Chapter 18

167 6 25
                                    

NAGISING ako sa ingay ng phone ko. Walang tigil 'yon sa pagtunog.

Kinuha ko yon at tiningnan ang oras. Pasado alas diyes na pala ng umaga.

Nalipat ang tingin ko sa fb app ko at nagulat na may 32 notifications ako!

Anong kababalaghan ito?!

Dali-dali kong binuksan ang fb ko at tinignan ang mga notifications.

Sam Medina reacted love on a photo you are tagged in.

Luke Evans reacted love on a photo you are tagged in.

Yohan Lizalde and 83 others reacted on a photo you are tagged in.

Sam Medina mentioned you in a comment.

Edna Torres commented on a photo you are tagged in.

Pare-parehong ganon yung mga notifications hanggang sa mabasa ko yung panghuli.

Ryo Yamazaki tagged a photo of you.

What the heck?!

Agad na pinindot ko yun at tumambad sa akin ang picture naming dalawa ni Ryo na kinunan ni Sam kagabi.

Ngiting-ngiti si Ryo, gwapo at mukhang fresh habang nakaakbay sa akin na nakapikit na nga, nakanganga pa! 

WHAT THE HELL?!! Bakit ganun yung kuha? Nagmukha akong super fan nitong si Ryo na sa sobrang kilig eh hindi nakapag-picture nang maayos! Tatamaan talaga sa akin si Sam! 

Ang caption? "With the masterpiece, Jona Lisa".

My God. Tatamaan din talaga sakin si Ryo!

Tiningnan ko yung mga comments.

Sam Medina: Jona <3 Ryo... Shipppp!!! #JoRyo #RyoNa #SanaAll #JoRyNotJoRy (Walanghiya kang babae ka!!!)

Yohan Lizalde: Nice.

Luke Evans: Ayiiiiiieeeeeee <3 <3 <3

Jacky Chan: Eww. Who's that?!

Chun Lee: You're so hot, Ryo. :P

Barbie Tsu: Trash.

What the?! Bakit puro mga Ching-Chong itong mga friends ni Ryo? Mahilig ba siya sa mga singkit?! My Gahd nakaka-stress!

Hindi ko na tiningnan yung mga hindi ko kilala at binasa na lang yung mga comments ng mga kilala ko.

John Smith: :(

Mae Ward: Shipppp! Haba ng hair!

Edna Torres: My darling daughter is dat u ur so pretty but y stolen and is dat ur bf ang pogi anak sama mo siya sa bahay ok. uwi ka ba ngaun buy mo ko pizza pala wag na sawerma ok. lav u

Oh my God, Mother!!! 

Napasabunot ako sa sarili ko. Pakiramdam ko mababaliw ako sa kahihiyan!

Agad na pumunta ako sa Messenger at hinanap ang pangalan ni Sam.

Jona:

SAMUELLA MARIE MEDINA! HUMANDA KA SAKING BABAE KA. KAKALBUHIN KO TALAGA YANG MGA KILAY MO!

Sam:

Seen.


Aba't! Ughh!

Sunod na chinat ko ay si Ryo.


Jona:

Love, FinallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon