluhin ng hinayupak na si Ryo ang buhok ko!
"Ano ba?!" angil ko sakanya sabay tapik sa kamay niyang nasa ulo ko.
"Huwag kang maniwala kay Luke. Sinungaling yan," sabi niyang tumatawa.
Panira talaga 'to ng saya! Nakakainis!
"Gago!" tumatawang sabi ni Luke bago nakipag-high five kay Ryo.
Pumunta ako sa may keyboard habang si Ryo naman ay pumwesto na sa may gitna at inayos yung mikropono.
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at lumitaw si Rhyken.
"Woaaah, hello there, Mr. CEO!" nang-aasar na sabi ni Luke na sinundan naman ng pambubuska nina Yohan at Ryo.
Tinawanan lang sila ni "Sir" Rhyken bago ito pumunta malapit sa akin at kinuha ang gitara niya.
"You look... nice," kapagkuwa'y sabi niya habang tinotono yung gitara.
Tiningnan ko lang siya.
Is he being sarcastic or is he trying to piss me off? It was either of the two. There was no way he would compliment me whole-heartedly.
He turned to me, smirking. I knew it. He was being sarcastic - I looked nice because the dress he bought for me was nice. Damn you, Alejo.
Eksaheradang nginitian ko siya.
"Thank you, Sir Rhyken. You don't look so bad yourself," plastic na sabi ko, stressing the Sir. "Hindi ka mukhang miyembro ng kulto," mahinang dagdag ko.
Lalo lang lumuwang yung ngisi niya.
"Surprised?"
I faked a shocked expression.
"Sobra, boss!"
Nawala yung ngisi niya at napalitan iyon ng mahinang halakhak.
I couldn't believe my eyes. Did he just laugh?
BINABASA MO ANG
Love, Finally
Teen FictionJona was a 23-year-old girl who had never been in a relationship. She was an introvert who led a very dull life, but not until she met two guys who were members of the band she recently discovered and followed. She met them in separate, embarrassing...