Zafira's POV
"Hindi ko kilala ang sinasabi mo." Maikling tugon ni Zeus
Nagulat kaming lahat ng suntukin ni Xyrus sa mukha si Zeus. Biglang napatayo si Zach at umawat.
"Hoy! Kapatid ko yan kaya manahimik ka dyan." Sabi ni Zach
Umawat na din ako dahil nag kakainitan na sila.
"You don't know her?!" Inilabas ni Xyrus ang wallet niya at inalabas ang picture ni Frozae at Zeus na mag kasama "Wala kang maloloko dito!" Sigaw ni Xyrus kay Zeus
So ibig sabihin... girlfriend ni Zeus si Frozae?!
Biglang napasabunot si Zeus sa ulo niya. Dang it! Mukhang bumabalik na ang alaala niya!
"Nako! Kung hindi ka lang namin kaylangan ay ipapakain kita sa mga titanus!" Inis na sabi ni Zach
Sumenyas naman ako para tumigil na si Zach.
"Gusto mo palang makita si Frozae eh. Edi sumama ka sa amin at iuwi mo siya dito sa lugar na ito. Kasamahin mo siya habang buhay." Sabi ko
"I don't trust you all." Tugon niya
I rolled my eyes.
"Kami din. Pero kaylangan ka namin para pauwiin dito ang baliw na babaeng yon." Sabi ko
"Hindi baliw ang girlfriend ko!" Sabi ni Xyrus
Girlfriend niya si Frozae?!
"Ano?! Sasama ka ba o hindi?!" Inis na tanong ni Dione
Tumango ito.
"Kukunin ko siya gaya ng sabi niyo. Mangako kayong ibabalik niyo kami dito." Sabi ni Xyrus
Ngumiti ako dito.
"Oo naman. And I have a good news. Inyo na ang bahay na ito. Mag sama kayo habang gusto niyo." Sabi ko
Natawa naman si Syn at Brixx.
"Mag sihanda na kayo. Aalis tayo bukas." Sabi ko
Napabuntong hininga si Drake.
"Bakit di pa ngayon? Gusto ko na umuwi." Sabi ni Drake
Ay hindi pwede yun. May plano pa ako.
Ngumiti naman sa akin si Mizzle.
"Zach iakyat ko muna si Zeus sa taas. Pag pahingahin mo na siya." Lumingon ako kay Syn at Brixx "Mag luto kayo ng makakain." Tapos ngumiti ako ng malawak "Dione at Drake you need to help me." Sabi ko
"Eh ako?" Tanong ni Xyrus
"Ikaw manahimik ka dyan. Manood ka ng tv kung gusto mo." Sabi ko
Nag sikilos na silang lahat. Kami naman nila Dione, Drake at Mizzle ay lumabas. Pumunta kami sa pool.
"Since Zach is taking care of his brother tayo muna ang mag memeeting. Drake at Dione kayo ang mag padala ng babala sa Coldestrian. Gusto kong personal niyong ipahayag sa kanila na hawak natin si Xyrus." Sabi ko
Agad na kumunot ang noo ni Dione.
"Bakit kaming dalawa pa? Hindi ba pwedeng si Syn nalang ang pasamahin mo sa akin?" Sabi ni Dione
Minsan talaga ang sarap niyang sampalin ng katotohanan eh.
"I am talking about skills Dione." Sabi ko
She rolled her eyes.
"Skills ba talaga ang pinag babatayan mo o may plano ka?" Sabi ni Dione
Ngumisi ako dito.
BINABASA MO ANG
The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)
FantasyFANTASY SERIES #2 A Queen can't function without a King. Zafira will try her best to stand without a King. But the day when trouble comes even though she don't want to choose, her people will need it. She need a King that can protect her people and...