Chapter 31-Mortal World Again-

111 15 2
                                    

Zeus POV

Apat na araw nang tulog ang reyna. Madaming doktor ang tumitingin sa kanya at tinutukoy nila ang sanhi nito. Kasalukuyan kaming nanonood ng paligsahan. Ito na ang pangalawa sa huling paligsahan.

Ang misyon na pinataw sa kanila ni Master ngayon ay ang pag protekta sa isang taong pinataw sa kanila. Ang alam ko may koneksyon itong mga taong ito sa kanila. Pero lahat yoon ay manika lamang na nakaprogram.

May ipinadalang isang hukbo upang kunwaring papatayin ang mga manika. Dapat na hindi ito magalusan. Kung ilalabas ang ganitong eksena, ito ay ang pag protekta na mismo sa reyna kapag nalagay siya sa panganib.

Unang naitumba ni Blake ang mga kalaban niya kaya naman mas nauna siyang naka labas sa pinto.

Parang lahat kami ay hindi nakahinga dahil sa ginawang pag kilos ni Ptolemy. Mahusay na siya. Madali niya lamang napatumba ang mga kalaban niya. Siya ang sunod na lumabas.

Samantalang si Clyde naman ay natalo.

Hindi imposible na magawa ni Ptolemy ang lahat ng iyon. Mahusay talaga ang komokontrol sa katawan niya.

"Tsk. Mas gugustuhin ko pang si Kuya Clyde at Blake ang mag laban sa huli eh!" Inis na sabi ni Troy

Lumabas na sila Blake at Ptolemy papunta sa stage. Matapos ni Master mag announce ay agad akong lumapit kay Blake.

"Wag ka sanang mabibigla." Pag uumpisa ko

Nag punta kami sa lugar na kami lang ang makakarinig.

"Ano yun? Anong nangyari?" Tanong ni Blake

"Ang mahal na reyna ay di pa nagigising. Apat na araw na siyang tulog at hindi matukoy ang sanhi nito." Sabi ko

Kumunot kaagad ang noo ni Blake. Kitang kita sa mata niya ang pag tataka at pag aalala.

"Gusto kong sabihin mo sa mga doktor na itest ang lahat ng kinakain at iniinom niya." Bilin ni Blake

Tama siya! Bakit hindi ba namin naiisip iyon?!

"Ah, may nais pa akong sabihin bukod sa kalagayan ng reyna." Sabi ko

Nanatili lamang siyang tahimik at nag iintay ng sasabihin ko.

"Lahat kayo ay mag ingat kay Ptolemy. Pambihira ang kapangyarihan niya, Blake. Dalawang bagay ang maari niyang gawin. Ang puting usok ay para sa pag konekta sa kaluluwa. Kaya niya ding gumaya ng kakayanan katulad ng kay Queen Zafira. Dapat lang mag ingat sa itim na usok. Kaya niyang kumuha ng buhay Blake at isa pa, may komokontrol sa katawan niya. Sa palagay namin nila Quintin at Zhienz, si Yury iyon. Maaring nag iwan siya ng spell para makakontrol ng katawan para mapaibig ulit si Queen Zafira." Pag papaliwanag ko

Tumango tango si Blake.

"Salamat sa impormasyon mo Zeus. Inaasahan ko ang patuloy na pag uulat mo sa akin ng mga impormasyon. Habang wala ako sa labas, ingatan mo si Zafira. Pinag kakatiwala ko siya sayo Zeus kaya wag na wag mo akong bibiguin." Sabi ni Blake at tinapik ang balikat ko

Tama siya. Ito nalang ang magagawa ko para bumawi kay Zafira. Sa lahat ng pag papahirap na ginawa ko sa kanya dati.

Pumunta na kami sa elemental squad dahil iniintay nila si Blake.

"Galingan mo sa susunod Blake. May nararamdaman akong kakaiba." Sabi ni Drake

Tama siya. Mukhang malakas talaga ang abilidad niya bilang isang earth manipulator.

"Oo. Sisiguraduhin kong aalis na si Ptolemy. Kaylangan ko talagang magawa iyon." Sabi ni Blake

Zafira's POV

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon