Chapter 21-New One-

151 9 5
                                    

Chapter 21-New One-

Quintin POV

"Anong ginagawa niyo dito?"

Napalingon kaming dalawa ni Zhienz sa likod.

"Zeus." Di makapaniwalang sabi ni Kuya Zhienz

Napangisi si Zeus ng de oras.

"Gulat na gulat ka yata Zhienz? Wala naman akong ginagawa." Sabi ni Zeus

Umusod si Kuya Zhienz para maka upo si Zeus. Great. Nag sama sama ang tatlong tahimik dito sa palasyo. Wala pa si Brixx dito eh kapag ang isang yon ang nandito pwede na kami bumuo ng sariling gang.

"Sali niyo naman ako sa pinaplano niyo." Sabi ni Zeus

Natawa ako ng onti. Ang lakas ng pakiramdam niya.

"Paano no naman nalaman na mag paplano kami?" Tanong ko

Biglang umilaw ang isang mata nito.

"Ability to see future. Pero yung sa akin hindi kasing lakas ng kay Master Tristan." Sabi ni Zeus

Pero bakit yung isang mata niya hindi nailaw?

"May isa ka pang kapangyarihan ano? Isang mata lang ang nagana sa ginawa mo." Sabi ni Kuya Zhienz

Tumango ito.

"Oo. Ang masama nga lang, hindi ko alam kung ano yon." Sabi ni Zeus

Oo nga pala. Balibalita dito na wala siya alaala.

"Ayaw mo na ba malaman ang nangyari two years ago?" Tanong ko

Umiling ito.

"Mukhang ayaw ko na. May parte sa akin na natakot. Pero nung naalala ko si Zach, natuwa ako." Sabi ni Zeus "Ayos lang kung kusa silang babalik." Dagdag pa nito

Itinuturing siya ng Elemental Squad na misteryoso. Tama nga sila, misteryoso si Zeus.

"Kung aayain ka namin bilang isang kaibigan, papayag ka ba?" Tanong ko

Tumango ito.

"Oo. Parepareho lang naman tayo ng layunin eh." Sabi ni Zeus

Nag kwentuhan pa kami sa mga bagay bagay hanggang sa dumating si Zach.

"Zeus mag pahinga ka na." Sabi nito

Tumayo na naman si Zeus at nag umpisang mag lakad. Bago ito makaalis ay kumaway ito.

Kumaway din kami ni kuya Zhienz.

"Sa tingin ko naman mapagkakatiwalaan siya." Sabi ko

Tumango si kuya Zhienz.

"Matutulungan niya tayo sa pagligtas sa reyna." Sabi ni kuya Zhienz

Zach POV

"Bakit kasama mo sila Quintin at Zhienz?" Tanong ko kay Zeus

"Wala lang. Sinusubukan kong mag hanap ng kaibigan." Tumingin ito sa akin "Mabait ang dalawang Zyxe na yon. Di naman ako gagawa ng bagay na ikapapahamak ko." Sabi ni Zeus

Napatango tango ako.

"Sana maintindihan mo kung bakit iniingatan kita ng lubos. Tayong dalawa nalang ang mag kasama, wala na tayong mga magulang." Sabi ko

Tumango naman ito at ngumiti.

"Naiintindihan kita Zach." Sabi ni Zeus

Lumiko na ito papunta sa tirahan niya. Katabi lang naman ito ng akin. Kaya pumasok na ako sa bahay ko. Pero nagulat ako ng hindi ito nakalock.

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon