Chapter 14-Saved-

173 14 0
                                    

Chapter 14-Saved-

Blake's POV

ESA ACADEMY

Dahil sa pag mamadali kong pumunta sa office ni Master T ay madami akong nakabunggo. Pag dating ko sa office ni Maste T. ay sinalubong ako ni Gorgor.

"Anong problema Mr. Erif?"-Tanong ni Gorgor

Hindi ko na pinansin ang tanong ni Gorgor. Nahalata niya namang nag mamadali ako kaya binuksan niya yung pinto.

"Master!"-Tawag ko kay Master

Agad namang napalingon si Master galing sa pag babasa niya.

"Bakit Erif?! Anong problema?!"-Agad na tanong ni Master

"Master si Zafira! Kaylangan na niya ng tulong! Kaylangang makapunta kaagad tayo doon!"-Di mapakaling sabi ko

Agad akong hinawakan ni Master at ginawa ang teleportation na siya lang ang nakakagawa.

Nasa tapat kami ngayon ng yelong palasyo.

"Hindi niya ba nasabi kung nasaan siya?"-Tanong ni Master

Kaagad akong umiling.

"Pag pasok natin sa loob ay mag hiwalay tayo. Sa taas ka at sa baba naman ako. Kapag nahanap mo na sila ay kaagad niyo akong puntahan sa baba."-Sabi ni Master

Dalawa lang kami kaya natatakot ako para saaming dalawa ni Master.

"Pero Master, di ka pwedeng mag isa."-Nag aalalang sabi ko

"Wag matigas ang ulo Blake! Buhay ng reyna na pinakamamahal mo ang nakataya dito!"-Pangangaral ni Master

Kinapitan na niya ako at na tungo na kami sa loob. Gaya ng inaasahan ay madaming sumugod na kawal.

"Umalis ka na! Ako na ang bahala dito!"-Sigaw ni Master

Kaagad akong umakyat sa itaas.

Fudge! Ang daming silid! Kada silid ay binuksan ko hanggang sa may makasalubong akong kawal. Kaagad akong nag palabas ng apoy sa kamay ko at kinuwelyuhan siya.

"Nasan ang Reyna ng Light Throne at ang mga alagad nito?!"-Tanong ko

Ayaw pa dapat nitong mag salita nang itapat ko sa mukha niya ang apoy. Nalusaw ng kaunti ang mukha niya.

"S-sa tore! Nandon ang Reyna niyo!"-Takot na sabi nung kawal

Kaagad ko siyang binitawan at tumakbo papunta sa toreng tinukoy niya. Kung anong dami ng mga tauhan sa baba ay mas doble dito.

"Sino kang pangahas ka na pumasok sa Coldestrian?!"-Galit na tanong ng isang kawal

Mukhang siya ang pinakamataas na uri ng kawal dito.

"Sino din kayong mga pangahas para ikulong ang Reyna ko?"-Mayabang na tanong ko

"Hindi ka natatakot sakin?!"-Sigaw niyang muli

Nginisihan ko siya.

"Bakit ako matatakot? Sino ka ba?"-Tanong ko at ngumisi ulit

Dahil nainis siya ay sumugod siya. Napahinto siya ng mag labas ako ng apoy sa dalawang kamay ko.

"Oh sugod na!"-Sabi ko

Nginisihan niya din ako. Kung payabangan lang eh wag niya akong hahamunin dahil mas mayabang ako sa pinakamayabang!

"Whyte Coldestrian! Wag mong kakalimutan ang pangalan na yan dahil yan ang papatay sayo!"-Sabi niya at sumugod sakin

Agad kong sinalag ang kamao niya at hinawakan ito. Kitang kita ko ang usok dahil yelo ang kapangyarihan niya at apoy naman ang akin.

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon