Chapter Eight

545 80 28
                                    


“Matunaw naman,”

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot na naman si Dallas sa tabi ko, sinamaan ko lang siya ng tingin. Agad naman siyang umupo kaya umupo na rin ako, bermuda grass naman ito kaya ayos lang.

“Ngayon na nga lang nakabisita dito, ang sama pa ng tingin mo,” He said.

“You mean, sayo?” Irap ko.

“Nah, kay Kaiden. May kausap lang na babae e. You know? Kababata ‘yan ni Kaiden, nagkagusto daw sila sa isa’t isa pero tumigil ‘yon nang malaman nila na hindi sila mate?” Pagdadaldal ni Dallas. Bakas na bakas talaga sa kanya ang pagka tsismoso.

“Tsismoso,”

Minsan daig niya pa si Gaius sa pagka tsismoso. Si Gaius tsismoso dahil nababasa niya ang isip ng isang tao, samantalang si Dallas literal na tsismoso dahil halos lahat nalang alam niya.

So they stopped their feelings? Minsan kasi tumitigil or itinitigil ang nararamdaman namin o feelings namin kapag nalaman naming hindi pala sila ang mate namin, I don’t know, maybe dahil hindi nga kayo mate kaya ganon kadali mawala ang nararamdaman.

“Hindi ah, kwento lang ni Kahil.” Depensa naman niya, hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang panonood sa mga bampirang nag e-ensayo sa harap ng palasyo.

We called them ‘guards’ lahat ng mga batikan na sa pakikipaglaban, ang iba rin sa kanila ay nagsisimula palang. Sila ang mga bampirang handang protektahan ang pamilya namin o ang lahi namin kahit anong mangyari, kahit ikamatay nila. That’s why I’m also working hard for them.

“How’s Zaporia?”

“Still good, ang galing ba naman ng future na mamumuno e,” He said, boastfully.

“Just make sure Dallas or I’ll kick your ass off from Zaporia,” Banta ko, napatawa lang siya.

“Labas kami ng portal, sama ka?” He asked kaya agad akong napalingon.

I switched my gaze to Kaiden, na kasalukuyang nakikipag usap pa rin sa babaeng sinasabi ni Dallas na kababata niya daw or should I say, ex niya? We took a break from our training kasi dumating nga ‘tong kababata daw niya, it’s been thirty minutes pero hindi pa rin sila tapos mag usap. Pwede namang sa Creighton nalang sila mag usap mamaya ‘diba?

“Selos ka?”

“Ulol, let’s go, sasama ako.” I said bago ako tumayo at kinuha ko ang cellphone ko.

I’m just wearing a dry-fit shirt and a leggings, naka rubber shoes lang rin ako.

“But you still have training, pagalitan ka ng boss mo,” He said.

“What? Sinong boss ko? Ako ang boss dito, Dallas. At bakit siya magagalit?” I raised my eyebrow, he just shrugged.

“Selos ka lang e, hindi na gusto ni Kaiden ‘yon, pero yung babae may gusto pa rin ata sa kanya.” Hindi pa tapos si Dallas sa pagdadaldal niya.

He made a ‘peace sign’ and sticked his tongue out.

“I’m not even asking, let’s go.”

Alam kong mang aasar pa siya kaya iniwan ko nalang siya do’n para makapag paalam ako kay Auntie Amanda, wala naman akong mahalagang gagawin ngayon at tapos na rin ang pagbisita ko sa apat na bayan pati na rin sa Creighton.




“So that’s the girl?” I smirked when I stare at the girl na gusto ni Dallas, kasama niya ang mga ka-team niya ata sa cheerdance.

She’s wearing their uniform, a short skirt and a fitted long sleeve, may nakataling ribbon sa mga buhok nila, pare-parehas sila pati sapatos. Naiba lang ang kulay ng buhok niya, she have a blonde hair.

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon