Blake POV
Sa pagkakataong ito halos pantay lang ang laban sa amin ni Lacxon. Nakakainis! Gusto ko siyang itulad kay Whyte pero hindi ko siya maabutan dahil gumagamit siya ng teleportation. Dahil mahina pa ang katawan ko, hindi ko ito maabutan ng banishing ability!
"Sumuko ka na kasi. Tapusin na natin ito para makapagpakasal na kami ni Zafira!" Nakangising sabi ni Lacxon
Inis akong tumingin dito.
"Hindi yan mangyayari!" Sigaw ko at nag pakawala ng sunod sunod na water blade
Mabilis niya lang itong ginawang yelo at ibinalik sa akin. Kaagad naman akong gumawa ng apoy na sanggalang.
"Sige, ikaw din. Nag sasayang ka lang ng kapangyarihan." Sabi ni Lacxon
Wala na akong panahon sa kanya! Kaylangan ko nang bumalik sa field para matulungan ko sila doon!
Gagamit na sana ako ng banishing ability ng kapitan ako ni Lacxon at ibinalibag!
I hate him now!
Pag lapit niyang muli sa akin ay gumawa ako ng talim galing sa sanga at nag resulta ito ng sugat sa braso niya.
Mayroon akong isang bagay na wala siya, I can heal myself.
Bigla akong nilapitan nito at dinala sa field sa pamamagitan ng teleportation. Ilang metro nalang ang layo ng Light Throne sa kampon ng Coldestrian.
"Nasaan si Whyte?!" Inis na tanong ni Crusius
Natawa si Lacxon.
"Walang kwenta, Papá. Pinasabog lang siya ni Blake!" Saad ni Lacxon
Napamasid ako sa paligid. Sobrang lapit na ng Light Throne. Natatanaw ko na ang mga Zyxe. Lalapit sana ako ng pigilan ako ni Lacxon. Sinuntok ko naman ito pero ginantihan din ako ng suntok nito. Kinadenahan din ako ng mga kawal!
"Ibigay niyo na si Blake at ibibigay namin ang mga Zyxe!" Sigaw ni Master Tristan
Hindi ko alam pero biglang nagawi ang tingin ko kay Zeus. Punong puno ng pangiinis ang mukha niya. Di ko alam pero gusto kong matuwa na ganoon ang itsura ni Zeus ngayon.
"Ito na ang bunga. Nasaan ba ang makinang sinasabi niyo?" Tanong ni Lacxon
Itinuro ni Crusius ang makina pero noong ibibigay na niya ito sa tagapamahala ay biglang bumagsak si Lacxon.
May itim na likod na lumalabas sa mata, bibig at ilong niya.
"Hindi! Hindi maari ito!" Sigaw ni Crusius
At doon sumugod na ang mga taga Coldestrian. Nag karoon ako ng pagkakataong tumawid at kalasin ang kadena.
"Sa sobrang tagal mo tinibuan ka na ng ugat!" Inis na sabi ni Zeus
Literal akong nag palabas ng ugat at kinontrol ito upang pumatay ng kalaban.
Third person POV
Sa pagkakataong ito nag laho bigla si Crusius. Ang buong Coldestrian ay walang pusong kumukuha ng kaluluwa at isinisilid ito sa mga lalagyan. Sigaw ng mga kaluluwa ang maririnig sa loob ng bote.
Sa pagnanais na protektahan ang reyna, nanatili si Blake sa tabi nito kasama ang mga lumang council at si Master Tristan. Walang nangangahas na gumalaw sa kanila dahil kaagad silang nadedepensahan ng mga new council. Itinuturing nila ang laban bilang tagumpay dahil walang nawala sa kanila.
"Wag kayong mag pakasigurado!" Sigaw ni Master
Pagkasabing pagkasabi ni Master ay biglang dumilim ang paligid. Nabalot ng malamig na hangin ang paligid at may kung anong masamang enerhiya ang bumalot. Lumabas ang isang nakaitim na babae na lubos nilang ikinagulat.
BINABASA MO ANG
The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)
FantasyFANTASY SERIES #2 A Queen can't function without a King. Zafira will try her best to stand without a King. But the day when trouble comes even though she don't want to choose, her people will need it. She need a King that can protect her people and...