Third person POV
Sa kabilanh banda makikita kung paanong lumalaban ang mag kapatid na Fresian at Samreth. Nais nilang ibuhos ang buong lakas nila para sa paglakalaya nila.
May yabang na lumapit si Hestia kay Fresian at kaagad itong pinaulanan ng itim na mahika. Laking gulat ni Hestia ng bumalik lang ito sa kanya at nakapag dulot ng malaking pinsala.
"Lapastangan!" Sigaw ni Hestia kay Samreth
Si Samreth ay may kakayanang mag patigil ng oras. Ang katangian niyang iyon ay nakuha niya sa mga paglalakbay niya.
"Matagal nang wala ang ganyang kapangyarihan!" Sigaw ni Hestia at tumingin sa mga kakampi nito "Patayin ang lalaking iyon!" Saad ni Hestia at itinuro si Samreth
Sabay sabay na sumugod ang sampung mga lalaki. Alam ni Samreth na hindi niya kakayaning labanan ang sampung mga lalaki na iyon.
Walang awa lang na kinawawa ni Hestia si Fresian. Nang magkaroon ng pagkakataon si Samreth ay marahas niyang tinusok si Hestia sa likod ng katana. Pero bago mawala si Hestia ay gumanti din ito. Ibinaon niya ang kamay niya sa puso ni Samreth at dinukot ito.
"Kuya!" Naiiyak na tawag ni Fresian
Nakangiti lang si Samreth nag matumba ito.
Laking gulat ni Fresian ng lumitaw si Yarris at nag tungo kay Samreth.
"Hindi Yarris! Umalis ka dyan!" Saway ni Fresian
Dahil may lalapit kay Yarris na kaaway at kaagad niyang kinuha ang katana sa gilid at sinaksak ang kaaway na yon.
Wala nang nagawa si Fresian at iniwan ang kuya niya sa malamig na sahig. Binuhat niya si Yarris at tumakbo sa papasok sa loob ng palasyo.
"Ibaba niyo ako! Tutulungan ko ang daddy ko!" Angal ni Yarris
Dahil ayaw siyang pakawalan ni Fresian ay kinagat niya ito. Mabilis na nawala si Yarris dahil natabunan siya ng mga nag lalaban.
Sa kabilang banda, sinusubukan padin ni Zafirang matalo ang diwata ng mga patay. Halos maubos na ang enerhiya niya sa katawan para lang mapatay ang diwatang iyon.
"May mga elemento ka pero hindi ka nag iisip. Mahina ka din pala." Sabi ng diwata ng mga patay at ngumisi
Galit lang ang nabuo kay Zafira at muling nag pakawala ng kuryente mula sa palad nito. Madali lang itong maiwasan ng diwata ng mga patay.
"Diwata ako. Isa ka lang reyna ng lugar na ito. Dagdag pa doon, wala kang hari. Wala kang katulong ngayon." Pang iinis pa ng diwata ng mga patay
Kaagad na kumuha si Zafira ng katana at marahas na hiniwaan ang tagiliran ng diwata ng mga patay. Laking gulat ng diwata ng mangyari iyon.
"Kapag hindi mo gulo, wag kang makikisali!" Inis na sabi ni Zafira at muling sumugod
Ngunit sa pagkakataong iyon ay siya ang napuruhan. Mabuti at daplis lamang iyon sa balikat.
"Iniinis mo ako. Sinong gusto mong unahin ko? Yung lalaking may hawak din ng apat na elemento o ikaw?" Tanong ng diwata ng mga patay
Matalim lang na tinignan ni Zafira ang diwata ng mga patay.
"Duwag ka! Ako ang kalaban mo pero hahanap ka ng ibang tao? Natakot ka ba sakin?" Pang iinis ni Zafira
Inis na tumingin ang diwata ng mga patay kay Zafira.
"Hindi ako duwag. Parepareho lang naman kayong mamamatay." Saad ng diwata ng mga patay
Muli gumamit ng dalawang elemento si Zafira at ibinato ito sa diwata ng mga patay. Laking gulat nito ng may kumuha sa kanya mula sa likod. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Blake. Sa pagkakataong ito hinahabol sila ni Ptolemy at ng diwata ng nga patay.
BINABASA MO ANG
The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)
FantasyFANTASY SERIES #2 A Queen can't function without a King. Zafira will try her best to stand without a King. But the day when trouble comes even though she don't want to choose, her people will need it. She need a King that can protect her people and...