"JONAAAAAA!"
Napabalikwas ako ng bangon sa lakas ng sigaw na yon. Iritableng kinuha ko ang cellphone ko at nakitang alas tres na pala ng hapon.
Ahh. Nalipasan na naman ako ng gutom. Di na naman ako nakapag-almusal at tanghalian. Nako po baka pumayat na ko nito. Lol Wishful thinking...
Sabado ngayon at walang pasok sa opisina kaya nag-bingewatch na naman ako ng anime kagabi at as usual inabot ako ng umaga sa panonood.
Attack on Titan is seriously so damn good that I finished the first season in one night. Ughh. Those Japanese voice actors have the sexiest voices, I tell you.
"JONAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!"
Aish! Oo nga pala may bwisita akong dumating ughh! Inis na bumangon ako at hindi na nag-abalang magbihis at maghilamos kasi ang bwisita ko... ay ang lukring na kaibigan ko lang naman.
"Wala akong pagkain, Sam kaya makakaalis ka na," bungad ko agad sakanya.
"Manners, Jona! At pwede bang mag-bra ka?! Huwag mong ipagduldulan sa mukha ko iyang mga mala-pakwan mong dyoga!"
Napahagalpak ako ng tawa sa sinabi niya kaya hindi ko na siya napigilan nang magtuloy tuloy siyang pumasok sa bahay ko. Napapailing na sinara ko ang pinto at sinundan siya.
Ako lang ang mag-isang nakatira sa munting apartment na ito na malayo sa pamilya ko. I have been living independently ever since I started working. Nasa probinsya ang mga magulang ko at consistent naman ang komunikasyon namin kahit na madalang lang akong umuwi.
I love my freedom. I love my solitude. And I definitely love my independence. Feeling ko isa na akong ganap na independent woman. Fighting!
"Ano ba kasing ginagawa mo dito nang wala na namang pasabi?" tanong ko kay Sam sabay kuha sa mansanas na nahalughog niya sa ref.
Lumapit siya sakin at kulang na lang magdikit ang mga mukha namin sa sobrang lapit niya. Linsiyak na babae to.
"We'll go on a double date," seryosong sabi niya habang diretsong nakatingin siya sakin.
Double... nani the fuck?!
Nabulunan ako at tumalsik sa mukha niya ang mga piraso ng mansanas na kinakain ko... I laughed hysterically. Hindi lang dahil sa katawa-tawang pagmumukha at ekspresyon niya sa kasalukuyan, kundi pati na din sa walang kabuluhang sinabi niya.
"Ibang klase na ang mga biro mo ngayon talaga, ah. Lume-level up na. You got me on that one!" sabay tawa ko ulit.
Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin at idiretso sa banyo at binuhusan ng isang tabong tubig!
"Hindi ako nagbibiro! Maligo ka na at sasama ka sa akin sa date ko!"
Dear Lord, pwedeng magsanla ng kaibigan? Anong pumasok sa kokote nito at isinama na naman ako sa kalokohan niya??
Que horror! Ni hindi pa ako nakapag-ahit ng buhok ko sa kilikili! Kasinghaba na yata ng bangs ko ang buhok ko don gademit! Wala pa kong pang-shave! AHHHH! Letseng Sam yon!!!
Mabilisan na naligo ako at lumabas na. Si Sam naman ay nire-retouch ang make-up at damit niya.
"Sam. Wala akong natatandaang pumayag ako sa joke mong ito. Please. Wala akong balak magsayang ng oras sa walang kwentang bagay. I'd rather continue watching anime!" frustrated na sabi ko habang iniisip ko lahat ng anime na nasa list ko na di ko pa napapanood! So many anime to watch, so little time. To hell with adulting!
Mulagat ang matang lumingon siya sakin at sumigaw ng pagkalakas lakas. At mukhang walang balak huminto.
WTH! How crazy can she get?! Dali-daling tinakpan ko ang bibig niya dahil nakakahiya sa mga kapitbahay ang eskandalong ginagawa niya!
