Blake POV
Pilit kong hinanap kung ano ba ang ability ni Ptolemy pero wala! Imbis tuloy na nag tatraining ako ay nag babasa ako ng libro. Napagpasyahan kong lumabas sa cabin ko. Laking gulat ko ng may lumipad na palaso sa akin mabuti at agad ko itong nasambot.
"Magaling." Sabi ni kuya Samreth
Balak niya ba akong patayin?!
"Kuya naman! Paano kung namatay ako?" Inis na sabi ko
Tumawa lang ito.
"Baka gusto mong mag training? Bukas na kasi yung pangalawang paligsahan? Gusto mong mapaaga ang alis mo dito?" Sunod sunod na sabi ni kuya Sam
Napaupo nalang ako sa damuhan at ganoon din siya.
"May kinukumpirma lang ako kuya. Diba lahat naman ng ability ay nakatala sa loob ng isang libro? Imposibleng wala ang isa doon dahil itinuturo sa amin yon sa ESA. Kung paano ito gamitin at depensahan." Sabi ko
Mukhang naging interesado ito sa pinag uusapan namin.
"Oo Blake. Nakatala nga doon ang lahat maski ang mga unfamiliar ability. Ano bang problema?" Sabi ni kuya Sam
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya. Hindi dahil baka magalit si Ptolemy, kung hindi dahil sa madadamay siya.
"Wala lang naman. Iniisip ko lang kung paano kakalabanin ang tatlong iyan. Hindi lang dapat sa lakas ang pagtatraining kundi sa isip din." Sabi ko
Napatango tango si kuya Sam. Tila namangha pa nga siya dahil di niya inaasahan ito.
"Tama ka Blake. Pag tapos ng paligsahan ay lalabas ako ng kampo. Tutulungan kitang mag imbestiga sa bagay na iyan." Sabi ni kuya Sam
Napangiti ako sa sinabi niya. Mabuti nalang talaga at siya naging trainor ko. Masyado niya talaga akong inispoiled.
Umalis din ito dahil may aasikasuhin siya. Sila kasi ang taga ayos ng venue ng laban.
"Sana hindi mo sinabi sa lalaking iyon."
Si Ptolemy yon. Mukhang seryosong seryoso siya.
"Wala akong sinabi. Libro lang ang hiningi ko sa kanya." Sabi ko
Umupo ito sa tabi ko. Hindi ko inimagine na magiging kasundo ko ito. Sabagay, okay lang kasi pinsan ko daw siya sabi ni Master.
"Bakit kaya hindi nalang apoy ang naadopt mong kapangyarihan? Diba pinsan kita?" Sabi ko
Narinig kong nag buntong hininga ito.
"Ewan ko ba. Sana ganoon nalang. Para di ako nahihirapan mag diskubre kung paano ba kokontrolin ito. Si kuya Syn ilaw ang kapangyarihan. Si kuya Hermes ay yelo. Si kuya Clyde ay tubig ang kapangyarihan. Si kuya Zhienz ay kidlat ang kapangyarihan. Si kuya Troy ay apoy ang kapangyarihan. Si kuya Quintin ay earth manipulator. Si Brixx ay may teleportation. Ako? Bakit hindi pa kasing ordinaryo ng kanila?" Inis na sabi ni Ptolemy
Mahirap talaga ang kinalalagyan niya. Kung ako siguro ang nasa kalagayan niya siguro pinakuha ko nalang ang kapangyarihan ko.
"Baka kasi makakatulong sa Light Throne ang kapangyarihan mo. Baka magamit natin yan sa Coldestrian. Isipin mo kasi yung positive. Wala sa lahi natin ang duwag Ptolemy. Itatakwil kita agad." Sabi ko nalang
Ngumiti ito. Hindi ko inaasahan ang isang iyon.
"Sana dati ko pa nakitang mabait ka talaga at nais mo lang protektahan si Zafira. Alagaan mo siya kapag ikaw ang nanalo dito." Sabi ni Ptolemy
Mukhang handa na yata siyang magpatalo bukas.
"Dati ko pa ginagawa yon Ptolemy. Sadyang pinag desisyon ko lang siya kaya nangyari ang lahat. Pero maswerte ako dahil kayo ang nakatagpo sa kanya." Sabi ko pa
Tumingin ito sa ilog.
"Dati pinlano naming pahirapan siya. Pinlano naming gamitin siya. Natakot kami na baka pag eksperimentuhan kami ng mga council. Pero pinrotektahan niya kami kaya gustong gusto kong ibalik sa kanya ang lahat ng deserve niya." Sabi ni Ptolemy
Natawa ako ng onti dahil naalala ko yung two years ago. Yung buong academy ay sinara namin para lang kay Zaffy.
"Nung nag aaral kami sa ESA ay pilit din naming tinago si Zafira. Natakot kasi kami na baka pag eksperimentuhan din siya. Pero ang ginagawa pala ng council ay ang protektahan kami. Walang makakakuha sayo Ptolemy. Poprotektahan ka ng council." Sabi ko
Bahagya itong tumingin sa akin.
"Sana nga Blake. Sana." Sabi nito at tumayo na
Winagawayway niya nalang ang kamay niya habang mag lalakad palayo sensyales ng pamamaalam.
Bukas. Papaalisin na kita dito Ptolemy. Para sa kaligtasan mo at ng lahat.
Dione POV
Kasalukuyan kaming nasa bahay ng mga magulang ko noong prinsesa at prinsipe palang sila.
"Prinsesa, anong plano mo sa tag gutom dito sa lugar ninyo?" Tanong ni Syn
Nakaupo ito sa sofa at nakatingin sa akin. Kanina pa kasi ako nag lilinis dito dahil sobrang dumi!
"Alam mo, sayang. Katulong ko sana si Drake dito. Sana mabibigyan niya ng kasaganahan ang lupa dito ng sa gayon ay madaming tanim ang mamumunga." Umpisa ko
Nakatingin padin ito sa akin at nakikinig.
"Kaso wala na eh. Bawal na kaming bumalik sa dati. Itutuon ko nalang dito sa Air Nation ang atensyon ko." Sabi ko
Narinig kong bumuntong hininga ito.
"Malalampasan mo din yan prinsesa." Nakangiting sabi ni Syn
Natuwa ako kasi para siyang bata. Isip bata?
"Salamat Syn." Natatawang sabi ko
Takang tumingin ito sa akin.
"Bakit ka naman natatawa prinsesa? May dumi ba ako sa mukha?" Naiilang na tanong niya
Agad akong umiling.
"Hindi no! Mukha ka lang talaga kasing bata! Isip bata ka daw sabi ng kuya Clyde mo eh." Natatawang sabi ko
Natawa din naman ito at napailing iling nalang.
"Matured ako mag isip prinsesa. Lalo na pag tungkol sa mga kapatid ko. Handa akong pumatay o mamatay para lang sa kanila." Sabi ni Syn
Sobrang bilis niya mag shift ng emotion!
"Naalala ko ng inaway ni Blake si Ptolemy. Isang beses ay pinatindi ko ang sikat ng araw habang nag lalakad siya. Kaso nakalimutan kong apoy pala ang kinikontrol niya!" Natatawang sabi ni Syn
Sobrang natawa ko doon! Ilaw nga pala ang kakayanan ni Syn!
"Walang makakagalaw kay Blake no! Pero kapag nagalaw si Zafira doon sobrang mayayanig mundo non!" Natatawang sabi ko
This time siya naman ang seryosong tumitig.
"Bakit? May dumi ako sa mukha?" Naiilang na tanong ko sa kanya
Umiling ito.
"Alam mo ba yung photosynthesis? Diba dahil sa sikat ng araw ay nabubuhay ang halaman? Maari kong gamitin ang kapangyarihan ko!" Sabi ni Syn
Agad akong napalapit sa kanya at inalog alog siya sa sobrang tuwa ko!
"Ang galing mo Syn! Tama ka!" Masayang sabi ko dito
Mabuti at nandito si Syn para tulungan ako!
"Salamat ng marami Syn! Bestfriend na kita simula ngayon!" Sabi ko at ngumiti
Ngumiti din nama ito.
"Kumain ka na prinsesa. Kanina ka pa nag lilinis!" Sabi nito sa akin
"Ikaw din! Sabayan mo na ako! Uumpisahan na natin bukas ang plano." Sabi ko
Nag send ako ng picture namin ni Syn kanina kay Mizzle. Nung nalaman niya kasing umalis muna ako sa palasyo ay agad ako nitong tinawagan. Nagagalit siya sa amin ni Drake pero wala na din naman akong magagawa eh.
Tapos na ang lahat at kaylangan nang mag umpisa ng bago.
BINABASA MO ANG
The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)
FantasíaFANTASY SERIES #2 A Queen can't function without a King. Zafira will try her best to stand without a King. But the day when trouble comes even though she don't want to choose, her people will need it. She need a King that can protect her people and...