Chapter 23-Ignite-

124 5 11
                                    

Zafira's POV

Nakakainis! Di ko tuloy naintindihan yung nasa isip ni Mizzle kasi tawa ng tawa sa isip niya si Zeus! Tuwang tuwa kasi siya dahil naputol niya ang moment ni Mizzle at Zach!

"Mahal na reyna, patawarin niyo po ako sa aking kalapastanganan pero nais ko pong sabihin na madami pa kayong kaylangan gawin sa opisina niyo." Sabi ni Fresian

Tumango naman ako at nag umpisang maglakad.

"Mukhang mag kakaroon po ng matinding tag gutom sa Air Nation dahil sa pang gugulong ginagawa ng Coldestrian sa kanila. Kaylangan niyo po ng plano." Sabi Fresian

Nang makarating kami sa opisina ay agad niyang nilatag ang isang mapa. Napakalaki na ng naapektuhan dahil sa ginagawa ng mga taga Coldestrian. Ginagalit talaga ako ni Frozae!

"Ako na ang bahala dito. Sabihin niyo sa mga opisyal na dagdagan ang bilang ng mga kawal sa bawat Nation. Mag pagawa din tayo sa Fire Nation ng mga sandata para makalaban sa Coldestrian." Utos ko

"Higit na kaylangan dito sa larangan na ito si Mr. Blake Erif. Hindi ba siya pwedeng umalis sa paligsahan?" Tanong ni Hestia

Aang alam ko ay hindi pwede. Kahit pwede naman iyon mangyari ay hindi siya aalis doon. Matigas ang ulo ng lalaking iyon eh!

"Sila Queen Catherine at King Flame na lamang ang kausapin niyo patungkol dito." Sabi ko at muling nag isip

Umalis na din si Fresian at Hestia. Naiwan akong nag iisip ng plano para sa Coldestrian. If I could remember what happen two years ago, I am sure that things would be easy.

Nagulat ako ng bigla akong nakarinig ng tawa sa isip ko. Madami tawa, halo halo ito. Walang imahe kung hindi puro boses lamang.

"Hey Zaffy! Sama ka samin!" I can clearly hear Dione's voice

Si Dione. Anong koneksyon niya sa akin? Bakit ko naririnig ang boses niya?

"Okay." Naririnig ko ang boses ko

Dito ko na nakita ang imahe. Bahay kami na gawa sa salamin. Parang head quarters.

"Welcome sa tambayan namin!" Masayang sabi ni Dione

Nag si-datingan naman sila Mizzle, Zach, Drake, Blake.

"Bakit nandito yang nerd na yan?" Inis na sabi ni Blake

Suplado pala talaga siya. Bully din ang loko!

"Inaano kita?" Nagulat ako sa sarili kong boses dahil sinagot ko siya ng ganon.

"Kasama na siya sa squad, may angal ka?" Maangas na sabi ni Zach

Siya pala ang tagapagtanggol ko kay Blake dati. Natatawa tuloy akong isipin na crush ako ni Zach dati.

"Oo nga! Atyaka bago palang siya dito no! Wala pa siyang alam dito!" Sabi ni Mizzle

"Pare, mabait naman si Zaffy! Kahapon nga di siya nagalit kase nabato ko siya ng tipak ng bato." Sabi ni Drake

Kung naalala ko lang sana iyon. Sana maalala ko na kayong lahat. Hindi yung ganito, puro boses lang.

"Pinag malaki pa eh! Anyways Pres. Ako nga pala ang unang nakakita kay Zaffy, at pinadala siya dito ni Georgia Retaw, The Queen of Water nation." Sabi ni Dione

The Art Of Choosing A King (FANTASY SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon