CHAPTER 30
"HON... HEY. PSSST. JON. JON SNOW. JONA LISA..." pangungulit sa akin ni Ryo habang pilit na hinuhuli ang tingin ko.
Simula noong gabing pinayagan ko siyang mag-sleep over, naging madalas ang pagpunta niya rito sa unit ko.
Pinagsabihan ko siya tungkol doon kasi baka hindi na niya nagagawa nang maayos ang trabaho niya. Baka inuuna niya pang pumunta dito kaysa mag-mix at mag-ayos ng mga kanta ng mga kliyente niya.
Pero ang hudyo pinaandaran ako ng...
"What's wrong with wanting to be with you? Buong araw na nga kitang hindi kasama, pati yung makasama ka sa gabi, hindi pa rin pwede?"
Walang pakipot na girlfriend ang hindi bibigay sa ganoong linyahan ng mga lalaki! Mauna nang mamatay ang kumontra.
"Kapag hindi mo pa rin ako kinibo, hahalikan kita ng mga limang minuto."
Napaismid ako. Akala naman niya takot akong mahalikan ng limang minuto. Gawin pa niyang isang oras kung gusto niya.
Tinalikuran ko siya at umupo ako sa sofa kasabay ng pagbukas ko ng TV.
Ang totoo niyan, walang ka-kwenta kwenta naman ang dahilan ng di ko pagpansin sakanya.
Kasi naman, kada pupunta siya dito sa unit ko, ang dami niya laging dalang pagkain. May lutong pagkain na luto niya, may mga groceries pa.
Matakaw ako, pero hindi ako abusado.
Kung ano-ano daw kasing mga junk food ang pinagkakain ko. He wanted to make sure I only eat healthy food.
Gets ko naman iyon pero sobra pa rin yung ginagawa niya.
Blame it on my being independent for so long, kaya siguro ganito na lang yung pagiging di ko komportable na may isang tao na ngayon na pwede kong pagdependehan.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-upo niya sa kabilang dulo ng sofa.
Luh. Huwag mong sabihing nagtatampo ako, nagtatampo rin siya?
Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang bigla na lang lumapat ang ulo niya sa mga hita ko – ang gwapo niyang mukha ay nakahantad sa harapan ko.
Ngiting-ngiti siya habang ako naman ay hindi alam kung anong gagawin kasi parang kinikiliti yung mga hita ko dahil sa buhok niyang pagkalambot.
"I finally got to see your face," aniya sabay pisil sa double chin ko.
Aba't! Talagang yung double chin ko yung pinisil niya, hindi yung mismong baba ko!
"Eh kung ihulog kaya kita diyan nang maging pango ka?"
Mahinang natawa siya bago niya inalis yung kamay niya sa double chin ko.
Umayos siya ng higa patagilid, paharap sa akin kaya naman ngayon yung mukha niya ay nasa bilbil ko naman.
I felt his hands on my waist. Pigil na pigil kong mapakislot dahil nakikiliti talaga ako. Pero ayoko namang masira itong mood sa pagitan namin.
Pakipot lang ako pero gusto ko rin naman ng nilalambing ako. Lalo't kasing gwapo ni Goryo. Aba, iba ang ganda ko.
Hinayaan ko siyang yakapin ako habang nakahiga sa mga hita ko. Patuloy lang ako sa paghahanap ng matinong mapapanood sa TV.
"Jon..." mayamaya ay sabi niya.
"Hmm?" sagot ko.
"Pwede ko bang makilala ang mga magulang mo?"
BINABASA MO ANG
Love, Finally
Teen FictionJona was a 23-year-old girl who had never been in a relationship. She was an introvert who led a very dull life, but not until she met two guys who were members of the band she recently discovered and followed. She met them in separate, embarrassing...