Chapter 31

198 6 8
                                    

CHAPTER 31

"JONA," pagtawag sa akin ng Accounting Manager namin.

"Po, Ma'am?" sagot ko na may halong kaba. Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga kasamahan ko sa trabaho.

Dalawang bagay lang ang kahulugan kapag pinatawag kami ng Manager namin – may ipapagawa siyang imposible o kaya naman ay papagalitan kami dahil sa maling nakita niya sa gawa namin. In my case, it is always the former.

"Come here for a sec," aniya.

"Goodluck, bru. Fighting!" pagpapalakas ng loob sa akin ni Sam.

Nilunok ko muna ang laway ko bago ako tumayo at naglakad palapit sa cubicle niya.

"Yes, Ma'am?" pagkuha ko ng atensiyon niya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at iminuwestra akong maupo.

"You will have to accompany Sir Rhyken to his surprise store visit on one of our branches in the Metro. I have printed out this checklist for you as reference," she said nonchalantly.

Tila bombang sumabog iyon sa pandinig ko.

"P-Po? I mean, bakit po ako?" naguguluhang tanong ko.

Ang madalas na mag-conduct ng surprise visit sa mga branch ay ang Manager namin. Never pa kaming ipinadala para sa ganun at kasama pa ang mismong CEO!

"Well, he specifically asked for you. I can't possibly oppose him, can I?"

"P-Pero Ma'am, hindi pa po ako tapos sa tasks ko for today. Matatambakan po ako lalo na mala—"

"I'll have someone take over so you can rest easy. For now, just do what I say. You're leaving at exactly 2pm. Take this checklist and make sure you go through it, okay?"

Atubiling tumango ako at nagpaalam.

Ano na namang naisip ng bugnutin na iyon para isama ako sa trabaho niya?!

"Iba rin kumilos itong si Fafa Rhyken. Alam gamitin ang resources na meron siya. Ganda mo, friend," nakangising salubong sa akin ni Sam.

Pakiramdam ko expired na gatas itong iniinom ni Sam. Ang lakas niyang mag-imagine, eh.

Hinampas ko sa mukha niya ang mga papel na hawak ko na ikinatawa niya.

"Baliw. Alam niyang kami na ni Ryo kaya magtigil ka sa pag-iis—"

"Ano?!" pagputol niya sa sinasabi ko. "Kayo na?!"

Teka, hindi ko pa ba nasasabi sakanya?

"Jona! Ang sama mo! Bakit hindi ako updated sa lovelife mo?!" kunwari ay paiyak na sabi niya.

"Nung naging kayo ba ni Brent, in-update mo ako agad?" palusot ko. Nakalimutan ko talaga siyang balitaan pa'no na-busy ako sa banda at pati kay Ryo.

"Iba iyon, at iba 'to! Hindi tuloy updated yung sinusulat ko sa Wa—ah, I'm so happy for you, bru! Pasikat ka na tapos may lovelife ka pa!" biglang pagbabago niya sa usapan.

Napakunot-noo ako.

"Sinusulat? Ano'ng sinusulat?"

"AHA! Bru, 1:45 na. Mag-out ka na at mag-ayos para hindi ka magmukhang muchacha ni Sir Rhyken. Ako nang bahala sa trabaho mo, go!"

"Mamaya na. Babasahin ko na muna itong binigay ni Ma'am. Hindi naman aalis yung mall na pupuntahan namin," sabi ko at pinasadahan ko ng tingin ang mga hawak kong papel.

Natigil ako sa pagbabasa nang tumunog ang telepono sa tabi ko.

"Accounting, good afternoon," sagot ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love, FinallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon