Chapter 39-Spell-

105 7 0
                                    

Zafira's POV

Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Yarris. Si Blake lang ang kinakausap niya. Madalas ko lang siyang tignan sa malayo dahil kapag nakita niya ako ay agad itong lalayo sa akin.

"Zaffy, wag ka na malungkot. Kaylangan lang ni Yarris ng panahon para matanggap niya ang lahat." Sabi ni Dione

"Bata pa naman kasi siya kaya naman mabagal pa ang pagkakaintindi niya." Sabi ni Mizzle

Pinunasan ko ang luhang mag babadyang bumagsak mula sa mata ko.

"Siraulo talaga yung Crusius ano? Pati bata dinamay niya." Sabi ni Hermes

Lahat sila sa head quarters ay gustong makaisip kung paano mawawala ang kaluluwa ni Crusius. Maski ang old council ay gumagawa ng paraan.

Napasulyap ako kay Ptolemy. Nararamdaman ko ang ilang nito sa akin. Ayaw niya akong lapitan. Ayaw ko sanang pansinin ito dahil sa problema ko kay Yarris pero di ko mapigilan. Para na siyang si Yury sa akin.

Matapos ang mga gawain sa opisina ay inaya kong mag punta si Ptolemy sa garden. Halata talagang ilang siya sa akin kasi nasa mag kabilang dulo kami ng upuan.

"M-may problema ba Ptolemy? Pwede mo namang sabihin sa akin eh." Saad ko

Umiling ito.

"Masyado pang maaga Zafira. Sa tingin ko ay dapat na muna kitang layuan dahil baka mapahamak ka." Sabi ni Ptolemy

Ayan na naman sila. Paulit ulit nalang ang mga ganyang sinasabi nila na takot silang mapahamak ako.

"Takot pala kayong mapahamak ako pero bakit hindi niyo sinasabi yung dahilan para masolusyonan!" Inis na sabi ko

"Zafira hindi mo kasi nainintindihan!" Saad ni Ptolemy

Agad na kumunot ang noo ko.

"Dahil hindi niyo pinapaintindi! Palagi niyo nalang akong hindi pinag kakatiwalaan!" Inis na sabi ko

Napailing si Ptolemy.

"Mali ka ng iniisip. Pinag kakatiwalaan ka namin. Ayaw ka lang talaga namin mapahamak." Sabi ni Ptolemy

Nagulat ako ng may humila sa akin. Si Blake.

"You are not allowed to get closer to her, right Ptolemy?!" Inis na sabi ni Blake

Ito na naman siya.

"Oo Blake. Alam ko yon. Sadyang sinabi niya lang na kakausapin niya ako. I'm leaving." Sabi ni Ptolemy

I can't understand them!

"What's going on?" Tanong ko

Hindi ako pinansin ni Blake!

"Pumunta ka na kay Master. Alam na niya ang lahat. Maaring alam mo na ang gagawin sayo, hindi ba?" Sabi ni Blake

Tumango si Ptolemy at ngumiti. Umalis na din ito.

"Blake, tungkol saan ang pinag uusapan niyo?" Tanong ko

Umiling lang ito.

"It's my business, Queen." Sabi ni Blake

I rolled my eyes.

"Hindi mo sasabihin?" Tanong ko sa kanya

"Let Master handle it." Sabi ni Blake

Fine. Ayaw nilang sabihin sa akin kaya ako ang aalam!

"Wag mo na subukang alamin Zafira Clazzethe Lazilae. Kilalang kilala kita. Gumagawa ka na naman ng ikapapahamak mo." Iritadong sabi ni Blake

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon