Chapter 4

243 12 1
                                    

"DARN, SA WAKAS natapos din!" Masayang sabi ko pagkatapos kong ma-submit yung reports sa boss ko. Tuwing month-end talaga, pakiramdam ko tinatakasan ako ng bait sa sobrang dami ng trabaho na may deadlines! Dagdagan mo pa ng sobrang demanding at terror na boss!

Hindi ko alam bakit ko naisipang pumasok bilang accountant sa isang kilalang shopping mall gayong alam ko kung gano ka-stressful at ka-demanding ang trabaho dito. Minsan talaga kailangan kong mag-reflect sa mga decisions ko sa buhay at hindi puro anime at manga ang inaatupag ko.

"Jonaaaa!" 

I didn't even need to see who was calling me, my whole being screamed it was Sam. Again.

Kailan kaya mangyayari na lalaki naman ang tatawag sa kapiranggot na pangalan ko? Sawang-sawa na ko sa boses ni Sam, seryoso.

"Hoy, gaga!!! Kain tayo sa labas! Makapag-unwind man lang tayo after ng linsiyak na month-end na yon!" 

She was not asking me, was she? 

At dahil pakiramdam ko drained na drained ako mula sa kakatapos lang na bakbakan, wala na kong nagawa nang hatakin niya ako paalis.

Sure, I can just go home and sleep the stress away like I usually do but something's telling me to just go with the flow. Ngayon lang naman. 

Masyado nang monotonous ang buhay ko, hindi na nakakatuwa. I need to spice it up a bit.

And for the first time in forever, sumama ako kay Sam na walang kasamang pagtanggi. 

* * *

SISING-SISI ako kung bakit naisipan ko pang sumama sa bruha kong kaibigan! 

Nagmukha akong chaperone! Pano ba naman, kasama niya yung boyfriend niya!

Okay lang naman sakin kung sinabi niya lang sana agad!

"Huyyy, oks ka lang diyan?" ngiting-ngiting tanong pa niya nang lingunin niya ko. Nasa sasakyan kami ngayon ni Brent - boyfriend ni Sam. He was a nice guy - too nice for Sam, actually. 

May itsura siya na natatakpan nga lang ng sobrang kapal na lente ng salamin niya sa mata. Bulag siguro 'to kapag walang suot na salamin. Kaya naman pala nabingwit ni Sam! 

I am seriously scared for him. Sam was vertigo personified. Isa na lang turnilyo nun sa ulo eh.

"Shut up, Sisa," I snapped at her which she answered back with a giggle. Loka-loka talaga. Palibhasa alam niyang kahit anong pikon ko, hindi talaga ako nagagalit sakanya.

I sighed. Sobrang bait ko lang talaga. Lord, I think deserve ko naman ng reward? Isang matino at magalang na lalaki lang po, please.

Nakita ko kung panong mahinang sinaway ni Brent si Sam sa pang-aasar sakin. 

Aw, such a nice guy, really. Taliwas dun sa mga walang modong lalaking na-encounter ko recently.

There is still hope, I guess.

Napatingin ako sa labas nang magmaniobra na si Brent para mag-park. Nasa harap kami ng isang resto bar.

I thought kakain lang kami?

Nilapitan ko agad si Sam at hinila sa buhok.

"Hoy babae! Ano to? Bakit dito tayo? Akala ko ba kakain lang?" nalilitong tanong ko.

The place looks okay. Di naman siya beerhouse, but still, hindi ako sanay na kumain sa ganitong lugar.

"Jooooo, seryosooo, pasensiya na. Gusto ko lang naman mag-enjoy talaga kasama ka. Sabi ni Brent, may gig yung friends niya tonight and he invited me kasi nga ipapakilala niya ako. Syempre you're my bestest best friend in the world kaya ayoko na ako lang yung masaya. Kaya please???" pa-cute na sabi niya. 

Love, FinallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon