Chapter 20

160 4 5
                                    

"HOY, SA'N ba tayo pupunta?" tanong ko kay Ryo na diretso lang ang tingin sa daan at hindi ako kinikibo.

Kanina lang kung makangiti at makahila sa akin akala mo ang saya-saya niyang makita ako eh!

Nagulat ako nang bigla niyang iliko yung sasakyan papunta sa parking lot ng isang mall.

Sumubsob yung mukha ko sa braso niya.

Ano ba! Pango na nga yung ilong ko, lalo pang magiging flat dahil lagi na lang akong nasusubsob kapag kasama ko sina Ryo at Rhyken! 

Narinig ko ang impit na pagtawa ng talipandas na 'to.

"Bwisit ka! Ano bang problema mo, ha?" 

"Wala. Kung kani-kanino ka pa kasi nakikipag-date, eh ang lapit ko lang," sabi niyang ngayon ay nakangisi na.

Malandi! Akala mo walang fiancée kung makalandi!

"Gago. Sikmuraan kita, gusto mo?"

He just laughed and then got out of the car.

Bumaba na rin ako.

"Sa'n ba kasi tayo pupunta?" ulit na tanong ko nang makapasok kami sa loob ng mall.

"Samahan mo kong bumili ng bagong microphone."

"Huh? Yun lang?" Kala ko pa naman...

He looked at me then smirked.

"Why? Did you think I'll take you out on a date?"

Parang ganun na nga. Pero nunca na sasabihin ko sakanya yun!

"Ha! Asa!" sabi ko at pumihit sa kaliwa at nauna nang maglakad.

Mayamaya pa ay naramdaman ko ang pag-akbay niya sa akin at pagkatapos ay hinila ako pakanan.

"Hindi papunta diyan yung music store, Jon," tumatawang sabi niya.

Nag-init yung mukha ko sa pagkapahiya at dahil nakaakbay siya sa akin.

Nakakainis! Bakit kasi kailangang siya pa ang maging crush ko?! Kahit ayaw ko at kahit aware ako na malandi talaga siya, hindi ko pa rin mapigilan na kiligin kahit konti.

"Bitaw nga!" asar na sabi ko habang tinatanggal yung braso niya sa balikat ko.

"Hmmmm... Ayaw mo ba ng akbay? Gusto mo ba ganito?" 

Malakas na tumibok ang puso ko nang mula sa balikat ko ay dumausdos pababa sa bewang ko ang kamay niya at pagkatapos ay hinapit ako palapit sakanya.

Ramdam ko ang bolta-boltaheng kuryente na nanunulay sa katawan ko sa simpleng pagdaiti ng katawan namin.

Juice ko po.

"Feel that?" bigla ay sabi niya kaya naman napatingin ako sakanya.

Nakatingin lang din siya sa akin.

"Lakas no?" he said smiling at pagkatapos ay pinisil yung bilbil ko bago ako binitawan at pumasok na sa store.

Walanghiya ka talaga, Goryo.

Sinundan ko na lang siya sa loob at nagtingin-tingin.

Nakakatakot humawak ng kung ano dito kasi halatang mamahalin itong mga instrumentong tinda nila.

"Do you have a Shure 55SH microphone?" rinig kong tanong ni Ryo dun sa lalaking staff.

"Yes, Sir. Bagong dating lang po iyan, Sir."

Nilapitan ko si Ryo at curious na tinignan yung binili niya.

Pansin ko sakanya, yung mic na gamit niya sa mga gig at practice ay yung vintage mic, yung parang sa panahon ni Frank Sinatra.

Love, FinallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon