PAGDATING ng Lunes, pormal na ipinakilala sa kompanya si Rhyken as CEO ng Alejo Malls. Inilibot siya sa bawat department, sa selling man o back office.
At bilang main branch yung mall kung saan ako nagtatrabaho, doon din siya mamamalagi. Kung di ba naman talaga ako saksakan ng malas.
Pero ang bruho nang ipakilala siya sa Accounting Department kanina, ni hindi man lang ako tiningnan! Akala mo hangin ako na hindi niya makita! Imbyerna talaga yung emo na yun!
Akala niya ha. Bibwisitin ko ulit siya sa sunod na practice.
"Oh my God! Nakaka-inspire namang magtrabaho pag ganitong araw-araw mong makikita ang boss mong sobrang hot! And did you see how he ran his fingers on his guitar? Jusko sana gitara na lang din ako!"
"My gosh, I feel you, girl! Alam mo yung parang sa mga pocketbooks lang 'to nangyayari?! Kasi yung mga boss naman sa totoong buhay matatanda na at malalaki ang tiyan, eh!"
Impit na nagtawanan ang mga babaeng nadaanan ko sa canteen.
Kahit saan yatang sulok ng opisina ngayon, si Rhyken ang topic. Wala sa loob na naiikot ko ang mga mata ko.
Kung alam niyo lang na ipinaglihi sa sama ng loob 'yang hinahangaan niyo!
"Oh, anyare sayo? Bakit ganyan hilatsa ng mukha mo?" tanong sa akin ni Sam nang ilapag ko sa table namin yung binili kong pagkain at pagkatapos ay umupo na ako.
"Eh kasi naman kung makapuri yung mga officemates natin kay Rhyken, akala mo ubod siya ng gwapo. Emo naman iyon! Bugnutin pa," asar na sabi ko bago sinimulang lantakan yung kare-kareng binili ko.
"Gwapo naman talaga siya, ah? Magaling pang maggitara. Alam mo, bruha, biased ka lang kay Sir Rhyken kasi nakitaan ka niya ng mabuhok na legs at walang garter na panty," pang-aasar niya sa akin.
"Gusto mong ipahid ko sa iyo itong bagoong, Samuella Marie?"
Tinawanan lang niya ako.
"Kalma, bes! Bakit ka naman ba kasi asar na asar sakanya? Eh diba nga siya yung nagpilit talaga sa iyo para sumali sa banda nila?"
Napabuntung-hininga ako.
"Sobrang sungit niya kasi sa akin! Like, bakit siya pa yung nagsusungit eh siya nga yung may atraso sa akin kung tutuusin?! Ni hindi pa nga siya nag-sorry doon sa ginawa niyang pamamahiya sa akin noon!" gigil na sabi ko.
"Baka naman kasi nagseselos kay Ryo?"
Nabulunan ako sa sinabing iyon ni Sam. At dahil masarap yung baboy, hindi ko hinayaang tumalsik iyon sa mukha niya kaya nilunok ko na lang iyon sabay inom ng tubig.
"Baliw ka! Pinagsasabi mong nagseselos?!"
"Pwede ba, Jona? Akala mo ba hindi ko napapansin ang tinginan niyo ni Ryo? Eh kulang na lang pareho kayong tamaan ng kidlat sa spark na nakapalibot sainyo pag magkasama kayo. Now, spill. May something ba sainyo?" tanong niya na tumigil pa sa pagkain at tinitigan akong mabuti.
Hindi ko maiwasang alalahanin yung biglang paghalik ni Ryo sa akin noong isang araw.
Dampi lang iyon at sobrang saglit lang pero pakiramdam ko tumigil yung mundo ng mga oras na yun.
Parang nawalan ng lasa yung kare-kareng kinakain ko kasi mas gusto kong malasahan yung halik ni Ryo. Wala sa loob na napahawak ako sa labi ko.
Nagulat ako nang bigla na lang ibinagsak ni Sam yung mga kamay niya sa mesa sabay napatayo siya.
"Oh my God, Jona! Hindi ka na virgin?!" malakas na sabi niya.
Napapikit ako at napahawak sa noo nang bigla na lang tumahimik ang mga tao sa canteen. Gaga ka talaga, Samuella Marie!

BINABASA MO ANG
Love, Finally
Novela JuvenilJona was a 23-year-old girl who had never been in a relationship. She was an introvert who led a very dull life, but not until she met two guys who were members of the band she recently discovered and followed. She met them in separate, embarrassing...