Chapter 30-The Part-

112 9 1
                                    

Frozae POV

"Kalimutan mo na si Zeus! Dalawang taon na ang nakakalipas Frozae!" Inis na sabi ni Whyte

Paano ko makakalimutan ang immortal na una kong minahal?

"Stop it Whyte. Alam mong imposible yun." Sabi ko

Tumaas ang isang kilay nito.

"Si Xyrus? Hindi ba minahal mo din ang isang iyon? Pwedeng pwede mo siyang makuha!" Sigaw sa akin ni Whyte

"Wag na wag mong idadamay su Xyrus dito. Iniwan ko siya doon para wag mapahamak hindi para isali sa mga plano!" Sigaw ko kay Whyte

Natawa naman ito.

"Sino ba sa kanilang dalawa?" Natatawang tanong ni Whyte

Umiwas ako ng tingin.

"Si Xyrus." Sabi ko

Nakarinig ako ng pagtawa mula sa likod ko.

"Ayun naman pala. Ibibigay ko siya sayo, hindi pwedeng mag isa lang ang reyna dito at walang hari." Sabi ng pinuno

Agad ko itong nilingon at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi. Wag niyo siyang idadamay dahil wala siyang pakinabang." Pag sisinungaling ko

Mortal lang siya at wala siyang magagawa!

"Yung Zeus nalang?" Tanong ni pinuno

Hindi din siya pwedeng madamay!

"Ayokong magkaroon ng hari." Malamig na sabi ko

Natawa naman si Whyte. Bakit ko nga ba ito naging kakambal?

"First love VS. great love. How romantic is that Frozae? Masyado mo akong pinapatawa." Sabi ni Whyte

Sinamaan ko lang ito ng tingin.

"I will give you the best Frozae. Do you know Blake Erif? Yung lalaking may kapangyarihang apoy na nag punta dito. Siya ang pinakamahalagang tao kay Zafira." Sabi ni pinuno at tumawa

I badly want to crush his face dahil sa ginawa niya sa akin. Walang awa sa babae!

"No. I said I don't want a King. Gusto ko lang maparusahan ang Blake na yun sa ginawa niya sa akin. Siguraduhin niyo namang mailalaglag na ang isang Zyxe para sila ni Ptolemy ang mag patayan sa huling paligsahan." Sabi ko pa

Tumango ang pinuno at nag laho.

"You little devil woman." Sabi ni Whyte

Iniwan ko nalang siya at nag tungo sa kwarto ko.

Ayokong madamay si Zeus. Kahit hindi maayos ang dalawang kaharian namin. Bawal siyang madamay..

2 years ago...

Wala pang gerang nagaganap ay nag papaalam na agad sa akin si Zeus. Sabi niya ay ipapadala na siya sa ESA.

"Pwede bang wag nalang ikaw? Madami namang tauhan si pinuno pero bakit ikaw pa?" Sabi ko

Napabuntong hininga ito.

"Ako lang naman ang makakagawa noon Frozae. Alam mo namang ako lang ang may highest rank dito." Sabi niya at hinimas ang buhok ko "Babalik ako. Pero di ko alam kung kaylan. Kapag naintay mo ako, aalis na tayo dito." Sabi ni Zeus

Hanggang sa lumipas ang ilang buwan at di na siya bumalik. Bulong bulungan sa buong Academy na sasama daw sa digmaan si Zeus. Gustong gusto ko siyang tulungan pero mababang uri lang ako ng black magic user.

Isang beses nakita ko ang kuya niyang si Zacheous. Gustong gusto ko siyang tanungin dahil hindi na pumapasok si Zeus. Kaso nag fail ako. Habang nag kakaroon ng digmaan nakikita ko kung paano siya pinahirapan ni Zafira. Nakita ko kung paanong gusto niyang patayin si Zeus. Wala na akong magawa. Umalis na ako ng immortal world at nag umpisang mag bagong buhay. Doon ko nakilala si Xyrus. Doon ko nalimutan ang lahat. Sa loob ng dalawang taon ay naging masaya ako. Naging normal ako.

Not until sinundo ako ni Whyte at ng pinuno. Napilitan akong bumalik at iwan si Xyrus. Ayaw ko talagang madamay siya kaya naman umalis ako ng walang paalam.

Zafira's POV

"Kayong mga Zyxe ang mag banantay sa mortal kapag nakuha na natin siya." Sabi ko

Tumango naman sila.

Ang dami ko nang ginagawa sumabay pa ang mortal na yon! Palagi kasi siyang nakapwesto sa lagusan! Ayoko munang malaman ng old council dahil alam kong isasarado nila yon.

"Mag pahinga ka muna Queen Zafira." Sabi ni Quintin

Tumango ako at nag tungo sa kwarto ko. Mabuti na talaga ang handa, mukhang maagamit ko siya para kay Frozae.

Pumasok sa kwarto ko si Hestia dahil nag pagawa ako ng inumin.

"Ipahinga niyo muna po ang katawan niyo. Tatlong araw na po kayong walang maayos na pahinga." Sabi ni Hestia

Tumango naman ako at ininom ang inihanda niyang inumin. Mayamaya ay umalis na din ito.

Napagpasyahan ko ulit na mag tungo sa opisina ko para mag basa ng mga libro kaso bigla akong nakaramdam ng hilo. Bigla nalang akong natumba sa malamig na sahig at nawalan ng malay.

....

Akala ko pag mulat ng mata ko ay nasa opisina ako. Wala ako sa opisina ko pero sa opisina ni Master Tristan sa ESA. Nakikita ko ang sarili ko kasama si Tita Georgia. Ipinapakita ni Tita ang marka sa pulsuhan ko kay Master Tristan.

Biglang nag iba ang paligid. Nasa room ako ngayon ng school. Mag kakatabi kami nila Blake, Zach at Mizzle. Kinakusap ako ni Mizzle dahil kilala niya daw ang Tita Georgia ko.

Nag iba ulit ang paligid at nanonood ako ngayon sa paduduel ni Dione at Mizzle. Walang may gustong mag patalo sa kanila kaya nag tie sila.

Sobrang bilis ng pagiba ng paligid. Kaharap namin ngayon ang maraming estdyante ng ESA. Buong Elemental Squad ay nasa stage at ipinapakita ang kanilang kakayanan. Hanggang sa dumating ang pagkakataong ako na. Naramdaman ko ang kaba dahil walang tubig na lumalabas sa akin pero nagulat ako ng magawa ko ito.

Muli na namang nag palit ang eksena at napunta ito sa apat na Nation na napuntahan ko. Palaging may blurr na mukha, palagi ko siya kasama pero di ko talaga makita. Hanggang sa nag paligsahan na, nakikita ko ang sarili ko na lumalaban. Pag tapos ng lahat ay natamaan ako ng matalim na bagay galing kay Zeus.

Lumipat ang eksena kung saan may umilaw na puntod. Ang puntod ng nanay at tatay ko. Sunod dito ang pag yuko sa akin ng bawat mag aaral sa ESA.

Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil nahihilo na ako sa pagpalitpalit ng mga eksena. Kung saan saan ito napupunta.

Hanggang sa nakita ko ang sarili ko sa digmaan. Nakita ko ang sarili kong natumba at agad na binuhat ni Master. Dinala niya ako sa puntod ng mga magulang ko. Doon buong lakas nila akong ginamot. Biglang nag karoon ng eclipse. Lahat sila ay sinasabing makapangyarihan iyon.

Tama sila. Dahil ako ang may gawa noon.

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon