Chapter 42-Red-

113 6 6
                                    

Blake POV

Kasama ko ngayon sila Quintin. Sasabihin ko sa kanila ang nabubuong konklusyon sa utak ko.

"Hindi talaga si Yury yung komokontrol sa katawanan ni Ptolemy. Isipin niyo, kung si Yury yon hindi niya papabayaan si Yarris. Ang kwento pa sakin ni Yarris ay matalim daw ang tingin nito sa kanya." Saad ko

Mukhang napaisip naman sila ng malalim doon.

"Oo nga. Base kasi sa kwento ni Zafira tungkol kay Yury hindi siya ganoong kapatid. Sa tingin ko may iba pang nasa likod nito." Sabi ni Quintin

"Pero kasi siya lang naman ang karibal mo kay Zafira, well except sakin. Wala ako sa tamang katinuan noon." Sabi ni Zeus

Kaylangan pang ipaalala eh.

"Sa parteng yan, si Ptolemy talaga yan. Gusto niya talaga si Zafira. Nakikita ko ang pag pupursige niya pero dahil sa kondisyon niya isinantabi niya yung pag ibig niya." Sabi ni Zhienz

"Alam ko na ang pwedeng gawin. Sa susunod na lalabas ang komokontrol kay Ptolemy, kausapin mo siy Blake." Saad sa akin ni Brixx

Tumango naman ako.

"Ayan din ang naiisip ko, Brixx. Mukhang malakas siya dahil nakaya niyang ipanalo ang tatlong laban ni Ptolemy." Sabi ko

Mga bandang tanghali ay nag pasya na kaming bumalik sa mismong palasyo. Si Master ngayon ang nag babantay kay Yarris. Si Queen Georgia, Lyn at Zander naman ang naka bantay kay Zafira.

"Blake, mag report ka daw sa opisina ni Master." Sabi ni Drake

"Nakakagulat ka ha! Ano daw problema?" Tanong ko

Nag kibit balikat lang ito.

"Ewan ko nga eh. Mukhang di siya mapakali kanina. Jusko ha, natatakot ako kay Master. Oh pano ba yan, alis na ako ha? May date pa kami ni Dione my loves." Sabi ni Drake

Sinamaan ko ito ng tingin.

"Kapag nakita ko si Dione sasabihin kong ibreak ka na niya at sumama na siya kay Syn!" Pang iinis ko

Sinamaan din ako ng tingin ng loko!

"Sorry mas matibay na kami ngayon! Kasi ngayon pareho naming pagdidisisyunan ang mga bagay!" Sabi ni Drake at tinalikuran na ako

Bigla ko namang naalala yung nangyari two years ago. Paano kung pareho kaming nag desisyon ni Zafira noon? Paano kung sabay naming sinira yung kwintas? Paano kung sa huling pagkakataon ay sinamahan ko siya?

Ang tanga ko kasi eh. Inisip ko kasing kaya niya lahat at hindi siya nahihirapan.

~~~

Nang makarating ako sa opisina ni Master ay hindi nga maipaliwanag ang itsura nito.

"Bakit naman ang tagal mo?" Tanong ni Master

Napakamot ako sa batok.

"Kasi po galing ako sa head quarters ng new council." Paliwanag ko "Si Yarris po?" Tanong ko

"Si Yarris nasa hospital. Sobrang taas ng lagnat." Saad ni Master "Pero bago mo siya intindihin, ano ang balita sa mga test?" Sabi ni Master

Damn!

"Wala pang positive Master." Saad ko

Huminga ng malalim si Master.

"Si Yarris ay pinauwi ng teacher niya kanina." Napahawak sa sintido si Master "Muntik na niyang atakihin ang kaklase niya dahil naasar siya." Saad ni Master

Sigurado akong nahihirapan talaga si Yarris.

"Master, paano kung pahintuin ko muna siya mag aral?" Tanong ko

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon