Zafira's POV
Nabalitaan kong nandito si Master kaya naman agad akong nag punta kung nasaan siya. Naabutan kong kausap niya sila Mizzle at mukhang seryoso sila.
"Bantayan niyo siya kung ayaw niyong matulad na naman ito sa dati." Sabi ni Master
Tumango naman sila Mizzle at napalingon sa akin. Binigyan lang ako nito ng bahagyang ngiti. Umalis na din sila ng nakita nila ako.
"Bakit Queen Zafira? May kaylangan ka ba?" Tanong ni Master
Umiling ako.
"Gusto ko lang po kayong makita. Kamusta po silang apat doon sa kampo?" Sabi ko
Napatawa si Master. Ewan ko pero mukhang may kahulugan iyon.
Iniisip niya bang inaalala ko si Blake?
"Ayos lang sila doon, lalo na si Blake. Medyo nabawasan ang pag aaway nila." Sabi ni Master at ngumiti
Napakunot ako sa sinabi niya. Hindi ko naman kinakamusta si Blake eh!
Napansin kong may dala siyang libro. Galing pala siya sa library ng palasyo.
"Para saan po yan?" Tanong ko
Itinaas niya ang libro. 'Unfamiliar Abilities' ang title noon.
"Si Blake kasi eh. Mukhang naboboring na doon kaya gusto na mag basa ng libro. Biniro pa nga ako kagabi na dalhin din daw kita doon." Sabi ni Master habang natatawa
Parang biglang tumalon ang puso ko sa sinabi ni Master. Kainis! Bakit ba kasi nagiging abnormal ako kapag ginaganon ako ni Blake?
"A-hh. Sige po Master Tristan. Mag iingat po kayo sa pagbalik doon." Sabi ko nalang at tumalikod na para umalis
Narinig ko pa siyang tumawa. Nakakahalata na ba siya?!
Nakakainis talaga eh! Bakit ba kasi may katulad ni Blake! Bakit ang perfect niya?! Nakakabadtrip naman oh! Hindi ko tuloy maiwasang maisip yung sinabi ni Drake kahapon na tungkol sa pinagdesisyon ni Blake yung babaeng mahal niya dati. Ang swerte siguro ng babaeng yun. Siguro mas higit pa sa ginagawa ni Blake ngayon ang ginawa niya sa babaeng yun dati.
Ewan ko ba sa sarili ko! Naiinggit siguro ako? Hindi! Okay lang naman eh. Nandyan naman si Ptolemy, baka mas malalim siya mag effort.
What?! Ano bang iniisip ko?! Alam ko namang ginawa ko lang panakip butas si Ptolemy para lang wag tuluyang mainlove kay Blake! Stupid me! Pero dang it! Ang hirap pala mapigilang mahulog sa kanya kahit mayabang siya! Di ko inisip na dadating ako sa ganitong punto. Dati halos isumpa ko siya dahil sa kayabangan niya! Pati na doon sa mukha niyang palaging naka pokerface!
So gusto ko nga siya? Mga fifty percent? Tapos yung another fifty percent sa duties ko. Wow Zafira, you are now a complete lady.
"Mom?"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa ginawang pagtawag sa akin ni Yarris.
"W-what baby?" Tanong ko agad
Natawa naman ito.
"Mommy ang lalim po ng iniisip niyo. Kakain na po ng lunch. Sasabay po kayo sa akin?" Tanong ni Yarris
Napatango nalang ako. Hinigit na kasi niya ako papunta sa dinning area ng palasyo. Palagi niyang gusto dito kumain kahit na may sarili kaming dinning area sa taas eh. Sabi ni Yarris gusto niya daw makita ang mga council kumain.
Dumiretso na kami sa table nila Mizzle.
"Hi there Little boy. How's your day?" Tanong ni Zander
BINABASA MO ANG
The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)
FantasiFANTASY SERIES #2 A Queen can't function without a King. Zafira will try her best to stand without a King. But the day when trouble comes even though she don't want to choose, her people will need it. She need a King that can protect her people and...