Chapter 37-Who's Evil?-

103 6 1
                                    

Zafira's POV

Wala sa sarili akong bumalik sa palasyo. Halatang sobrang itim ng aura sa buong meeting room.

"Bakit kasi hindi niyo agad sinabi Zeus?!" Galit na tanong ni tita Georgia

"Huminahon ka Georgia." Sabi ni Queen Catherine

"Mali ang mag bigay ng hatol kung wala namang ebidensya. Sana naintindihan niyo kaming apat." Sabi ni Quintin

"Tama sila. Mali nga lang ang naging panahon." Sabi ni King Flame

Umiinit ang ulo ko. Masyado akong nag bulagbulagan sa pinakitang kabaitan ni Hestia.

"Planuhin nalang natin kung paano makukuha si Yarris. Wag na tayong mag talo talo pa." Tugon ni King Leaf

"Sang ayon ako." Tugon ko

Nakuha noon ang atensyon nilang lahat.

"Pero mahal na reyna, mukhang may kasabwat pa ang Hestia na iyon dito." Nakangising sabi ni Clyde

Si Fresian ba ang tinutukoy niya?!

"Dalhin niyo dito si Fresian!" Inis na sabi ko

Agad namang lumabas si Hermes at Brixx para kunin si Fresian.

"Wala ka pang basehan." Sabi ni Dione

"Tama si Queen Zafira. Dalawa nga sila. Nito lang namin napagtanto." Sabi ni Zeus

Naikuyom ko ang kamao ko. Gusto ko silang maparusahan!

"Damn. Diba kapatid siya ni kuya Samreth?!" Bulong ni Zach kay Mizzle

Dahan dahan namang tumango si Mizzle.

Ang Samreth na iyon ang nag sasanay kay Blake! Baka may gawin din siyang masama kay Blake!

"Gusto kong itigil muna ang paligsahan. Palabasin niyo ang lahat ng nasa kampo." Saad ko

Tumango naman si Queen Georgia.

Dumating na sila Hermes kasama si Fresian. Lalapit sana si Fresian sa akin ng kontrolin ito ni Drake.

"Hanggang dyan ka lang." Sabi ni Drake

Nag umpisa na itong lumuhod sa harapan ko at umiyak.

"Totoo bang kasabwat ka ni Hestia?" Tanong ko

Pinipilit kong maging mahinahon kahit na alam kong bawat oras na inilalagi namin dito ay nanganganib si Yarris.

"O-opo mahal na reyna." Sabi ni Fresian

Tumulo ang luha ko. Hindi ako makapaniwala na ang mga itinuring ko kaibigan pa ang tatraydor sa akin.

"Bakit ha?! Bakit niyo nagawa sa akin ito?!" Inis na sabi ko

Lumapit ako dito. Nanginginig siya.

"T-tinakot niya ako. Sinabi niyang papatayin niya ang mga kamag anak ko." Sabi ni Fresian

Napahilamos ako sa mukha.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?! Alam mong kaya kong solusyunan ang lahat!" Saad ko

Tumingin siya ng diretso sa akin

"Hindi niyo kaya dahil wala kayong hari." Sabi ni Fresian

Nag pantig ang tenga ko sa narinig ko.

Isang sampal ang umalingawngaw sa buong meeting room.

"Mahal na reyna.." Tawag sa akin ni Zeus

Tuloy tuloy na tumulo ang luha ko.

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon