Blake POV
Makalipas ang dalawang linggo ay hindi padin nagising si Zafira. Dalawang linggo nalang at gigising na din siya.
Sa kabilang banda, nag umpisa nang mag karoon ng test para malaman kung sino ang last elemental holder. Sana talaga hindi siya lalaki dahil baka sila pa ni Zafira ang mag katuluyan!
Nandito kami ngayon ni Yarris sa hospital. Tinutupad niya kasi ang pangako niya kay Zaffy na babasahan niya ito ng laman ng diary.
"Yan po muna ngayon mommy. Gumising ka na please? Gusto na kita makalaro." Sabi ni Yarris at pinag laruan ang daliri ni Zaffy
Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Master. Sinenyasan niya ako na lumabas muna para mag usap kami.
"Nag babanta na sila Crusius at Whyte dahil sa nangyaring pag alis ni Frozae. Nakahanap na naman sila ng mga kakampi." Saad ni Master
May mga traydor padin pala? Hindi pa sila nadala ha?
"Kung sakaling hindj makahanap ng lunas si Zander at Lyn maari naman tayong lumaban." Saad ko
Umiling si Master.
"Maliit ang tyansa natin kahit pa sabihing may nga kasama na tayong black magic users. Nais kong gawin mo ang lahat para maayos ang lahat ng ito. Dito mo patunayan na nararapat ka sa apo ko. Sinabi na ni Ptolemy na umuurong na siya sa paligsahan. Nais nalang niyang tumulong." Saad ni Master
Nag desisyon na naman si Ptolemy!
"May unbreakable vow kaming sinumpaan noon diba? Anong balak ni Ptolemy? Mag pakamatay?" Inis na sabi ko
Tumaas ang isang kilay ni Master.
"Pinawalang bisa na ni Georgia yon dahil siya din naman ang may gawa noon. At bakit Blake? Natatakot ka bang hindi mo magampanan ang iniuutos ko?" Sabi ni Master
Agad akong umiling.
"Alam niyong lahat gagawin ko basta sa kapakanan ni Zaffy, ni Yarris at ang palasyo. Sa pagkakataong ito ako naman ang kikilos." Saad ko
Tumango si Master.
"Unti unting nawawala ang itim na kapangyarihan kay Ptolemy pero wala nang lakas ang mga wizard at witches. Pero alam kong kaya na niyang kontrolin ito kaya naman sanayin mo siya para sa susunod na digmaan. Siya ang magiging alas natin." Sabi ni Master
"Opo Master." Tugon ko
"Nga pala, bantayan mong maigi si Yarris. Hindi ako nag bibiro sa sinabi ko noon na magiging mahirap ang pag laki niya." Sabi ni Master
Tumalikod na ito at nag laho.
Alam ko namang binantaan niya ako. Pero di naman ako susuko. Nangako ako kay Zaffy na aalagaan ko si Yarris eh.
Muli akong pumasok sa loob. Nakain na si Yarris at nanonood ng tv.
"Yarris?" Tawag ko dito
Agad itong lumingon.
"Can you promise me one thing?" Tanong ko
Agad siyang tumango.
"Yes Dad. What is it?" Tanong niya
"Can you use your black magic for good purpose?" Tanong ko
Ngumiti ito ng malawak.
"Yes Dad!" Sabi ni Yarris at nag salute pa
I'm sure tutuparin niya ang pangako niya sa akin.
Pumasok naman si Zander at Lyn at agad kaming dumiretso sa sofa.
BINABASA MO ANG
The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)
FantasyFANTASY SERIES #2 A Queen can't function without a King. Zafira will try her best to stand without a King. But the day when trouble comes even though she don't want to choose, her people will need it. She need a King that can protect her people and...