Chapter 16
Zafira POV
"Pwede ba akong manood ng paligsahan sa loob ng kampo?"-Tanong ko
Ngumisi naman si Master. Alam kong may kahulugan iyon. Pero wala akong magagawa, gusto kong manood eh.
"Maari naman. May apat paligsahan. Ang matitira sa huli ang magiging kabiyak mo. Sa apat na paligsahan na iyon, doon ka lamang pwedeng sumilip kay Blake--este sa kanila."-Sabi ni Master at tumawa
Haha nakakatawa yun Master ah!
Nag tawanan din naman sila Dione. I feel so betrayed!
"Enough na nga! Tara nalang sa bahay nila Zander! Tignan natin baby nila hihi!"-Sabi ni Mizzle
Nag sang-ayunan naman sila. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.
"Hmm. Parang may gustong sumama sa inyo."-Sabi ni Master
Agad naman akong napalingon kay Master at napakunot ang noo.
Sino?
"Sino po Master? Kami lang naman ang Elemental Squad ah?"-Sabi ni Zach
Tumawa si Master at tinulak ako ng bahagya.
"Ang mahal na reyna, isama niyo siya. Alam kong nababagot na siya."-Sabi ni Master
"Teka Master Tristan. Nagkakamali ka."-Sabi ko
Nagulat ako ng may kumawit sa braso ko. Si Dione pala. Feeling ko sobrang komportable naming dalawa sa isa't isa. Baka feeling ko lang yun?
"Tara na. Ayos lang naman yun."-Sabi ni Dione
"Pa'no si Yarris? Nasa klase pa siya."-Sabi ko
"Don't worry about your son. Ang mga katulong na ang bahala sa kanya. Ibibilin ko siya bago ako umalis papuntang kampo."-Sabi ni Master
Nag wave na si Master kaya naman nag wave nalang din ako.
"Go hang out with your friends--I mean new friends!"-Habol na sigaw ni Master
Edi lumabas din ang totoo. Kaibigan ko nga sila dati. Ang di ko lang malaman ay kung paano? Sa mortal world talaga ako lumaki hanggang 20 years old ako. I'm very sure.
"Sorry sa panghihimasok pero anong iniisip mo Queen Zafira?"-Tanong ni Drake
Isa nga pala siyang earth manipulator. May kakayahan siyang bumasa ng isip. Pero in this case di niya mababasa ang akin. Mukhang nahalata niya lang talaga dahil nakatulala ako.
"Gusto niyo ba talagang malaman?"-Tanong ko
Napatingin naman ang iba pang new councils. Mukhang interesado talaga sila.
"Oo sana?"-Sabi ni Mizzle
Huminga muna ako ng malalim.
"Iniisip ko kung paano ko kayo naging kaibigan gayong hindi ko pa kayo nakikita. Ngayon ko lang kayo nakita."-Sabi ko
Natahimik naman silang lahat.
"Kaibigan pala natin siya dati?"-Tanong ni Zeus
Napasapo naman nag noo si Zach.
"Wag ka na nga mag salita Zeus! Ayan ka na naman eh."-Sabi ni Drake at inakbayan si Zeus
"Wag mo ng isipin pa yon. Ang mahalaga nasa piling ka na namin ngayon."-Sabi ni Dione
Marang feeling ko gusto ko ng group hug pero alam kong hindi maari iyon.
Hays.
Mayamaya ay nakarating na kami sa bahay ni Zander.
BINABASA MO ANG
The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)
FantasíaFANTASY SERIES #2 A Queen can't function without a King. Zafira will try her best to stand without a King. But the day when trouble comes even though she don't want to choose, her people will need it. She need a King that can protect her people and...