"BRU! NEXT WEEK na yung Christmas party natin! May isusuot ka na ba?" tanong sakin ni Sam.
"Wala pa nga eh. Iniisip ko kung a-attend pa ko. Ayaw ko namang gastusan pa 'to," sagot ko habang mabilis na tumitipa sa keyboard.
Yearly kasi iba-iba yung theme ng Company Christmas Party. Last year, sports theme siya kaya madali lang maghanap ng maisusuot.
Eh ngayon biglang Masquerade yung theme kaya namomroblema ako. Wala pa akong alam isuot at ayaw ko naman pagkagastusan pa to.
Tama nga yata si Sam, kuripot ako.
Pag naman di ako um-attend, siguradong pag-iinitan ako ng boss ko.
"Nako, Jona, sinasabi ko sayo, kapag ikaw hindi pumunta, huwag kang lalapit sa akin na iiyak-iyak kapag sinabon ka ni Boss. Alam mo naman yun, menopausal na kaya siguradong sermon aabutin mo," pananakot ni Sam.
"Haay bahala na!" Napasuntok ako sa hangin nung magbalanse yung report na ginagawa ko.
Sobrang fulfilling lang talaga sa pakiramdam pag nagagamit sa maayos yung utak mo. Alam mo yon? Yung pakiramdam na may malaking kontribusyon sa mundo yung brilliance mo.
"Nga pala, susunduin ako ni Brent ngayon. Gusto mo isabay na kita?" ani Sam.
"Himala at sinabi mo agad ngayon ha?" I kidded.
"Eh pano kulang na lang mag-away kami last time dahil sa issue na yan. Sinabihan niya pa akong insensitive! Naku talaga. Pasalamat siya mahal ko siya!"
Nakakatuwa. Sobrang compatible nila - mukhang takas sa bilangguan si Sam tapos lawyer si Brent. Perfect match!
Pero seryoso, I am genuinely happy for Sam kasi kahit baliw siya, may nakatanggap sakanya.
Sana all...
"Sure ka di ka na sasabay?" Tanong ulit ni Sam sakin paglabas namin ng opisina.
"Oo nga. Gagawin mo na naman akong chaperone," pabirong sabi ko saka kinawayan si Brent na naghihintay sa loob ng sasakyan. Ngumiti lang ito at bumusina.
"Gaga hindi naman! Oh siya sige ingat ka, okay?" ani Sam at bumeso bago pinuntahan si Brent.
Ako naman ay naglakad na papunta sa terminal ng jeep. Yung opisina namin eh nasa likuran ng mall. Mga 15 minutes na paglalakad bago makarating sa terminal.
Habang naglalakad, di ko maiwasang maisip kung kumusta na kaya si Ryo. Wala kasing paramdam eh. Ni hindi man lang nakuhang magpasalamat sa kabutihang loob ko! Hmf!
"Makalbo ka sanang tukmol ka--ayyyy! Pukeng malansa!"
Napatalon ako sa gulat nang may biglang bumusina sa likod ko. Bakit pamilyar na sakin itong pangyayaring to?
Paglingon ko, yung nakangising mukha na naman ni Ryo ang nakita ko.
"Pukeng what?" natatawang sabi niya.
Agad na naglakad ako papunta sakanya at malakas na hinampas siya!
"Pukengshet ka talaga!" asar na sabi ko.
Lalo lang lumakas ang tawa nito.
"You and your smart mouth," tatawa tawa pa ring sabi niya.
Kung makatawa siya akala mo hindi siya sobrang miserable kagabi. Naroon pa rin yung cut sa lower lip niya pero maaliwalas na yung awra ng mukha niya.
The mischief in his eyes was back. He was back to being annoying. Annoyingly good-looking.
Pukengshet talaga.
BINABASA MO ANG
Love, Finally
Teen FictionJona was a 23-year-old girl who had never been in a relationship. She was an introvert who led a very dull life, but not until she met two guys who were members of the band she recently discovered and followed. She met them in separate, embarrassing...