Chapter 11-A Mess-
Blake POV
Isang malutong na suntok ang natanggap ko dito sa Zyxe na ito.
The hell?! Umagang umaga?!
"Bakit mo hinayaang umalis ang reyna?!"-Sigaw sakin ni Ptolemy
Dinura ko naman ang dugo galing sa pumutok na labi ko. Peste.
"Nasan ba ang utak mo Ptolemy? Nakikialam ka eh wala ka naman sa posisyon."-Sabi ko nang naka ngisi
Bwisit ito eh. Makakaganti din ako sayo. Nag pipigil lang ako!
"Kahit na! Paano kung may mangyaring masama sa kanya?!"-Galit na sabi ni Ptolemy
Aamba sana ito ng isa pang suntok ng tadyakan ko siya dahilan para matumba siya.
Ano tingin sakin nito? Mahina?
"Hoy. Baka nakakalimutan mong head ako ng Magic Council? Gusto mong may kalagyan ka?"-Sabi ko
Bigla itong bumangon at susugod ng suntok ng biglang dumating si Hermes at pinigilan siya.
"Ano ba yan?! Para kayong mga bata!"-Sigaw ni Hermes
Tumawa naman ako.
"'Yang kapatid mo kasi. Napaka isip bata padin. Siya ang naunang nanuntok."-Sabi ko
Nag datingan naman ang iba pang Zyxe.
"Oh anong katangahan na naman yan Ptolemy? Bakit ang dumi mo?"-Sabi ni Clyde
"Nako! Ang gusgusin mo na Ptolemy. Di ka na kasing gwapo ko."-Troy
Nasan ang gwapo sa inyo? Ako lang yata iyon. Tss.
"Anong ginawa mo kay Ptolemy, Blake?"-Seryosong sabi ni Quintin
"Wala siyang kasalanan. Itong si Ptolemy ang naunang sumugod. Bakit nga ba?"-Ani ni Hermes
Tinignan ko lang siya. Si Ptolemy naman ang sama ng titig sakin.
"Sige titigan mo nalang si Blake, Ptolemy! Parang kang engot eh! Mag salita ka!"-Syn
Nag pakawala ng buntong hininga si Ptolemy bago mag salita.
"Umalis ang Reyna at hinayaan niya lang."-Sabi ni Ptolemy
Bobo talaga ito eh! Tsk!
"Bakit hindi mo sinabi saamin agad?!"-Galit na sabi ni Clyde
"Malamang, gusto niyang masolo ang Reyna."-Sabi ni Brixx
Kumunot ang noo ko sa sinabi nitong Brixx na ito. Ang yabang?
"Bakit parang ako pa ang may kasalanan? Kasalanan ko pang di nag iisip yang baby boy niyo? Wow. Isipin niyo nga, papalakadin ko ba naman ang reyna kung wala siyang kakayahan mag pasya at lumaban? Gamitin niyo nga 'yang utak niyo."-Kalmadong sabi ko
BINABASA MO ANG
The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)
FantasyFANTASY SERIES #2 A Queen can't function without a King. Zafira will try her best to stand without a King. But the day when trouble comes even though she don't want to choose, her people will need it. She need a King that can protect her people and...