Chapter 15-Chances-

232 15 4
                                    


Chapter 15 -Chances-

Zach POV

"Master? Ang alam ko po talaga wala ng natira sa digmaan. Kaming dalawa lang ni Zeus."-Sabi ko

"Sigurado ka bang walang naninirahang black magic user sa mundo ng mga tao? Baka doon sila nanirahan?"-Master

Napaisip ako. Hindi ko alam pero parang pwede mangyari iyon. Kung si Zafira nga ay nakayang tumira doon ng 18 years ay kaya din ng iba.

"Mahihirapan tayong mag hanap ng record dahil wala na ang Dark Throne."-Sabi ko

Biglang tumunog ang telepono ni master kaya naman umalis nalang ako at nag tungo sa palasyo.

Naabutan ko si Zeus na nakatingin sa malayo. Ito na naman ang kapatid ko. Nakatulala na naman.

"Zeus?"-Tanong ko

"May nakita ako.." mahinang sabi niya

Kumunot naman ang noo ko.

"Anong nakita mo Zeus? May kakaiba ba sa paligid?"-Tanong ko

Humarap ito saakin. Kapansin pansing iba ang kulay ng isa niyang mata.

Hindi maari! Mukhang bumabalik ang dating siya!

"Nakita kong may mamamatay. Malabo ang itsura niya. Sa dulo ng lahat ng ito, may mamatay. Lalaki siya."-Tuloy tuloy na sabi niya

"W-where did you get that ability Zeus?"-Tanong ko

"Hindi ko alam. Kusa nalang lumabas. Pero kaylagan niyo akong pakinggan dahil isa itong ability of forseeing the future. Lahat ng lalaki na malapit sa reyna ay dapat na mag ingat. Lalo ka na kuya."-Sabi ni Zeus

Tumalikod na ulit siya. Agad naman akong nag tungo sa opisina ni Zafira.

Pinag buksan agad ako ng pinto.

"H-hindi naman siguro nakakamatay ang ipapagawa ni Master diba?"-Tanong ko

Weirdo itong tumingin saakin.

"Oo? Syempre naman Prince Zach. Lalo na at may isang prinsipe na kasali doon. Maari silang masugatan pero hindi ko ipahihintulot na may mamatay."-Sabi niya

Napahinga ako ng malalim.

"Bakit Mr. Krad? Ano bang nais ipabatid ng tanong mo?"-Tanong ni Zafira

Sumandal ako sa isang poste at huminga ng malalim.

"Si Zeus. Mukhang lumalabas na ang abilidad niya at katulad ito ng kay Master. Nakita niya na may lalaking mamamatay sa dulo ng lahat ng ito. Ayaw ko lang na mamatay si Blake lalo na at siya lang ang karapatdapat simula palang ng una."-Sabi ko

Mag tatanong pa dapat siya ng tumunog ang bracelet ko. Si Mizzle tumatawag na naman!

"Paumanhin Queen Zafira. Mukhang may ipapabili na naman si Mizzle."-Sabi ko at ngumiti nalang

Umalis na agad ako at nag tungo kay Mizzle.

"Ano na namang gusto mo?"-Tanong ko

"Shhh! Pinaalis lang kita doon sa opisina ni Zaffy! Mamaya kung ano pang masabi mo dyan eh."-Sabi ni Mizzle

Huminga ako ng malalim.

"Pa'no natin siya babantayan? Ano yung guard lang talaga tayo? Hindi natin siya kakausapin man lang? Parang di naman tayo mag totropa dati!"-Sabi ko

Sumimangot naman si Mizzle at alam ko na agad ang dahilan non.

"Baka nakakalimuta--"

Hindi ko na siya pinatapos.

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon