Chapter 40-Who?-

116 7 0
                                    

Blake POV

Nag patawag si Master ng meeting dito sa meeting room. Nasa gitna siya ngayon at nakatayo. May sasabihin daw siyang mahalagang bagay na hindi alam ng mga old council. Edi ano pa kami? Di nga alam ng mga nanay at tatay namin eh.

"Nais kong ilahad ang sikreto na ito dahil kaylangan na. Ang mga nanay at tatay lamang ng old council ang nakakaalam nito." Saad ni Master

Pabitin pa!

"Alam ng mga magulang namin?" Tanong ni Mom

Tumango si Master.

Akalain mo nga namang mag alam pala sila lolo at lola dito. Edi sana sila nalang nag kwento!

"Syempre mga nasa 20's lang kayo noon at hindi niyo pa ako masyadong kilala dahil hiwalay ang ESA sa palasyo." Umupo si Master dahil napagod

Sige lang Master. Mag comercial ka pa!

"Master naman! Wag na comercial! Nakakainip na eh." Sabi ni Drake

Binatukan naman siya agad ni Dione.

"Mga kabataan talaga ngayon. Mga inip!" Sabi ni Master at tumingin sa akin

Oh ako na naman?! Si Zaffy yung nag kiss sakin ah!

"Nais kong malaman niyong lahat na apo kong tunay si Zafira." Saad ni Master

WHAT.THE.FREAKIN.SMALL.WORLD!

Bigla kong naalala lahat ng katarantaduhang ginawa ko kay Master. Baka siya na mismo ang mag layo sakin kay Zaffy!

"How come?!" Tanong ni Queen Wynessa

Mana talaga sa kanya si Zander. Reaction palang talo talo na!

"Hindi niyo nga alam dahil nasa loob lang kayo ng ESA. Masyadong nakatuon ang atensyon niyo sa hari at reyna. Sinadya ko talagang wag ipaalam sa inyo." Saad ni Master

"Edi elemental holder din kayo?" Tanong ni Mizzle

Tumango si Master.

"Noon yun." Napapailing na sabi ni Master "Sa kasamaang palad, aksidente kong napasa ang kapangyarihan ko 20 years ago. Hindi ko alam kung kanino pero nakapamakapangyarihan niya." Saad ni Master

Dahil sa digmaan nawalan ng isang kapangyarihan si Master.

"Dapat nating mahanap ang huling elemental holder dahil sa kalagayan ni Zafira hihina ang depensa natin." Sabi ni Master

Tumango naman kaming lahat.

"Run a test para sa mga immortal sa loob at labas ng palasyo. Dapat siyang mahanap bago pa tayo mautakan ng kalaban." Sabi ni Master

"Yes King Tristan!" Sabay sabay na sabi namin

Agad na umiling si Master.

"Wag niyo na akong tawaging ganyan." Sabi ni Master "Isa pa pala, old council tulungan niyo akong alisin ang isang kapangyarihan ni Ptolemy. Delikado itong masyado dahil may kayang komontrol ng katawan niya dahil sa itim na kapangyarihan niya." Saad ni Master

Mukhang dapat si Zafira muna ang nakaalam nito. Pwede siyang humingin ng tulong sa mga nag babantay sa kanya. Maaring alam nila ang lahat.

"Blake, sanayin mo si Ptolemy na kontrolin lamang ang isa niyang kapangyarihan. Pasasamahan kita kay Admiral Dervion." Utos ni Master

Agad akong tumango.

"Mag tulungan tayong lahat at siguraduhing maipapanalo na naman natin ang susunod na digmaan." Sabi Master "Maari na kayong umalis." Saad niya pa

Agad akong tumayo at lumapit kay Ptolemy.

"Wag ka nang mag alala, Ptolemy. Sisiguraduhin kong matatanggal ang masamang kapangyarihan sayo." Sabi ko

Tumango ito at ngumiti.

Lumapit naman sa amin si Mom and Dad. Yumuko kaming dalawa ni Ptolemy.

"Mom, what do you need?" Tanong ko

"Kinakamusta ka lang namin tyaka ang pinsan mo." Sagot ni Mom

Napatango naman ako.

"Isasama muna namin si Ptolemy sa labolatory. Wala kaming gagawing masama sa kanya. Tatawagin ka namin kapag sasanayin mo na siya." Sabi ni Dad

Tumango naman ako sa kanila. Tinapik ko sa balikat si Ptolemy.

"They can help you. Good luck." Sabi ko at ngumiti

Umalis na ako at dumiretso kay Yarris.

"Hi Dad." Matamlay na sabi ni Yarris

"Hello son. How are you?" Sabi ko

Ngumiti ito ng konti.

"I'm not okay Dad. I'm blaming myself because if Mom's condition now." Sabi ni Yarris

Ginulo ko ang buhok niya.

"No Yarris. Wala namang may kasalanan. We love each other kaya nangyari yun." Sabi ko

Nakita kong medyo sumaya naman siya.

"Can we visit her?" Tanong ni Yarris

Agad akong tumango. Pumunta n agad kami doon para na din bantayan si Zaffy.

Agad na umupo si Yarris sa tabi ni Zaffy.

"She'll wake up soon. Your Uncle Zander and Auntie Lyn is now finding a spell breaker." Saad ko

Ngumiti naman si Yarris.

"Sana magising na siya. Gusto ko pong mag sorry sa ginawa ko sa kanya. Alam ko naman pong tanggap niya padin ako kahit na may sungay ako. Kahit na I lool like a demon." Sabi ni Yarris

Agad akong tumango.

"Your horns are beautiful, Yarris. You are not a demon okay? You look so handsome dahil mana ka sakin." Saad ko

I tried to be positive.

"Thanks Dad." Nakangiting sabi ni Yarris

Ngumiti din ako dito.

"Mom, papasok na po ako ulit sa school kahit ayaw nila sa akin. I will be a good leader like you and Dad. Wake up soon okay? I'm going to show you my stars." Nakangiting sabi ni Yarris habang nilalaro ang daliri ni Zaffy "For the mean time, babasahin ko muna sa inyo yung diary niyo." Natatawang sabi ni Yarris

What?!

"Bakit nasayo yun?" Tanong kay Yarris

Natawa muna ito.

"Eh kasi Daddy, naiwan niyo po yun dahil nasa ilalim ng kama niyo. Nasa chapter 4 na po ako Daddy." Natatawang sabi ni Yarris

Hindi ako makapaniwala. Kopyang kopya niya ang kapilyuhan ni Yury!

"Okay. Basta ingatan mo yun ah. Two years kong iningatan yun." Saad ko

Bigla ko na namang naalala si Yury.

"Malapit ba sayo si Ptolemy?" Tanong ko kay Yarris

Umiling ito.

"Hindi naman po masyado. Ayaw po namin sa isa't isa eh." Sabi ni Yarris

Natawa naman ako doon.

"As in di ka niya kinakausap?" Tanong ko ulit

Tumango si Yarris.

"Opo. Kasi isang beses inaway niya ako. Ayaw ko nga sa kanya kasi mukhang palagi siyang may kausap pero wala naman. He's scary." Sabi ni Yarris

Nakakunot ang noo ko.

"Kaylan mo nakita yun?" Tanong ko

"Nung isang araw po. Tapos nung nakita niya ako nanlilisik yung mata niya. Ayun umalis nalang po ako. Kaya dapat po kayo talaga ang manalo eh. Hindi niya deserve ang pwesto." Sabi ni Yarris

At doon nakumpirma kong hindi si Yury ang nakontrol ng katawan ni Ptolemy.

Sino siya?!

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon