Chapter 19-Quick Thinking-

163 7 0
                                    

Chapter 19-Quick Thinking-

Zafira's POV

Ito na ang inaantay ko. Ang araw kung saan may matatanggal sa kanila.

"Ano pong gusto niyong suotin Queen Zafira?" Sabi ni Hestia habang naka tingin sa closet ko

"Yung simple lang sana." Sabi ko

Kinuha niya ang isang simpleng carnation pink na dress. Lagpas tuhod ito at bagay na bagay sa kulay ko.

"Ang galing mo talaga sa pag pili ng damit Hestia. Sana ako din." Sabi ko at tinawanan nalang ang sarili ko

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Fresian at Yarris.

"Ang gwapo ng anak ko ah." Sabi ko sa kanya

"Mana kay Daddy Blake, Mommy." Sabi niya ar tumawa

Sobrang nadala niya talaga yung ugali ni Blake. Hays. Kamusta kaya yon?

Ay.

"Tara na po Queen Zafira. Mahuhuli na tayo sa paligsahan." Sabi ni Fresian at ngumiti

Lumakad na naman kami at nag punta kung saan gaganapin ang paligsahan. Bago kami umalis ay nilagyan ko muna ng spell ang buong kaharian. Mahirap ang masalisihan ng kaaway.

Ng makarating kami ay agad akong umupo sa upuang nararapat saakin. Nasa tabi ko si Yarris at kitang kita talaga sa kanya na gusto niyang mapanood ang Daddy niya.

Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

Blake's POV

First Game; Protecting the Kingdom.

Ayan daw ang gagawin namin. Pero Kingdom? Tapos di naman kami lalabas ng square na ito?

Pumwesto na kami sa mga pinto kung saan initinalaga kami. Sabi ni Master kaylangan naming pumasok dito.

Katabi ko ngayon si Quintin. Mukhang seryoso na siyang mag patalo.

"Wag mo ako tignan ng ganyan. Gagawin ko ito kasi nakalkula ko na ang dulo. Wala pa namang masyadong alam ang mga kapatid ko sa labas." Sabi ni Quintin

"Bakit kasi di mo nalang sabihin saakin?" Inis na sabi ko

"Erif, ang hinihiling ko lang ay pag igihan mo. Ako muna ang bahala sa Reyna pag labas ko. Siguraduhin mong lalaban ka hanggang dulo." Sabi ni Quintin at humarap sa pinto

"Nakakainis ka naman eh!" Inis na sabi ko

Ngumiti nalang ito ng mapait.

"Ayun na talaga ang tadhana mg kapatid ko.." Bulong niya

"The game will start in 3..2..1..Go!"

Ang hudyat na iyon ay nag sasabing buksan na namin ang pintong nasa harapan namin. Pag bukas ko ay gumulat saakin ang malaking palasyo.

"Kaylangang tapusin ang paligsahan sa loob lamang ng isang araw."

Napatingala ako kung saan nang galing ang boses na iyon. Walang tao. Pero mukhang yoon ang mag didikta ng kapalaran namin sa loob nito.

Biglang may sumabog sa gilid na parte ng palasyo kaya naalarma ako at nag tungo doon. Pag dating ko ay naabutan kong may mga kawal na nakikipag laban sa ibang uri ng nilalang.

"Anong nangyayari dito?!" Tanong ko

"Nilulusob kami ng mga nilalang na ito! Kaylangan namin ng tulong!" Sabi ng isang kawal

Wala ba silang pinuno?!

Gulat akong napaatras ng biglang tumumba ang kausap ko kanina. Dilat mata itong namatay sa harap ko.

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon