Chapter 22

166 7 4
                                    

NAGISING ako nang maramdaman kong may naglalagay ng kumot sa akin. Pikit ang isang matang tiningnan ko kung sino iyon.

Si Ryo na natigilan nang makita niyang nagising ako.

"Sorry. Did I wake you?"

Napatingin ako sa paligid. Narito pa rin kami sa studio. Alas dos ng madaling-araw nang matapos kaming lahat sa pag-track.

Nasa isang sofa si Rhyken at nakakumot na rin. Si Luke ay hubad-barong nakadapa sa sahig. Si Yohan ay sa isang single seat na sofa natutulog habang may takip na panyo sa mukha.

Binaling ko ang tingin ko kay Ryo. Medyo magulo na yung ponytail niya at suot niya pa rin yung salamin niya sa mata.

"Hindi ka pa rin ba natutulog?" tanong ko sakanya nang mapansin kong bukas pa rin yung computer niya.

Kinuha ko yung phone ko para tingnan kung anong oras na. Alas singko na ng umaga.

"Matutulog na rin niyan. May konting aayusin na lang ako tapos okay na. Go back to sleep now, Jon," sabi niya bago bumalik sa upuan niya at may pinagpipindot sa keyboard.

Haaaay. Itong lalaking 'to.

Bumangon ako at lumapit sakanya.

"Pwede ba akong makialam sa kusina niyo?" tanong ko sakanya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at pagkatapos ay ngumiti nang nakakaloko.

"Gutom ka na naman?"

Sarap hampasin!

"Oo," sabi ko na lang.

"Go ahead. Basta magtira ka ng almusal natin, okay?" he said chuckling.

Asar na sinapok ko siya sa ulo bago lumabas ng kwarto.

Pumunta ako sa kusina at naghalughog sa ref. Kinuha ko yung karton ng gatas at naglagay sa dalawang mugs at pagkatapos ay ininit yun sa microwave.

Kumuha ako ng dalawang saging at nilagay yun sa plato at pagkatapos ay naghanap ako ng almond butter. Mabuti na lang at punong-puno ng pagkain itong ref nina Ryo kaya mayroon sila niyon.

Nilagyan ko nung butter yung dalawang saging.

Nang tumunog yung microwave, mabilis na kinuha ko yung gatas.

Nilagay ko sa tray yung mugs saka yung plato ng saging at dalawang tinidor at saka na ako bumalik sa studio.

Pagbalik ko, nakatutok pa rin si Ryo sa computer niya.

Marahang nilapag ko yung plato sa mesa at pagkatapos ay yung mug niya.

Agad na napatingin lang siya sa akin.

"Eat," sabi ko bago hinila yung isang monobloc chair at umupo sa tabi niya.

Nakatingin pa rin siya sa akin.

"What? Alam kong hindi lang ako yung gutom. Eat up, Goryo," sabi ko at sinimsim yung gatas.

Ahh... hot milk is the best.

"Salamat, Jon," kapagkuwa'y sabi ni Ryo kaya napatingin ako sakanya.

May maliit na ngiti sa labi niya bago sumimsim din sa gatas niya.

Ramdam ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Itong mga quiet times na ganito namin ni Ryo ang siyang dahilan kaya di ko mapigilang hangaan siya lalo.

Maloko siya at mapang-asar pero alam niya paano mag-appreciate.

Tumikhim na lang ako para mapakalma ko yung sarili ko.

Tandaan mo, Jona. May fiancée na yang crush mo kaya umiwas-iwas ka na. Hanggang bandmate na lang dapat ang tingin mo sakanya, okay?

Love, FinallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon