Chapter 3

244 13 2
                                    

"JONA, KAUSAPIN mo naman na ako. Pasensiya na talaga sa nangyari nung isang araw. Di ko naman akalaing magkakaron ng ganong disaster," pangungulit ni Sam sakin.

Kaninang umaga niya pa ako kinukulit kasi hindi ko siya kinakausap. Ni hindi ako lumapit para maki-share sa breakfast niya o kaya manghingi ng Milo.

Hanggang ngayon kasi naiinis pa rin ako dun sa nangyari pero hindi naman ako kay Sam naiinis o galit kundi doon sa walang modong lalaki na walang bayag. Kung makapang-insulto akala mo gwapo eh nakatakip naman ang mukha! Sigurado ako bungal  yon o kaya may mouth disease kaya tinatakpan niya. Pagka-pangit pangit siguro ng emo na yun!

"Jonaaaaa~~!" sabay yugyog sakin ni Sam. Gaga to. Nahihilo ako!

"Sam, pakiusap huwag mo akong yugyugin! Nahihilo ako letse ka!" Kanina pa nga ako mahilo-hilo sa mga numero na nasa computer screen dahil hindi ko mabalanse ang lintik na report na to! 

"Eh kasi naman ayaw mo kong kausapin! Nag-sorry na nga ako. Jonaaaaa... sorry naaa. Anong gusto mong kainin mamaya? Libre kita. Wag ka lang magalit sakin," pakiusap pa din niya habang walang tigil na niyuyugyog pa rin ako.

"Sam, utang na loob. Makakagawa na ako ng milk shake sa kayuyugyog mo!" Kanina pa kami tinitignan ng mga officemates naming lalaki dahil sa panggugulo niya! Buti sana kung walang nagalaw sakin! Eh itong dyoga at bilbil ko sabay na yumuyugyog.

Tawang-tawa siya nang ma-realize niya ang gusto kong sabihin. Saka niya ako niyakap.

"Sorry na ha? Ha? Ha? Gusto mo huntingin natin yung lalaki at bigyan ng malupit na liksyon?"

"No thanks, wala akong balak na magkrus pa ang landas namin ng ugok na yon. Magbigti na lang siya sa ka-emohan niya," naiinis na naman na sabi ko.

Nanggagalaiti talaga ako  tuwing naaalala ko yung sinabi niya sakin. Kasalanan ko bang biglaan yung alis namin?! Na hindi pa ko nakabili ng bagong shaver kasi kinalawang na yung dati kong ginagamit?

May buhok lang kilikili ko that time pero mabango to! At kung nakapag-shave lang ako ng legs, tutulo laway non! Imbyerna!

"Pero alam mo, beh, feeling ko iyon na yung simula ng paglabong ng love life mo," biglang sabi niya.

"Gaga ka ba? Kita mong di sumipot yung kaibigan ng jowa mo tapos sasabihan mo pa ako ng ganyan? Ingudngod kita diyan eh."

Natawa na lang ang lokaret. 

"Basta iba yung pakiramdam ko - sa paningin ko parang itinadhana kayong magkita!"

Baliw. Sa mga anime, Kdrama at shoujo manga lang applicable yung ganon. At nunca na aasamin kong magkaroon ng kahit na anong relasyon sa emo na yon. Mukha niya.

"Oo na lang. Yung lunch ko mamaya na libre mo ha? Baka malimutan mo," paalala ko sakanya. Sayang din yon.

***

PAGKAUWI, AGAD NA nagpalit ako ng damit pambahay - tank top at shorts na maluwag sabay tanggal ng bra. Damn, this is the best feeling. My babies are finally free. I tied my hair up in a bun and went to my room.

Kinuha ko yung laptop ko at sinet-up na yon sa higaan. I gotta finish Attack on Titan Season 2 tonight para masimulan ko na yung iba pang anime. Feel ko talaga lagi akong nauubusan ng oras pag di ko nauubos yung mga anime sa list ko.

Kukuha sana ako ng chichirya sa lalagyan ng junk foods ko nang mapansin kong wala nang laman  yon. What a bummer. Ayaw ko namang manood nang walang kinakain kaya napagpasyahan kong bumili na lang.

Kinuha ko yung jacket ko na may hood at di na ko nag-abalang magsuot ng bra. Di naman na sila halata sa sobrang luwag sakin ng jacket na suot ko.

Lumabas ako at naglakad na papunta sa pinakamalapit na convenience store. 

Pagpasok, kumuha ako agad ng basket at nagsimula nang mamili ng mga makasalanan na pagkain. 

Jona, chichirya lang ang bibilhin ok? Wag mong bilhin ang buong convenience store.

Pagkatapos kong mamili ng chichirya, cup noodles, Milo, kape, at shaver, pumila na ko sa cashier.

Kukunin ko na sana yung wallet ko nang magsimulang i-punch na ni ate ang mga pinamili ko.

Pakiramdam ko tinakasan ako ng kulay sa mukha nang hindi ko makapa yung wallet sa bulsa ko. And then it dawned on me... hindi ako nakapagdala ng pera! Nagsuot lang ako ng jacket pero hindi ako nagdala ng bag man lang or pitaka!

Watdahek. Jona, pinaandar mo na naman ang katangahan mo!

"Ma'am, P2,862.50 po lahat," nakangiting sabi ni ate.

Shit. Hindi ako makangiti. Hindi ko alam pano ko sasabihin na babalikan ko na lang yung pinamili ko. Damn it sobrang nakakahiya!

"Miss, pwedeng magbayad ka na? Ang dami nang naghihintay dito."

Agad kong nilingon yung nagsalita pero katawan lang yung nakita ko kaya napatingala pa ko.

Holy shit! Seryoso???! Seryoso!!! Ngayon pa ko makakakita ng gwapo kung kelan nasa isang kahiya-hiyang sitwasyon ako?!

He is darn tall - over 6ft maybe. His long hair is in a pony tail kaya kitang-kita ko ang pagkaka-depina ng panga niya. His brown eyes were hooded with thick brows and eyelashes. Ang tangos ng ilong niya at ang nipis at ang pula ng labi niya.

Kelan pa nagkaroon ng ganitong kagwapo sa lugar namin?!

"Sana bago ka maglaway diyan, magbayad ka muna. Ang dami mong sinasayang na oras. Tabi!"

Para akong nagising nang marinig ko siyang magsalita. I woke up from daydreaming and saw how he glared at me!

Aba't! Porke gwapo, may K nang magsungit?! Halikan kita diyan eh!

"Ma'am, yung bayad niyo po..." mahinang tawag ng cashier. Shit!! Nakalimutan ko!!

Ahh lupaaaa... Lamunin mo ko!

"Ughh.. Ate ano... pwedeng..."

"Ang tagal!" sabi na naman ng nasa likod ko.

Pinigil ko ang sarili kong lingunin siya at hampasin.

"Ate, pwedeng pa-void muna nung sakin at pakitabi? Nakalimutan kong magdala ng wallet. Pasensiya na. Babalikan ko ngayon din. Pasensiya na talaga," hiyang-hiyang sabi ko dun sa cashier at nakayukong umalis na ko don.

Bakit nagkakasunod-sunod naman ang mga kahihiyan ko?!

"Tss. Wala naman palang pambayad, ang lakas ng loob mamili."

Aba talaga naman. Hahayaan ko na nga sana yung pang-iinsulto ng lalaking 'to dahil gwapo siya pero humirit pa! Sobrang rude! 

Bakit ba nagkalat na ang mga rude na lalaki ngayon? Ke pangit, ke may itsura - ang rude na! Quota na ko ha!

Lumabas ako sa convenience store at naghintay saglit.

Paglabas nung lalaking pinaglihi sa sama ng loob, pinatid ko siya at saka na ako kumaripas ng takbo. He fell flat on his face. Hah! Serves you right!

"Pangit mo, gago!" malakas na sigaw ko saka ko na binilisang makauwi. Baka habulin pa ko non, mahirap na.

Mamaya ko na lang babalikan yung pinamili ko, baka abangan pa ko nun. Haha!

Lord, patawad po. Alam ko masamang gumanti at manakit ng tao pero sobra na kasi eh! Masyado nang maraming makasalanan na naman sa mundo.

Love, FinallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon