Chapter 24

277 12 25
                                    

"SO, WHAT brought you here, Jon?" tanong sa akin ni Ryo nang makapasok kami sa loob ng unit niya.

Umupo ako sa may sofa habang siya ay dumiretso sa ref para kumuha siguro ng maiinom.

"Goryo, may makakain ba diyan? Gutom na ako. Di ako nakakain nang maayos nung lunch. Yung kaibigan mo kasi, dinalaw ng regla," sabi ko at tinanggal yung sapatos ko at itinaas sa sofa yung mga paa ko.

Feel at home na ko dito kasi ilang beses na ba akong nakapunta ditto sa unit niya?

Narinig kong natawa siya.

Haays. Music to my ears! Sarap marinig na tumawa yung crush mo dahil sayo.

"I'll make you a sandwich, is that good? Matatagalan pa kasi pag nagluto ako baka magwala na yang mga anaconda mo sa tiyan."

"Maka-anaconda ka naman! Okay na yung sandwich. Nakakahiya naman inabala pa kita."

Naamoy ko yung egg sandwich spread na nilabas niya mula sa ref kaya lalo akong nagutom.

"May ginawa na naman ba si Ken sayo?" tanong niya habang gumagawa siya ng sandwich.

Napatingin ako sakanya, hirap na hirap siya sa ginagawa niya kasi naman yung buhok niya hindi nakatali at tumatakip iyon sa mga mata niya. Ang bagsak pa man din ng buhok niya!

Kinalkal ko mula sa bag ang nag-iisang pangtali ko ng buhok at pagkatapos ay tumayo ako at lumapit sakanya.

"Ano ba naman 'yan, Ryo. Bakit di mo kasi itali itong buhok mo. Malagyan pa ng buhok mo yung pagkain, eh," sabi ko at pumunta sa gilid niya at kinuha yung buhok na tumatakip sa mata niya at saka ko itinali.

Natawa ako nang matapos ko siyang itali kasi ang cute niya! Kelan kaya siya papangit?

Nang tingnan kong muli yung mukha niya, nakangisi lang siya sa akin.

"Hmm... Para naman tayong mag-asawa nito. Ikaw yung husband tapos ako yung wife," sabi niya sabay hagalpak ng tawa.

Hinampas ko siya hindi dahil sa inis kundi dahil kinikilig ako.

Gago ka talaga, Ryo. Pa-fall ka talaga, letse!

Kinuha ko yung isang sandwich na nagawa niya at nagsimulang kumain.

"Paano kita magiging asawa kung may fiancée ka?" walang gatol na tanong ko.

Nakita ko kung paanong nabitin sa ere yung kutsarang hawak niya bago siya napatingin sa akin.

His lips were parted. Bingo.

Haaay, Ryo...

"Kanino mo nalaman iyan?" nakakunot-noong tanong niya. His expression was suddenly serious.

"Guess," nakangiting sabi ko at sinubo yung natitirang piraso ng sandwich na hawak ko.

Tapos ay kinuha yung isang baso ng tubig at bumalik ulit ako sa sofa.

"Was it Rhyken?" mayamaya ay tanong niya at umupo sa tabi ko.

"Hmmm..."

Hindi ko alam ang sasabihin. Nanlulumo yung pakiramdam ko na ewan.

Minsan na nga lang ako magka-crush ng totoong tao, mapupurnada pa.

"Jon, Ryoko's not my fiancée, okay? I mean, I don't acknowledge her as one. Magkinakapatid lang kami."

Ryoko? Japanese? At may Ryo din sa pangalan. Edi sila na ang meant to be.

"Luhhh. Di mo naman kailangang mag-explain, Goryo. I'm good. We're good. Pero ano, bawasan mo na lang siguro yung mga pasimpleng damoves mo sakin? Alam ko naman pinagti-tripan mo lang ako. I appreciate you as a friend and as a bandmate. Let's stay that way, hmm?"

Love, FinallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon