"AT YUN LANG... Thank you!" nakangiting sabi ko sa waitress na kumuha ng order ko.
Nakatingin lang sa akin si Rhyken.
"It's no wonder you're fat," kapagkuwa'y sabi niya.
Pa'no naman kasi dinamihan ko talaga yung order ko - mula sa appetizer, main course, side dish, desserts at drinks, kinompleto ko.
Syempre kahit dito man lang makabawi ako sa pang-aalipusta ng Emo na 'to.
"Mawalang-galang na Sir, pero let me correct you, I'm not fat, I'm voluptuous!" confident na sabi ko.
Aba totoo naman! Bakit ko hahayaang i-down ako ng ibang tao? Through the years, I learned to love and appreciate myself. Medyo malaman ako kompara sa mga karaniwang babae pero mas masarap naman akong i-hug!
"Yeah, right," bored na sabi lang ni Rhyken habang sumisimsim ng kape. Katanghaliang tapat, kape yung iniinom!
Daganan ko yata 'to para bumait kahit pa'no eh.
"Anyway, pwede ko na bang i-explain sa iyo itong mga reports? Habang wala pa yung order natin," sabi ko. Syempre gusto kong pag dumating na yung pagkain, wala na akong ibang gagawin kundi kumain na lang at i-appreciate yung food.
Tinanguan lang ako ni Rhyken kaya kinuha ko na mula sa envelope ang mga reports at nagsimulang i-explain sakanya ang mga iyon.
I was surprised that he asks the right questions. Halatang matalino at may alam sa business at hindi lang siya naging CEO dahil lang apo siya ng may-ari.
"So bottomline is, the company is in stable position, right?" he asked while flipping through the reports.
"Yup," tanging sagot ko at nagsimula nang lantakan yung mga pagkaing nasa harap ko.
Grabe! Iba talaga ang mga pagkaing pang-mayaman. Sobrang sarap!
Napatingin ako kay Rhyken nang makarinig ako ng shutter sound.
At ang walanghiya! Kinunan pala ako ng litrato habang punong-puno ng pagkain yung bibig ko at mukha akong patay-gutom!
Nilunok ko muna yung kinakain ko.
"Sir! Please pakibura naman niyan!"
Bakit ba ang hihilig nilang kunan ako ng stolen shots? Ipakilala ko kaya sila sa nanay ko tutal yung nanay ko mahilig sa stolen shots. Sila sila na lang magpicturan!
"Too late," he said smirking before he put his phone back to his pocket.
Narinig ko ang pagtunog ng notification ko sa Messenger.
Dali-dali kong kinuha yung phone ko at binuksan yon.
Sinend ni Rhyken yung picture ko sa group chat ng Katharsis!
At ang mga walanghiya nag-react silang lahat ng Haha!
Sinamaan ko siya ng tingin nang marinig ko siyang mahinang tumawa. Bastos! Kung di lang kita boss, bubuhusan talaga kita ng hot choco!
Mayamaya pa isa-isa silang nag-chat.
Luke:
Woah! Are you guys out on a date? Pano na si Ryo? Lol.
Yohan:
The food looks amazing. Pasalubong. :)
Ryo:
:(
Aba't talaga naman. Bakit pa-sad face sad face pa 'tong Ryo na 'to?!
Tumunog ulit yung phone ko at nakita kong may chat si Ryo.
BINABASA MO ANG
Love, Finally
Teen FictionJona was a 23-year-old girl who had never been in a relationship. She was an introvert who led a very dull life, but not until she met two guys who were members of the band she recently discovered and followed. She met them in separate, embarrassing...