"Oo na! Sasama na ko! Jeez!"
Saka na ko dumiretso sa drawer ko para kumuha na ng long sleeves at pants na isusuot ko. Pero ang loka, hinila ang twalya ko at inilapat sa katawan ko ang isang dress na dala dala niya.
Black, fitted dress that emphasized my ahem.. curves. Seryoso??!!! Nagmukha akong bayarang babae!
Siya naman ay naka-red dress to match the red lipstick she's wearing!
Bakit mukha kaming magtatrabaho sa night club sa halip na makikipag-date?!
Ahhh. I just want this day to end!!!
Bahala na si Batman!
Pagkatapos naming mag-ayos, lumarga na kami. Sabi ni Sam magkikita sila ng boyfriend niya sa mall. May kasama daw itong kaibigan na siyang ipa-partner nila sakin. Oo, jowang jowa na ko pero ayaw ko naman ng ganitong biglaan! Sana naman kasi nagsabi nang maaga si Sam para nakapag-ahit man lang ako ng kilikili at legs!
Hindi talaga ako naniniwalang may boyfriend ang baliw na kaibigan kong 'to. Kung meron man, pakiramdam ko tinutukan niya ito ng baril o kaya ginayuma.
Pagdating namin ng mall, agad na tumakbo ang hitad papunta sa lalaking naghihintay at iniwan ako.
T-teka. Bakit mag-isa lang ito??? Nasaan ang supposedly ka-date ko?!!
Patakbo kong pupuntahan na sana sila at sasabunutan sa kilay si Sam nang walang kaabog-abog ay nabangga ako sa isang matigas na bagay at pasalampak na napaupo ako kasabay ng pagsakit ng pwet ko.
Ang sakit! Para akong bumangga sa pader!
Sino ba naman ang tatanga-tangang hindi tumitingin-!!
Napaangat ang tingin ko sa lalaking nakatayo lang at nakatingin saakin. As in tingin na stare down! Mula ulo hanggang paa!
For the record, hindi siya gwapo dahil nakatakip ng itim na face mask ang kalahati ng mukha niya! Magulo ang may kahabaang buhok. At ang get up niya.. pUnkZ noT dEd \m/! Itim na long sleeves, itim na pants, at itim na Vans na sapatos. May pasak pa siyang earphones sa tenga. At magkasalubong ang kilay niya.
Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa isang paa at tinignan ako sa mata. Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko sabay sabing...
"Sa susunod, tumingin ka sa dinaraanan mo at wag kang tatanga-tanga. Kung pwede, mag-pantalon ka rin dahil hindi kaaya-ayang makita ang hita at binti mong mas mabuhok pa sa binti ng mga lalaki. One more thing, palitan mo na yang panty mong wala nang garter."
Sabay tumayo na siya at naglakad na palayo. Ang hudyo ni hindi man lang ako tinulungan!!!
WHAT THE HELL!!!
Sobrang rude naman ng emo na yon!!!
At dahil naghalo-halo na ang emosyon ko - inis, galit, pagkapahiya - walang sabi-sabing hinabol ko ang lalaki, hinila paharap sakin at tinadyakan sa pinakaimportanteng parte ng katawan niya.
"Magpalaki ka muna ng bayag bago mang-insulto ng tao, gago!" malakas na sigaw ko sa mukha niyang alam kong namimilipit sa sakit dahil kulang na lang mapaluhod pa siya.
Di ko na pinansin ang pagtawag sakin ni Sam at ang tingin ng mga usiserong tao. Dali dali akong umalis sa lugar na yon, pigil pigil na maiyak.
This is why I hate going out!!!
Nothing ever comes right!!! Not even Mr. Right!
UGHHH! Freaking hell!

BINABASA MO ANG
Love, Finally
Teen FictionJona was a 23-year-old girl who had never been in a relationship. She was an introvert who led a very dull life, but not until she met two guys who were members of the band she recently discovered and followed. She met them in separate, embarrassing...