Chapter 25

176 10 6
                                    

BANGAG AT MABIGAT ang katawan na pumasok ako sa opisina kinabukasan. Pa'no ba naman kasi, kakarampot lang ang tulog ko.

Hindi ako nakatulog nang maayos sa kaiisip sa mga pinagsasabi ni Ryo sa akin. He kinda confessed to me, right?

"Ughhh! Ito na naman yung kinda na 'yan! Nakakainis!" gigil na sabi ko at napasabunot pa ako sa buhok ko.

"Huy, bruha! Ginagawa mo diyan? Bakit mo inaaway sarili mo?" biglang sabi ng isang boses sa likod ko kasabay ng pagtapik sa akin.

Kahit gusto kong sapakin si Sam dahil muntik na akong masubsob sa ginawa niya, pinalampas ko muna iyon.

Mas kailangan ko ang malupitang advice niya ngayon. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin ko kay Ryo. Pakiramdam ko kasi pinaglalaruan lang niya ako.

"Sam... may itatanong ako pero ipangako mong sasagutin mo ako nang seryoso," sabi ko sakanya habang sabay kaming naglalakad papunta sa elevator paakyat sa office.

Matamang tiningnan niya lang ako at pagkatapos ay ngumiti.

"I can't promise but I'll try," nakangising sagot niya.

Itong babaeng 'to talaga. Kung may choice lang talaga ako, hindi ko ikukwento sakanya, eh. Pero kahit naman lokaret 'tong si Sam, hindi ko pa rin siya ipagpapalit sa kahit na sino bilang kaibigan.

Bumukas ang elevator at humakbang kami papasok. Buti na lang nagkataong wala kaming ibang kasabay.

Tumikhim ako at pagkatapos ay tiningnan siya at nagsimula akong magkwento.

"Ganito... Ano... May isang babae na naguguluhan sa feelings niya para sa isang lalaki..."

She just nodded at me, urging me to continue.

"Uhm... yung lalaki kasi tipikal na chickboy at malandi. Itong babae naman na 'to, napakarupok, nagpapadala sa mga galawan nung lalaki. Kaso, may time kasi na nakita niya yung lalaki sa isang helpless na sitwasyon. At that moment, parang nag-iba yung tingin niya dun sa guy. She noticed how the guy was thoughtful, how he would go out of his way to make her happy... He made her feel special through his actions, but he never said anything clear regarding his intentions. May mga pagkakataon na may mga salita itong sobrang labo. Ang tanong ko talaga, sa tingin mo may gusto rin sakanya yung lalaki o sadyang mabait lang 'yon?"

Dumaan muna ang ilang segundo bago niya ako sinagot.

"Knowing Ryo, I'd say he's just playing with you, bru. Pero syempre hindi naman ako siya at wala akong karapatan na husgahan siya dahil hindi ko naman siya talaga kilala."

Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya.

"Hoy! H-hindi naman ako at si Ryo ang tinutukoy ko!" agad na tutol ko sa sinabi niya.

Iniikot niya ang mga mata niya at pinitik ako sa noo.

"Wala kang maloloko dito. At tutal nagkwento ka na rin lang, aba'y sagarin mo na. I'm your best friend, Jona. You can share absolutely anything with me, okay?"

Parang gusto kong maiyak. Kahit madalas kaming maghampasan ng babaeng 'to, alam kong walang papantay sa pagkakaibigan namin. Kaya kahit isa na lang ang turnilyo niya, siya pa rin ang pipiliin kong maging kaibigan. Not that I have many options in the first place.

Huminga ako nang malalim.

"Sam... ano'ng gagawin ko? Gulong-gulo na ako sa feelings ko. I mean, kilala mo naman ako, sa mga anime characters lang ako nagkaka-crush at hindi ganito katindi ang nararamdaman ko para sakanila. With Ryo, it's different. I don't even know kung crush pa ba 'to o talagang nahulog na ko sa pakboy na yun."

Love, FinallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon