Chapter 10-Melted Heart-
Zafira's POV
Maaga palang ay bumangon na ako. Si Yarris naman natutulog pa kaya agad na akong lumabas ng kwarto.
Pumunta lang ako sa garden mag isa. Mabuti nga at wala pa sila Fresian at Hestia. Makakapag isip ako.
Iniisip ko kung paano ako pupunta doon sa bagong kaharian. Yung Coldestrian. Pati na din yung isang immortal na namatay. Kung sa mundo ng mga tao ay may autopsy, ganoon din dito. Mga earth manipulator ang gumagawa nito.
Bigla ko nalang naramdaman na may lumilipad na bagay na papalapit sakin kaya sinambot ko agad 'yun.
Palaso?
Agad kong tinignan kung kanino galing yon.
Peste talaga. Iniinis ako!
"Good morning!"-Nakangiting sabi ni Blake
Tinapon ko na ang palasong ipinukol niya sakin.
"Hindi mo ba talaga kilala kung sino ang kinakalaban mo?"-Tanong ko
Tumawa siya ng malakas.
"Syempre kilala ko. Wala lang. Gusto ko lang asarin ka. Ang cute mo eh."-Sabi ni Blake
Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. As in ang pula ko.
"Kinikilig ka na naman dyan. Wag muna. Tyaka na kapag kasal na tayo."-Nakangiting sabi ni Blake
Ang kapal talaga ng mukha!
"Walang kasal na magaganap. Kaya ko mag isa."-Sabi ko habang nakataas ang isang kilay
Dapat talaga matakot sakin itong kulugo na ito eh.
"Okay. Sabi mo eh. Mag almusal na kayo. Gisingin mo na din si Yarris. May special class pa siya kay Master Tristan."-Sabi ni Blake at umalis na
Pati pag papalaki ko kay Yarris pinapakialaman niya. Napaka talaga!
Sige nga! Pano ko tatratuhin ng mabuti ang maldito na katulad niya?!
"Like duh! Nasasakupan mo din siya!"
Napalingon naman ako para hanapin kung saan nang galing ang boses na yun.
Dami ko na ngang problema susundan pa ng mga ganito!
Umalis nalang ako at nag tungo sa kwarto namin ni Yarris.
Marahan ko itong niyugog para magising. Mga ilang minuto lang ay nagising na ito.
"May special class ka pa kay Master Tristan. Be ready."-Sabi ko
Ngumiti naman ito.
"Yes mommy."-Sabi saakin ni Yarris habang naka ngiti
I mean sobrang cute niya. No wonder. Kapatid siya ni Yury after all.
Nang matapos na si Yarris ay hinatid ko na siya sa class niya. Ako naman dumiretso na sa main office ko.
Hindi ako makapakali kaya pinatawag ko si Fresian at Hestia.
"Sigurado po kayo na tayong tatlo lang ang pupunta doon? "-Tanong ni FresianTumango naman ako.
"Kung yun po ang nais niyo."-Sabi ni Hestia
Lumabas na ito para ihanda ang karwaheng gagamitin namin.
We will give gifts to make amity with Coldestrian.
Matapos ihanda ni Hestia ang mga regalo ay pumunta na kami sa labas ng palasyo.
BINABASA MO ANG
The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)
FantasíaFANTASY SERIES #2 A Queen can't function without a King. Zafira will try her best to stand without a King. But the day when trouble comes even though she don't want to choose, her people will need it. She need a King that can protect her people and...