Chapter 12

182 7 11
                                    

KULANG na lang mabitawan ko yung phone ko pagkakita ko sa pangalan ni Rhyken.

Bakit? Bakit niya ako in-add?! Diba isang malaking kaaway ang tingin niya sakin?

Ano, nainlove ba siya sakin nang makita niya akong tumugtog? Lol. Asa naman.

At dahil marunong naman akong tumanaw ng utang na loob bilang siya yung bumili ng brand new phone ko, I clicked accept. Di na lang muna siguro ako magse-share ng mga memes kasi baka mabadtrip na naman to sakin.

Binitiwan ko muna yung phone ko at chinarge iyon bago ako maligo.

Pagkatapos maligo at magbihis, agad kong kinuha yung unan na bigay ni Ryo at inakap.

Sobrang saya ko lang talaga. Di ko akalaing observant at thoughtful yung lalaking yun.

Kinuha ko yung phone ko at nag-selfie. Tinakpan ko yung mukha ko nung unan.

Pagkatapos sinend ko yun kay Ryo.

Jona:

Really, thanks for this! Sabihan mo lang ako kelan ka malalasing ulit. :D


Pagka-send non, tiningnan ko yung iba pang nag-chat sakin.

Si Sam, nag-send ng selfie at tinatanong kung okay na ba yung suot niya. Mukhang yun yata yung isusuot niya sa Christmas party. Buti pa siya nakabili na. Haysss.

Sinendan ko na lang siya ng isang malaking like. Alam na niya yon.

Sunod na nag-chat ay yung mama ko.

Mama Edna:

my kind daughter thank u for the padala ok how r u der kumakain ka ba nang maayos kelan ka uwi mis u bili mo ko sawerma pag uwi ka ok

Natawa ako sa chat ni mama. Grabe talaga tong si mama. Sabing gumamit ng tuldok eh. Hinihingal ako lagi pag nababasa ko mga chat niya. Pero lagi din naman akong pinapatawa. Tanggal agad yung stress ko eh!

Kung alam lang niya, miss na miss ko na yung luto niya, yung pag-aasikaso niya, yung mga talak niya.

Kung may choice lang ako, sa probinsya na lang ako magtatrabaho. Kaso mas marami kasing magandang opportunities dito sa siyudad at mas malaki yung offer.

Jona:

Hahahahaha! Motherrr sabi ko gumamit ka ng tuldok ihh. Ok lang naman ako dito, Ma. Don't worry about me ok? Uwi ako this Saturday after ng Christmas Party namin. Miss ko na kayo eh! Lav u!!

Pagka-send ko nun sa mama ko, siya namang pasok ng bagong chat.

Nabuksan ko yung message bago ko pa makita kung sino yun.


Rhyken:

Hi

Hala! Ano to. Magugunaw na ba ang mundo??? Shit na-seen ko tong message niya. Ayaw kong mag-reply!

Agad na tinanggal ko yung bubblehead ng chat niya.

Mayamaya nakita kong nag-reply na si Ryo.

Love, FinallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon