Chapter 47-Signed Contract-

120 7 0
                                    

Zeus POV

Nandito na kami sa head quarters nila Quintin at Lacxon. Si Brixx at Zhienz kasi ay nasa labas pa dahil tinitignan nila kung may dadating.

"I am sure you will not regret signing this contract. It will bring you and authority because you are elemental holder." Sabi ko

Ngumiti naman si Lacxon. Excited niya pa ngang pinirmahan ang kontrata.

"Thanks for this offer. May matino pa palang immortal dito." Sabi ni Lacxon

Matino my foot.

"Syempre. Kahit isa akong Zyxe, alam ko ang mali at tama." Sabi ni Quintin

Umupo na ako sa sofa at tinago yung kontrata.

"I like your thinking, Zeus." Biglang sabi ni Lacxon

Di ko naiwasang kabahan. Does he know my secret?

"I am genius." Saad ko nalang

"Yeah, like you can burn your enemy down by using your speech! Yung sa meeting room? Bumilib talaga ako sayo!" Sabi ni Lacxon

Kaya pala napangiwi siya. Good for him.

"Pero dapat hindi lang puro isip at salita. Sana sa gawa din." Dagdag pa ni Lacxon

Tumango ako.

"I am stronger than you think, Lacxon. Well trained ako bata palang." Sabi ko

Mukhang nagulat siya. Pero wala na akong oras makipagyabangan pa.

"By the way, mauuna na ako. Ngayong araw aalis si Master sa hospital." Sabi ko at tumayo na

Lumabas na agad ako at gumamit ng banishing ability papunta sa hospital.

"Zeus, wag masyado gumamit ng banishing ability." Saway ni Queen Georgia

Nandito pala siya para bantayan si Master.

"Opo." Sabi ko

Tumayo na si Master sa pag kakaupo sa hospital bed.

"Okay lang yun. Mas malakas naman siya sa akin." Sabi ni Master kay Queen Georgia at ngumiti

Sabay sabay na kaming tatlo na umalis sa kwarto at pumunta naman kay Zafira. Namataan namin si Troy at Syn doon. Nilalaro nila si Yarris.

"Mauuna na po pala ako, Master. May isinasagawang hakbang si Queen Catherine at King Flame patungkol sa pag kuha ng anak nila." Sabi ni Queen Georgia

Tumango naman si Master at ngumiti.

"Sabihin mong wag silang mag alala dahil makakauwi si Blake ng ayos." Sabi ni Master at ngumiti

Bigla tuloy napalingon kaming tatlo nila Troy at Syn.

Paano niya ba nasasabi ang mga ganoong bagay? Katulad noong dalawang taon na ang nakakalipas. Sinabi niya kay Crusius na matatalo ang Dark Throne at ganoon nga ang nangyari.

Umalis na si Queen Georgia at tumuloy na kami ng tuluyan.

"Bakit nandito ka, Yarris? Diba magaling ka na?" Tanong ni Master

Hindi siya pumasok sa school.

"Sinabi ko na kay Daddy Blake na wag siyang tumuloy. Pero di siya nakinig. I will bring him back before I go to school." Sabi ni Yarris

Matapang talaga ang batang ito.

"No. You will stay here." Sabi ni Troy

Natawa naman si Master.

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon