Chapter Two

1K 156 92
                                    


"What?! How did they get here?!" Stress na tanong ni Auntie Amanda bago ko sabihin sa kanya ang nakita ko kagabi.

Of course, I need to tell them. Hindi ko rin naman hahayaang may pumasok at makapasok na kaaway dito. 

"Baka naman nagkakamali ka lang, Isabela?" Tanong ni Dallas.

"Of course not. Anong tingin mo sa akin, malabo ang mata?" Sabi ko sa kanya bago siya inirapan.

Matatalas ang mga mata naming mga bampira, and I know everyone knows that. Hindi ako nagkakamali. I saw his golden yellow pair of eyes. 

"Masyadong maaga ang dating nila. Sigurado akong andito na sila sa loob ng Montavilla." Sabi ni Auntie Amanda. 

What? Napatingin ako kay Dallas, nagkibit balikat lang siya. 

"Then we should call the officers!" Suhestiyon ko. 

Ngumiti lang siya sa akin at umiling. 

"No need, Alexis. Everything will be alright, don't worry. Bilisan niyo na diyan, may klase pa kayo. May kakausapin lang ako." Sabi ni Auntie Amanda, ngumiti pa siya sa amin bago lumabas na tila napaka kampante. 

What the? Bakit parang wala lang sa kanya? 

"Tell me what's happening, Dallas? Why are they calm? They should be worried and preparing right now! Maraming mamamatay kapag naka pasok sila dito lalo na't walang naghahanda para sa paglusob nila! Hindi sila pwedeng makapasok at maka atake dito ng basta basta lang!" 

I can feel the tension right now. Kita ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Dallas, medyo napaawang pa ang bibig niya pero agad rin siyang ngumisi. 

"Why the hell are you smiling? What, you're being weird just like them?" Inis kong sabi. 

"Of course I'm terrified also, my dear cousin. But, woah woah woah. Ngayon ka lang ata nagkaroon ng pakealam sa Montavilla. Hearing those words from you giving me a goosebumps." He said while smirking. 

I gulped and realized something. Yeah, hindi naman ako ganto dati. 

"Of course I am! A-Ayaw ko pang mamatay." Sabi ko nalang. 

Tumawa siya ng malakas. 

"Stop denying, I know nag aalala ka. But don't worry, trust mom. She's not terrified, so it means walang mangyayaring masama. Hindi natin alam kung anong pinag usapan nila ng mga officers kaya merong nakapasok na lycan dito kagabi." He said. Tumayo na siya pero bago siya lumabas ng pinto ay may sinabi pa siya. 

"Kung handa ka na sanang pamunuan ang Montavilla, edi sana andoon ka rin ngayon, alam mo rin kung ano ang pinaplano nila." He said bago siya lumabas. 

He's right. He's so damn right. That hits me. But nah. Not now, give me more time. Kung ngayon palang na i-isa lang ang nakita kong wolf pero nag pa-panic na ako ng ganon, paano nalang kapag madami na sila? Kaya ko bang i-handle lahat ng 'yon? Of course, I can't.

Napailing nalang ako at pumasok na sa sasakyan. I'm going to hell--I mean, to school. Iniwan ako ng magaling kong pinsan e, hindi kasi namin magamit yung sasakyan namin kasi binawalan kami ni Auntie Amanda. 

I'm not wearing my uniform, I always prefer to wear my black racer back sando and black leather jacket with my black pants ang black boots. I'm not comfortable sa uniform ng Montavilla. Skirt na color red, short sleeve polo na color white and a vest na pinatungan naman ng long sleeve coat na kulay pula rin. It's not that I don't like wearing skirt, hindi kasi ako masyadong makagalaw kapag naka skirt. In short, hindi ako makakatakas kapag ganon ang suot ko. 

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon