Chapter 17-Maze-

214 14 1
                                    

Zafira's POV

"Eclipse last two years ago was the most powerful eclipse. As you see, doon galing ang kapangyarihan ng mga Zyxe." Sabi ni Master saakin

Pinag aaralan ko kasi ang eclipse last two years ago. Maybe that's the key on my problem with this memory lost. I think that's somehow connected.

"Bakit biglang nag karoon ng eclipse?" Tanong ko

Tila napaisip din si Master.

"Hindi ko din alam. Hindi din mapaliwanag ng mga dalubhasa ang pangyayaring iyon." Sagot ni Master

Ininom ko nalang ang kape na nakalagay sa table ko. Nandito si Master dahil may kinukuha siya. Mamaya ay babalik na din siya sa kampo kaya napag desisyunan ko munang makipag kwentuhan sa kanya.

"To be honest, I'm asking all of this because I think it is connected on my problem. This memory lost na di ko alam kung kailan ba babalik." Sabi ko

Tinapik niya ang balikat ko.

"Hija, you don't need to push yourself. Makakasama sa kalusugan mo." Sabi ni Master

Naramdaman ko ang pag aalala niya. Parang sobrang lapit nga namin sa isa't isa at kung ituring niya ako parang apo na niya ako.

"Alam ko Master. Pero mahirap naman po ang mamuno sa isang lugar kung ako mismo hindi sigurado kung taga dito ba talaga ako. Madaming nawalang alala. Hindi ko alam kung papano gagamitin ang kapangyarihan ko dahil ayon kay Tita Georgia dalawang taong natulog ang kapangyarihan ko." Sabi ko

Ngumiti si Master.

"Dito ang totoong tahanan mo Zafira. Inilayo ka lang dahil sa mapait na nakaraan. Isa pa, kaya nga tayo nag hahanap ng kabiyak mo. Para ito sayo at sa buong kaharian. Mas mapapabuti ito." Sagot ni Master

Tumayo na si Master sa sofa at binitbit ang tungkod niya. Mukhang aalis na siya.

"Paano ba yan? Aalis na ako. Wala ka bang gustong ipadala kay Blake?" Natatawang sabi ni Master

He never failed to brighten the scenario.

"Syempre wala po. Hindi ko naman siya kaano ano. Mag ingat po kayo sa pag punta doon. Manonood po ako sa linggo." Sabi ko at ngumiti

Natawa nalang si Master at lumabas sa opisina ko.

Matapos kong tignan ang mga binigay saaking report ay lumabas na ako ng opisina. Nag tungo agad ako sa garden dahil doon ko sinabing mag intay si Yarris.

Hindi nga ako nag kamali. Nandoon nga siya at nakaupo. Kaso may nakatalikod na lalaki. Katabi niya ito.

"Yarris?" Tawag ko

Agad na lumingon si Yarris at ngumiti.

"Mommy!" Sabi niya at lumapit saakin. Binigyan niya din ako ng mahigpit na yakap.

"Bakit? Namiss mo agad ako?" Tanong ko

Tumango tango naman siya.

Sa wakas, ang nakatalikod na lalaki ay humarap na. Si Zeus?

"Nag laro lang po kami ni Prince Zeus habang wala kayo." Sabi ni Yarris

Hindi ko alam pero parang may nag sasabi sa loob ko na dapat iwasan siya ni Yarris. Alam kong black magic user siya pero sapat na bang batayan yun para sabihin kong masama siya? Pero yun kasi ang nararamdaman ng puso ko.

"Paumanhim mahal na reyna. Hiniram ko lang siya saglit dahil natapos ko na ang aking gawain at nakita ko siya dito na nag iisa." Sabi ni Zeus

Hindi ko dapat siya husgahan. Itatatak ko sa isip kong mabait siya.

"Wala yon. Ako dapat ang mag pasalamat dahil nilibang mo siya." Nakangiti kong sabi

Biglang napatigil siya at napahawak sa puso niya. Kaagad akong tumakbo papalapit sa kanya at sinalo siya. Dahil sa sakit ng dibdib niya ay napaluhod siya.

"Prince Zeus? Anong nararamdaman mo?" Nag aalalang tanong ko

"Ma..masakit!" Sigaw niya habang nakalagay ang kamay niya sa dibdib

Agad kong ginamit ang earth element ko. Inilagay ko sa dibdib niya ang palad ko. Mukhang gumana naman dahil kumalma siya. Napatingin ito saakin. Gulat akong tumingin sa mata niya.

Ang mga matang yon. Nakita ko na yon dati..

Iniiwas niya ang tingin niya saakin. Ganoon din naman ako.

"Paumanhin sa aking kalapastanganan. Patawad po." Sabi ni Zeus at yumuko ulit

Nakahinga ako ng maluwag dahil ayos na siya at natanggal ang titig niya saakin.

Hindi ako nakahinga dahil sa titig niya. Parang kinuha non ang lahat ng enerhiya ko sa katawan.

"Mag pahinga ka na Prince Zeus." Sabi ko

Tumayo na siya at nag umpisang mag lakad.

Nakita ko na siya dati. Hindi ko lang alam kung saan! Sabi ng utak ni Zeus

Wala nga pala siyang alalala katulad ko. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka magkaugnay ang nakaraan namin.

Hinarap ko na si Yarris na nakatingin lang saakin. Agad ko siyang inaya sa upuan. May mga bagay akong kaylangang malaman at alam kong siya lang ang makakapag sabi saakin noon.

"Yarris, promise me na mag sasabi ka lang ng totoo huh? I can read minds. Kaya wag ko nang subuking mag singungaling." Sabi ko

Tumango tango naman siya.

"Alam kong kilala mo ako. Hindi lang bilang kaibigan ng kuya mo kundi bilang isang imortal na din. Pwede mo ba akong kwentuhan ng nakaraan ko?" Saad ko

Patay. Bawal ko nga sabihin yun eh. Magagalit si Master Tristan. Sabi ni Yarris sa utak niya

"Okay okay. Kahit hindi detalyado. Basta onti lang." Sabi ko

Mukhang wala talaga siyang balak na sabi---

"Bata pa lang po ako. Tyaka di ko na po naalala ang lahat dahil nasa nursery pa po ako. Ang alam ko lang po ay naging matunog ang pangalan niyo dahil isa kayong nerd pero nagawa niyo pong mabilang sa Elemental Squad na pinamumunuan ni Daddy Blake. Isa pa pong alam ko ay--" naputol ang pag sasalita niya ng biglang lumitaw si Tita Georgia sa likod ko

Nalaman ko agad dahil naramdaman ko ang presensya niya.

"Enough Yarris!" Sabi ni Tita Georgia

Agad kong hinarang ang sarili ko kay Yarris.

"Tita naman. Nag papakwento lang ako ng onti." Sabi ko

That sentence made her eyebrows met.

"Alam mong pinag bawalan ka diba? Anong gusto mong mangyari sa kaharian kung nag kasakit ka? Sa tingin mo ba kaya namin ng wala ka? Isa kang Elemental Holder! Ang dugo mo ay mahalaga! Kami ay hamak lang na elements holders. Hindi biro kalaban ang mga kaharian kung wala ka." Sabi ni Tita Georgia

Nakita ko sa mata niya ang pag aalala. Na para bang ako na talaga ang pinaka mahalagang treasure sa lugar na ito.

"Bakit ba kasi hindi niyo nalang ibalik ang alalala ko? Ngayong wala pang kalaban?" Tanong ko

"Wag mong ipilit ang hindi pwede Zafira. Mas nakakatanda ako sayo, alam ko ang nais ng isang magulang para sa anak niya." Sabi ni Tita Georgia

Doon ako natauhan.

Kahit gaano pa katagal bumalik ang mga alalala na ito. Mag aantay ako.

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon