Chapter 17

173 5 7
                                    

PAGKATAPOS naming tumugtog, humirit pa ang mga tao na isa pang kanta pero hindi na namin napagbigyan dahil masyado nang malalim ang gabi.

Akala mo artista kami, I mean sila lang pala nung bumaba sa stage at pinagkaguluhan ng mga co-employees ko.

Si Sam ay agad na hinila ako, sinabunutan at pinaulanan ng tanong. Kulang na lang tumili siya nang ikwento ko kung pa'no ako napasali sa banda.

"Bruha ka, ang haba ng hair mo! Pasabunot nga ulit!" aniya at hinila ulit ang buhok ko sabay impit na tili niya.

Natatawa na lang ako sa kabaliwan ng kaibigan ko.

Isusubo ko sana yung isang slice ng cake na nasa tinidor ko nang bigla na lang may talipandas na naunang kumain non.

Again, talipandas equals Ryo.

"Hey, Jon! Hi, Sam!" masayang bati niya samin ni Sam.

"Hi Ryo!" nakangiting sabi ni Sam sabay kurot sa tagiliran ko.

"Hu u?" naaasar na sagot ko. Bakit kasi kailangang kainin niya yung cake ko? At hindi ba niya ako pwedeng i-approach sa normal na paraan?

"Come on, Jon. You know who I am," sabi niya sabay kindat. Yuck ha!

"Hindi ka si Robert Downey Jr. at lalong hindi ka si Iron Man para gamitin ang linyang yon, pwede ba?"

"But... I'm Your Man?" panggaya niya sa tono ni RDJ sa pagsabi ng Iron Man.

Kinurot na naman ako ni Sam sabay tili nang mahina. Ang sakit ha!

Sa inis ko, sinabunutan ko si Ryo. Bakit kasi ang daming banat ng isang 'to! Astang playboy talaga!

"Ang pikon mo talaga, Jona Lisa," natatawang sabi niya at tinanggal yung kamay ko sa buhok niya pero hindi niya binitawan 'yon.

"Hoy, pakibitawan ng kamay ko," gigil na sabi ko habang sinusubukan kong alisin yung hawak niya sakin.

Napatingin ako kay Sam nang makarinig ako ng shutter sound.

At ang walanghiya! Pinipicturan kaming dalawa ni Ryo! At finocus pa niya talaga sa kamay naming magkahawak!

"Ohhh! Good idea, Sam! I wanna have a photo with Jona Lisa since it's not everyday that she looks this pretty," ani Ryo at hinila ako palapit sakanya tapos inakbayan.

At ang bwisit na kaibigan ko naman ay pinicturan talaga kami! Mamaya ka sakin, Samuella Marie!

Pero kahit ganon, bumilis yung tibok ng puso ko sa pagkakadikit ng katawan namin. And did he just call me pretty?

I shook the thought. Bakit ba ako nagpapadala sa mga salita ng tukmol na 'to? Eh ang daming babae nito eh. Bokalista nga diba?

"Hey hey hey! You look like you're having fun here," biglang sulpot ni Luke.

"Hi," ani Yohan na nasa likod pala ni Luke.

At di na ako nagulat na nakasunod sakanila si Rhyken.

Hindi siya bumati. Nginitian niya lang si Sam at pagkatapos ay bumaling sa akin.

He smirked when he saw our clasped hands.

Pilit na tinatanggal ko yung kamay ko sa hawak ni Ryo pero lalo lamang niyang hinigpitan yon.

Nako, panigurado iniisip na naman ni Rhyken na ang flirt ko.

"Bro, we're thinking of heading off now. Usual place, wanna go?" tanong ni Luke kay Ryo.

Malamang mag-cclub na naman itong mga 'to. Sumama ka na, Ryo, utang na loob.

"Pass, bro. Ihahatid ko pa 'tong bagong member natin. Alam mo na, mukha siyang mamahalin na painting ngayon," nakakaasar na sagot ni Ryo.

Love, FinallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon