Chapter 46-Mark-

120 6 1
                                    

Blake POV

Nagising ako dahil sobrang sakit ng buong katawan ko. Halos mamilipit ako sa sakit. Para bang may cycle sa loob nito.

"Anong nangyayari sayo?!" Tanong ng isang kawal

Sinamaan ko lang ito ng tingin. Umalis naman ito sa harap ko.

Wala dito si Whyte at Crusius. Malamang nag paplano na naman sila.

Nagulat nalang ako ng may kung anong mga guhit ang gumuhit sa kanang pulsuhan ko.

Halos manlaki ang mata ko ng makita ko ang marka ng Latnemele!

Mabuti at agad ko itong naitago. Hindi nila maaring makita ito. Malalaman nilang kaya ko nang paganahin ang pagiging elemental ko.

Hindi naman pumipigil mag labas ng kapangyarihan ang kadenang ito. Hindi nga lang ako makakawala dito dahil si Crusius ang gumawa nito. Ang ama ng mga itim na spell.

Kumuha ako ng tempo para itesting ang isang elemento. Halos maligo ako ng pawis.

"Water." Utos ko

Nararamdaman ko na ang pag sakit ng palad ko dahil sinusubukan ko talaga.

Kinakabahan na ako dahil naririnig ko na ang mga yabag. Malamang nag tawag ang kawal na yon.

Halos tumalon ang puso ko ng may lumabas na tubig sa kamay ko! Damn!

Agad kong itinago ang kamay ko dahil nasa pinto na si Whyte. Umupo din ako ng prente sa silya.

"Mukha naman siyang ayos ah! Wag niyo akong pinag lololoko ha! Madami akong ginagawa!" Galit na sabi ni Whyte sa mga kawal

Ngumisi naman ako sa kanila. Dahil doon mukhang nainis si Whyte.

"Maikli lang ang pasensya ko Blake. Isa nalang talaga!" Sigaw sa akin ni Whyte

Mas lumawak ang ngisi ko.

"The feeling is mutual." Tumayo ako "Kaya kalagan mo na ako dito at uuwi na ako sa Ligh Throne." Utos ko

Lumapit naman ito sa akin. Akala ko kakalagan niya ako kaso bigla siyang tumawa. Lumitaw na din si Crusius.

"Hindi pwede. May mga plano pa kami sayo." Pang iinis ni Whyte

Nag bato ako ng fire ball kaso bigla itong naging bula! Ngayon alam ko na, makakapagpalabas nga ako ng kapangyarihan pero dapat personal contact!

"Ikaw, kapalit ng mga Zyxe." Sabi ni Crusius

Muntik ko nang makalimutan! Anak niya pala silang lahat na Zyxe.

"Hindi! Para saan?! Gagamitin mo ang sarili mong mga anak sa masama?! Anong klase kang tatay?!" Inis na sabi ko

Tumawa si Crusius.

"Kaya ko nga sila nilikha eh. Para maging kampon ko." Natatawang sabi ni Crusius

Nandidiri ako sa buong pagkatao ni Crusius! Kung alam lang nila Hermes na ito ang tatay nila malamang ay hindi sila sasama!

"Do you think na sasama sila?! Of course not!" Nakangisi kong sabi

"Dyan ka nag kakamali. Kabisado ko ang bawat isa sa kanila. Alam kong isusuko nila ang sarili nila para sayo. Dahil.." Tumawa siya ng malakas "Dahil kaibigan ka nila." Halos sumakit ang tyan ni Crusius sa kakatawa

Nakakainis! Pati ba naman sila ay dapat ko pang problemahin?!

"Knowing Clyde? Hindi niya isusugal ang buhay niya para sa akin!" Inis na sabi ko

Napailing si Crusius.

"Siya ang pangalawang paborito kong anak sa lahat. Matapang siya pero.. kapag ginamit niya ang puso niya... kaagad itong bubuwal. Ano sa tingin mo ang mas matimbang sa kanya? Iiwan niya ba ang mga kapatid niya at hahayaang mapunta dito?" Nakangising sabi ni Crusius

Bwisit! Malaking gulo na naman ito.

"Kaya ngayon palang Blake kung may binabalak ka ay wag mong ituloy. Hindi sapat ang kapangyarihan mo para pigilan ang plano ko." Sabi ni Crusius

Napangisi ako sa sinabi niya dahil mali siya. Sa pagkakataong ito kahit mamatay ako gagawin ko ang paraang alam ko.

Zeus POV

Sa wakas ay bumalik na ako sa katinuan ko. Nagising na din si Master sa wakas.

"Ayusin mo nga 'yang mukha mo Zeus! Hindi pag mag uumpisa ang laban pero parang sinasabi mo na agad na matatalo tayo!" Pag sesermon ni Master

"Kasi.. kapag nawala kayo mawawala sa balanse ang labanan." Tugon ko

Napatawa ng konti si Master.

"Alam mo Zeus, lahat ng immortal ay mamamatay. Nararamdaman ko nang malapit na ako sa dulo. Alam kong makakaya niyo ang lahat kahit wala na ako. May tiwala na ako sayo. Kaya mo din ang lahat Zeus." Sabi ni Master

"Pero hindi pa kayo nakakausap ni Zafira. Hindi niya pa nalalaman na kayo ang tunay niyang lolo. Kapag nalaman niya yoon ng wala na kayo ay tiyak na masasaktan siya." Saad ko

Kitang kita ko kung paanong nalungkot ang mukha ni Master.

"Isang linggo nalang Zeus. Gigising na din siya. Sana protektahan mo siya kung sakaling wala na ako at hindi pa nakakabalik si Blake." Sabi ni Master

Naluluha ako! Nakakainis!

"Hindi pa kayo mawawala! Gagampanan niyo pa ang pwesto bilang amang hari!" Tugon ko

Tinapik ni Master ang balikat ko.

"Oo. Alam ko yan Zeus. Pero mas maigi na maging handa tayo. Ayokong pati ang apo ko ay mawala ng tuluyan." Sabi ni Master

Bigla namang pumasok ang buong new council.

"Masteeeeeer! Huhuhu kamusta?!" Parang batang sabi ni Drake

"Lumayo ka nga dyan!" Saway ni Dione

"Shh! Ang ingay niyo talaga!" Saway din ni Mizzle

"Hon, mas lalong umiingay." Tugon ni Zach

Halatang malapit nang lumuha ang mata ni Master.

Lumapit yung apat kay Master at inakap nila ito.

"Hindi talaga namin alam kung paano kami kikilos ng wala ka, Master. Mag pagaling ka please." Sabi ni Dione

"Lalaban ako hanggat kaya ko kaya wag kayong mag alala." Sabi ni Master tapos tumingin sa mga Zyxe "Kayo? Di niyo ba ako aakapin?" Tanong ni Master

Napangiti naman yung pito tapos lumapit kay Master.

"Zeus?" Tawag sakin ni Master

"Bakit kita aakapin di ka pa naman mawawala eh." Tugon ko

Napangiti si Master.

"Pasensya na sa kapatid ko Master. Mahilig talaga mag spoil ng moment yan." Sabi ni Zach

Di ko nalang sila pinansin. Tinawag ko nalang yung tatlo tapos lumabas na kami. Kaagad kaming nag tungo sa hide out naming apat.

"Wait, so pwede nating palabasin na contract ito for amity of Lacxon and kuya Clyde? Eh paano kapag nabasa niya?" Tanong ni Brixx

Yun din ang problema ko.

"We have to try." Sabi ni Zhienz

Isang pirma lang Lacxon, mabubulgar lahat ng nasa katauhan mo.

"Alam ko na. Medyo mapanganib ito pero kaylangan nating sumugal. Since elemental holder siya gawin nating tungkol sa trono ang dahilan kung bakit kaylangan niyang pumirma." Sabi ni Quintin

Genius!

"Hey. Zeus may sikreto ka bang tinatago sa amin?" Biglang tanong ni Zhienz

Napalingon ako sa kanya. Nakadikit ang balat niya sa balat ko.

"W-what?" Di makapaniwalang tanong ko

Napailing naman si Zhienz.

"May mali siguro sa electricity energy na nararamdaman ko sa katawan mo. Baka dahil lang stress ka. Alam ko namang hindi na tayo mag tatago ng sikreto sa isa't isa kasi mag kakaibigan na tayo diba, Zeus?" Sabi ni Zhienz

Bahagya akong napangiti.

Hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman niyo ang kasunduan.

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon