Chapter 13

175 5 3
                                    

"BRUHA ka! Wala ka pa ding isusuot sa Christmas Party?!" gagad ni Sam sakin.

Ako nakakahalata na sa babaeng ito ha. Bakit lagi na lang niya akong dinadaldalan, wala ba 'tong workload? Sumbong ko 'to kay Boss eh.

"Wala pa nga, di na lang ako aattend," sabi ko na lang. Wala talaga akong interes na mag-attend nung party. Kung di lang talaga dahil sa mga pa-raffle, never akong aattend eh!

"Pero balita ko may malaking announcement ang CEO natin eh. Diba nga nasa retirement age na siya? Ipapasa na yata niya yung posisyon niya sa apo niya," bulong sakin ni Sam.

"San mo naman nalaman yan?" curious na tanong ko.

"Kalat na kaya yung balita sa HR! My God, babae ka, tumayo ka naman kasi diyan at makihalubilo!"

"Para san pa kung nandiyan ka naman." Pakiramdam ko frustrated reporter 'tong si Sam, eh.

Natigil kami sa pagkukwentuhan nang pumasok yung boss namin at inipon kaming lahat.

"Okay, team. As you all know, our current CEO will be making an important announcement on our Christmas Party, so I expect all of you to be there," she said with authority, her eyes are directed to me.

Damn. Mukhang hindi pwedeng hindi ako mag-attend. Ayaw kong masabon sa boss ko.

Kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng trabaho, agad na pumunta ako sa mga dress shops sa mall.

Ilang oras na akong paikot-ikot pero wala pa rin akong matinong makita. Sobrang mahal lahat! Kung meron mang mura, hindi ko naman kasya. Nakakainis!

Sa pagod ko, pumunta muna ako sa Burger King at kumain. Diyahe talaga. Mag-Cat Woman na costume na lang yata ako tutal may mask pa rin yon.

Sige lang ako sa pagkain habang nagbbrowse sa cellphone ng mga pwedeng pagpilian na isuot nang may biglang maglagay ng tray sa table ko.

I looked up and saw Rhyken settling down on the chair across mine.

Napanganga ako. Ano na namang ginagawa nito dito?!

"That chair's taken," sabi ko.

He looked at me, his face filled with boredom.

"I don't see anyone," he replied before he started munching on his burger.

"Excuse me, pero ang daming bakanteng table, and as you can see I'm already sitting here. Kaya pwede lumipat ka sa ibang table?" Naiiritang sabi ko.

Again, tiningnan lang niya ako at pagkatapos ay nagpatuloy ulit sa pagkain!

Nakakaasar!

Kitang-kita ko kung pano tumitingin yung mga babae sa table namin. Oh well. May itsura naman tong si Rhyken. Kaso ubod ng suplado kaya ekis siya sakin. Tingin ko sakanya isang malaking parasite.

Since hindi naman siya nanggugulo, hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na din ako sa pagkain at nagbrowse ulit sa phone.

Ang daming magandang suggestions pero jusko, ginto naman sigurado ang presyo ng mga 'to.

"Haaaaaaays..." Hindi ko mapigilang magbuntong-hininga nang malakas.

"Problem?" tanong nitong nasa harap ko.

Tiningnan ko lang siya. He was looking at me with those furrowed eyebrows.

He somehow looked interested so I guess okay lang naman magkwento.

"Di ko kasi alam kung anong isusuot."

"For?"

"Company Year-End/Christmas party."

Love, FinallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon